Mag-aalaala kayo kay Allāh sa mga araw na bilang, ngunit ang sinumang nagmadali [sa pag-alis] sa dalawang araw ay walang kasalanan sa kanya at ang sinumang nagpahuli ay walang kasalanan sa kanya: sa sinumang nangilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na kayo ay sa Kanya pag-uumpukin.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Mag-aalaala kayo kay Allāh sa pamamagitan ng takbīr (pagsabi ng Allāhu akbar) at tahlīl (pagsabi ng lā ilāha illa-llāh) sa iilang araw: ang ika-11, ang ika-12, at ang ika-13 ng Dhulḥijjah. Ngunit ang sinumang nagmadali at lumabas ng Minā matapos ng pagbato sa ika-12 araw ay nasa kanya na iyon at walang kasalanan sa kanya dahil si Allāh ay nagpagaan sa kanya. Ang sinumang nagpahuli hanggang sa ika-13 hanggang sa bumato siya ay nasa kanya na iyon at walang maisisisi sa kanya. Gumawa nga siya ng pinakalubos at sumunod siya sa gawa ng Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan. Ang lahat ng iyon ay ukol sa sinumang nangilag magkasala kay Allāh sa ḥajj niya sapagkat nagsagawa siya ng gaya sa ipinag-utos ni Allāh. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Pakatiyakin ninyo na kayo ay sa Kanya - tanging sa Kanya - manunumbalik at hahantong para gumanti sa inyo sa mga gawa ninyo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم