Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at nagpasunod Kami noong matapos Niya ng mga sugo. Nagbigay Kami kay Jesus na anak ni Maria ng malilinaw na patunay at nag-alalay Kami sa kanya sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan. Kaya ba sa tuwing may nagdala sa inyo na isang sugo ng hindi pinipithaya ng mga sarili ninyo ay nagmamalaki kayo sapagkat sa isang pangkat ay nagpapabula kayo at sa isang pangkat ay pumapatay kayo?
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah at nagpasunod Kami sa kanya ng mga sugo noong matapos niya sa bakas niya. Nagbigay Kami kay Jesus na anak ni Maria ng mga tanda na maliwanag na naglilinaw sa katapatan niya gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay at pagpapagaling sa ipinanganak na bulag at ketongin. Nagpalakas Kami sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga. Kaya ba sa tuwing dinalhan kayo, o mga anak ni Israel, ng isang sugo mula sa ganang kay Allāh ng anumang hindi sumasang-ayon sa mga pithaya ninyo ay nagmamalaki kayo sa katotohanan at nagpapakataas-taas kayo sa mga sugo ni Allāh sapagkat sa isang pangkat kabilang sa kanila ay nagpapabula kayo at sa isang pangkat ay pumapatay kayo?
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم