Nagsabi Sila: "Kaluwalhatian sa Iyo! Wala kaalaman sa amin maliban sa itinuro Mo sa amin. Tunay na Ikaw ay ang Maalam, ang Marunong."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi sila, habang umaamin sa kakulangan nila samantalang nagpapanumbalik ng kalamangan kay Allāh: "Nagpapawalang-kapintasan kami sa Iyo at dumadakila kami sa Iyo, o Panginoon Namin, palayo sa pagtutol sa kahatulan Mo at batas Mo. Kami ay hindi nakaaalam ng anuman maliban sa itinustos Mo sa amin ang kaalaman nito. Tunay na Ikaw ay ang Maalam na walang naikukubli sa Iyo na anuman, ang Marunong na naglalagay ng mga bagay-bagay sa mga kinalalagyan ng mga ito mula sa kapangyarihan Mo at batas Mo."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم