Kung nagdiborsiyo siya rito [sa ikatlong pagkakataon] ay hindi na ito ipinahihintulot sa kanya matapos niyon hanggang sa makapag-asawa ito ng isang asawang iba pa sa kanya. Kung nagdiborsiyo naman iyon rito ay walang maisisisi sa kanilang dalawa na magpanumbalikan silang dalawa kung nagpalagay silang dalawa na makapagpanatili silang dalawa sa mga hangganan ni Allāh. Iyon ay mga hangganan ni Allāh; naglilinaw Siya sa mga ito para sa mga taong umaalam.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kung nagdiborsiyo sa babae ang asawa nito ng ikatlong diborsiyo, hindi ipinahihintulot sa lalaki ang magpakasal sa babae sa muli hanggang sa makapag-asawa ang babae ng isang lalaking iba sa dating asawa sa isang kasal na tumpak dahil sa pagkaibig hindi dahil sa layon ng pagpapahintulot na makasal sa dati, at nakikipagtalik naman ang lalaking iyon sa babae sa kasal na ito. Kung nagdiborsiyo sa babae ang kasunod na asawa o namatay ito sa kanya, walang kasalanan sa babae at dating asawa niya na magpanumbalikan silang dalawa sa isang bagong kasal at isang bagong bigay-kaya (mahr) kung nanaig sa palagay nilang dalawa na silang dalawa ay makapagsasagawa sa anumang inoobliga sa kanilang dalawa na mga patakarang pambatas ng Islām. Ang mga patakarang pambatas ng Islām na iyon ay nilinaw ni Allāh sa mga taong umaalam sa mga patakaran Niya at mga hangganan Niya dahil sila ay ang mga makikinabang sa mga ito.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم