Pagkatapos ay lumisan kayo saanman lumisan ang mga tao at humingi kayo ng tawad kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Pagkatapos ay lumisan kayo mula sa `Arafāt gaya ng ginagawa ng mga taong tumutulad kay Abraham - sumakanya ang pangangalaga - hindi gaya ng ginagawa ng sinumang hindi tumitigil doon kabilang sa mga tao ng Panahon ng Kamangmangan. Humiling kayo ng kapatawaran mula kay Allāh sa pagkukulang ninyo sa pagsasagawa ng isinabatas Niya; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم