Mula saan ka man lumabas ay magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Masjid na Pinakababanal. Tunay na ito ay talagang ang katotohanan mula sa Panginoon mo. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Mula sa aling pook ka lumabas at saan ka man naroon, o Propeta, ikaw at ang mga tagasunod mo, at nagnais kang magdasal, humarap ka sa dako ng Masjid na Pinakababanal sapagkat tunay na ito ay ang katotohanang ikinasi sa iyo mula sa Panginoon mo. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay nakababatid doon at gaganti sa inyo roon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم