[Mag-ayuno ng] mga araw na bilang; ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay may-sakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga araw. Kailangan sa mga nakakakaya nito ay isang pantubos na pagpapakain sa mga dukha; ngunit ang sinumang nagkusang-loob ng isang kabutihan, ito ay higit na mabuti para sa kanya. Ang mag-ayuno kayo ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang pag-aayunong inobliga sa inyo ay na mag-ayuno kayo sa mga araw na kakaunti ng isang taon; ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay may-sakit na sakit na nagpapahirap sa kanya ang pag-aayuno o naglalakbay, maaari sa kanya na tumigil, pagkatapos ay kailangan sa kanya magbayad-ayuno ng mismong bilang ng mga araw na tumigil sa pag-aayuno. Kailangan sa mga nakakakaya sa pag-aayuno ay isang pantubos, kapag tumigil sa pag-aayuno. Ito ay pagpapakain ng isang dukha kapalit sa bawat araw na tumigil sa pag-aayuno. Ang pag-aayuno ninyo ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa pagtigil sa pag-aayuno at pagbibigay ng pantubos, kung kayo ay nakaaalam sa taglay ng pag-aayuno na kalamangan. Ang patakarang ito noon na unang isinabatas ni Allāh ay ang pag-aayuno. Ang sinumang nagnais ay mag-ayuno, at ang sinumang magnais ay tumigil at magpakain. Pagkatapos ay nagsatungkulin si Allāh ng pag-aayuno matapos niyon at nag-obliga nito sa bawat nasa hustong gulang na nakakakayang mag-ayuno.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم