[Banggitin] noong inangat Namin ang bundok sa ibabaw nila na para bang ito ay isang kulandong at natiyak nilang ito ay babagsak sa kanila. [Sinabi]: "Kunin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo nang may lakas at tandaan ninyo ang narito nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin mo, O Muḥammad, noong binunot Namin ang bundok at inangat Namin ito sa ibabaw ng mga anak ni Israel noong tumanggi silang tanggapin ang nasa Torah. Ang bundok ay naging para bang isang ulap na lumilim sa mga ulo nila at natiyak nilang ito ay babagsak sa kanila. Sinabi sa kanila: "Kunin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo nang may kaseryosohan at determinasyon at pakatandaan ninyo ang nilalaman nitong mga patakarang isinabatas ni Allāh para sa inyo at huwag ninyong kalimutan, sa pag-asang mangingilag kayong magkasala kay Allāh kapag isinagawa ninyo iyon."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم