ترجمة معاني سورة الهمزة
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
Ang kasaklapan at ang katindihan ng pagdurusa para sa madalas na panlilibak sa mga tao at paninira sa kanila.
na ang pinahahalagahan niya ang pag-iipon ng yaman at pagbilang-bilang nito: walang pinahahalagahan para sa kanya na iba pa roon,
na nagpapalagay na ang yaman niya na tinipon niya ay magliligtas sa kanya mula sa kamatayan kaya mamamalagi siyang nananatili sa buhay pangmundo.
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ng mangmang na ito. Talagang itatapon nga siya sa Apoy ng Impiyerno na dumudurog at bumabasag sa bawat itatapon doon dahil sa tindi ng lakas niyon.
At ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang Apoy na ito na magwawasak sa bawat itatapon doon?
[Ito ay] ang Apoy ni Allāh na pinagliliyab,
na tumatagos sa mga katawan ng mga tao patungo sa mga puso nila.
Tunay na ito sa mga pinagdurusa roon ay isasara
sa mga haliging binanat na mahaba upang hindi sila makalabas mula roon.