Kapag sinabi sa kanila: "Sumampalataya kayo sa pinababa ni Allāh," ay nagsasabi sila: "Sumasampalataya kami sa pinababa sa amin." Tumatanggi silang sumampalataya sa iba pa roon samantalang ito ay ang katotohanan bilang tagapatotoo sa taglay nila. Sabihin mo: "Kaya bakit pumapatay kayo ng mga propeta ni Allāh noong bago nito kung kayo ay mga mananampalataya?"
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kapag sinabi sa mga Hudyong ito: "Sumampalataya kayo sa pinababa ni Allāh sa Sugo Niya na katotohanan at patnubay," ay nagsasabi sila: "Sumasampalataya kami sa pinababa sa mga propeta namin." Tumatanggi silang sumampalataya sa anumang iba pa roon na pinababa kay Muḥammad gayong ang Qur'ān na ito ay ang katotohanang umaayon sa taglay nila mula kay Allāh. Kung sakaling sila ay totoong sumasampalataya sa pinababa sa kanila, talaga sanang sumampalataya sila sa Qur'ān. Sabihin mo, o Propeta, bilang sagot sa kanila: "Bakit kayo pumapatay sa mga propeta ni Allāh noong bago nito kung totoong kayo ay mga mananampalataya sa dinala nila sa inyo na katotohanan?"
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم