Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa regla. Sabihin mo: "Ito ay pinsala kaya humiwalay kayo sa mga babae sa regla at huwag kayong lumapit sa kanila hanggang sa dumalisay sila, at kapag nagpakadalisay sila ay pumunta kayo sa kanila mula sa kung saan nag-utos sa inyo si Allāh. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga mapagbalik-loob at umiibig sa mga nagpapakadalisay."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, o Propeta, tungkol sa regla. (Ito ay likas na dugong lumalabas mula sa matris ng babae sa mga tanging araw.) Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Ang regla ay pinsala sa lalaki at babae kaya umiwas kayo sa pakikipagtalik sa mga babae sa panahon nito at huwag kayong lumapit sa kanila upang makipagtalik hanggang sa tumigil ang dugo sa kanila at nagpakadalisay sila mula roon sa pamamagitan ng paligo." Kaya kapag tumigil iyon at nakapagdalisay sila mula roon ay makipagtalik kayo sa kanila sa paraang pinayagan Niya para sa inyo: habang mga dalisay sa ari nila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapadalas sa pagbabalik-loob mula sa mga pagsuway at mga nagpapakalubos sa pagdadalisay mula sa mga karumihan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم