Nagsabi sa kanila ang propeta nila: "Tunay na ang tanda ng paghahari niya ay na darating sa inyo ang kaban – na sa loob nito ay may katiwasayan mula sa Panginoon ninyo at may labi mula sa naiwan ng angkan ni Moises at ng angkan ni Aaron – na dinadala ng mga anghel." Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa inyo, kung kayo ay mga mananampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi sa kanila ang propeta nila: "Tunay na ang palatandaan ng katapatan ng pagkapili sa kanya bilang hari sa inyo ay na isasauli ni Allāh sa inyo ang kaban" - ito noon ay isang kahon na dinadakila ng mga anak ni Israel na kinuha mula sa kanila - "na sa loob nito ay may kapanatagang sumasama rito at sa loob nito ay mga labi mula sa naiwan ng angkan ni Moises at angkan ni Aaron, tulad ng tungkod at bahagi ng mga tapyas na bato." Tunay na sa gayon ay talagang may palatandaang malinaw para sa inyo, kung kayo ay mga mananampalataya sa totoo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم