Kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa ibinaba Namin sa Lingkod Namin, maglahad kayo ng isang kabanata kabilang sa tulad nito at tumawag kayo sa mga saksi ninyo bukod pa kay Allāh kung kayo ay mga tapat.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kung kayo, o mga tao, ay nasa isang pagdududa sa Qur'ān na ibinaba sa lingkod Naming si Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - humahamon Kami sa inyo na sumalansang kayo rito sa pamamagitan ng paglalahad ng iisang kabanata na nakatutulad nito, kahit pa man higit na maiiksing kabanata kaysa rito. Manawagan kayo sa sinumang nakaya ninyo kabilang sa mga tagaadya ninyo kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم