Huwag kayong kumain ng mga yaman ng iba sa inyo sa pagitan ninyo sa kabulaanan, o mag-abot kayo ng mga ito sa mga namamahala upang makakain kayo ng isang bahagi mula sa mga yaman ng mga tao sa kasalanan samantalang kayo ay nakaaalam.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Huwag kumuha ang iba sa inyo ng yaman ng iba pa sa inyo sa paraang hindi isinabatas gaya ng pagnanakaw, pangangamkam, at pandaraya. Huwag kayong makipag-alitan hinggil sa mga ito sa mga namamahala upang makakuha ang isang pangkat mula sa mga yaman ng mga tao habang mga nasasangkot sa pagsuway samantalang kayo ay nakaaalam na si Allāh ay nagbawal niyon sapagkat ang paglalakas-loob sa pagkakasala kalakip ng kaalaman ng pagbabawal rito ay higit na matindi sa kapangitan at higit na mabigat sa kaparusahan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم