O gaya ng isang unos mula sa langit, na sa loob nito ay mga kadiliman, kulog, at kidlat. Naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila dahil sa mga lintik, dala ng hilakbot sa kamatayan. Si Allāh ay Tagasaklaw sa mga tagatangging sumampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tungkol naman sa pantubig na paghahalintulad sa kanila, sila ay katulad ng masaganang ulan mula sa mga ulap na sa loob nito ay may mga kadilimang nagkakapatung-patong, kulog, at kidlat. Bumaba ito sa mga tao at tinatamaan sila ng isang matinding pangingilabot kaya nagsimula silang magpasak sa mga tainga nila ng mga dulo ng mga daliri nila dahil sa tindi ng tunog ng mga lintik dala ng pangamba sa kamatayan. Si Allāh ay Tagasaklaw sa mga tagatangging sumampalataya; hindi sila nagpapawalang-kakayahan sa Kanya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم