Tunay na ang mga sumampalataya at ang mga lumikas at nakibaka ayon sa landas ni Allāh, ang mga iyon ay umaasa sa awa ni Allāh. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, at ang mga nag-iwan ng mga bayan nila bilang mga lumilikas patungo kay Allāh at sa Sugo Niya at nakipaglaban upang ang Salita ni Allāh ay maging ang kataas-taasan, ang mga iyon ay nagmimithi sa awa ni Allāh at kapatawaran Niya. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم