Nagsabi ang mga hindi nakaaalam: "Bakit kaya hindi kumakausap sa atin si Allāh o may pumupunta sa atin na isang tanda? Gayon nagsabi ang mga kabilang sa nauna sa kanila ng tulad ng sabi nila. Nagkawangisan ang mga puso nila. Naglinaw na Kami ng mga tanda para sa mga taong nakatitiyak.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi ang mga hindi nakaaalam kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagatambal dala ng pagmamatigas sa katotohanan: "Bakit hindi kumakausap sa atin si Allāh nang walang isang tagapagpagitna o may pumupunta sa atin na isang palatandaang pisikal na natatangi sa atin?" Ang tulad sa sabi nilang ito ay sinabi ng mga kalipunang nagpasinungaling noon pa man sa mga sugo ng mga ito, kahit pa man nagkaiba ang mga panahon nila at ang mga pook nila. Nagpalinaw nga Kami sa mga tanda para sa mga taong nakatitiyak sa katotohanan. Kapag lumitaw ito sa kanila ay walang dumadapo sa kanila na isang pagdududa at walang pumipigil sa kanila na isang pagmamatigas.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم