Tunay na ang mga nagtatago ng pinababa ni Allāh mula sa kasulatan at ipinagbibili ito sa kaunting halaga, ang mga iyon ay walang kinakain sa mga tiyan nila kundi ang apoy. Hindi kakausap sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon ni magdadalisay sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tunay na ang mga nagtatago ng pinababa ni Allāh mula sa kasulatan at anumang naroon na katunayan sa katotohanan at pagkapropeta ni Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - gaya ng ginagawa ng mga Hudyo at mga Kristiyano, at ipinagbibili ito sa pamamagitan ng pagtatago nila rito dala ng isang kaunting kapalit gaya ng katungkulan o impluwensiya o yaman, ang mga iyon ay walang kinakain sa mga tiyan nila sa katunayan kundi ang magiging isang dahilan para pagdusahin sila sa Apoy. Hindi kakausap sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa paraang maiibigan nila, bagkus sa paraang ikasasama nila, at hindi Siya magdadalisay sa kanila ni pupuri sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم