O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at iwan ninyo ang anumang natira mula sa patubo kung kayo ay mga mananampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at tumigil kayo sa paghiling sa anumang natira mula sa mga yamang galing sa patubo sa nasa mga tao kung kayo ay totoong mga mananampalataya kay Allāh at sa isinaway Niya sa inyo na patubo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم