Magtanong ka sa mga anak ni Israel kung ilan ang ibinigay Namin sa kanila na malinaw na tanda. Ang sinumang nagpapalit sa biyaya ni Allāh noong matapos dumating ito sa kanya, tunay na si Allāh ay matindi ang pagpaparusa.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Magtanong ka, o Propeta, sa mga anak ni Israel ng isang tanong na paninisi sa kanila: "Ilan ang nilinaw ni Allāh - pagkataas-taas Siya - sa inyo na maliwanag na tanda na nagpapatunay sa katapatan ng mga sugo ngunit nagpasinungaling kayo sa mga ito at umayaw kayo sa mga ito?" Ang sinumang nagpapalit sa biyaya ni Allāh dala ng kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling matapos ng pagkakilala rito at paglitaw nito, tunay na si Allāh ay matindi ang pagpaparusa sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagapasinungaling.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم