Ngunit kung hindi kayo nakagawa - at hindi kayo makagagawa - ay mangilag kayo sa Apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato. Inihanda ito para sa mga tagatangging sumampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ngunit kung hindi kayo nakagawa niyon - at hindi kayo makakakaya niyon magpakailanman - ay mangilag kayo sa Apoy na gagatungan ng mga taong karapat-dapat sa pagdurusa, ng mga uri ng mga bato kabilang sa sinasamba nila noon, at iba pa. Ang apoy na ito ay inihanda nga ni Allāh at inilaan para sa mga tagatangging sumampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم