Hindi ka ba nakaalam sa mga lumisan mula sa mga tahanan nila habang sila ay libu-libo dala ng pangingilag sa kamatayan kaya nagsabi sa kanila si Allāh: "Mamatay kayo," pagkatapos ay nagbigay-buhay Siya sa kanila? Tunay na si Allāh ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi ba nakaabot sa kaalaman mo, o Propeta, ang balita sa mga lumisan mula sa mga bahay nila habang sila ay pagkadami-dami dala ng pangamba sa kamatayan dahilan sa epidemya o iba pa rito? Sila ay isang pangkat kabilang sa mga anak ni Israel. Nagsabi sa kanila si Allāh: "Mamatay kayo," at namatay naman sila. Pagkatapos ay pinanumbalik sila sa pagiging mga buhay upang linawin Niya sa kanila na ang kapakanan sa kabuuan nito ay nasa kamay Niya - kaluwalhatian sa Kanya - at na sila ay hindi nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng pakinabang ni pinsala. Tunay na si Allāh ay talagang may bigay at kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم