Tunay na ang mga sumampalataya, ang mga nagpaka-Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang mga Sabeano – ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at gumawa ng maayos – ay ukol sa kanila ang pabuya nila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tunay na ang sinumang sumampalataya kabilang sa Kalipunang ito, at gayon din ang sinumang sumampalataya kabilang sa mga kalipunang nagdaan bago ng pagpapadala kay Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - kabilang sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at mga Sabeano na isang pangkat ng mga tagasunod ng ilan sa mga propeta - ang sinumang nagkatotoo sa kanila ang pananampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay - ay ukol sa kanila ang gantimpala nila sa ganang Panginoon nila. Walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay at hindi sila malulungkot sa anumang nakaalpas sa kanila sa Mundo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم