Nang tumambad sila kina Goliath at mga hukbo nito ay nagsabi sila: "Panginoon namin, magbuhos Ka sa amin ng pagtitiis, magpatatag Ka ng mga paa namin, at mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nang lumisan sila, habang mga lumalantad kina Goliath at mga hukbo nito, ay nagtuon sila kay Allāh ng panalangin, na mga nagsasabi: "Panginoon namin, magbuhos Ka sa mga puso namin ng pagtitiis, magpatatag Ka ng mga paa namin upang hindi kami tumakas at hindi kami matalo sa harapan ng kaaway namin, at mag-adya Ka sa amin sa pamamagitan ng lakas Mo at pag-alalay Mo laban sa mga taong tagatangging sumampalataya."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم