Mayroon sa mga tao na nagpapahanga sa iyo ang sabi niya hinggil sa buhay pangmundo at nagpapasaksi siya kay Allāh sa nasa puso niya samantalang siya ay pinakapalaban sa mga kaalitan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Mayroon sa mga tao na mapagpaimbabaw na nagpapahanga sa iyo, o Propeta, ang salita niya hinggil sa Mundong ito, kaya nakikita mong siya ay maganda ang pananalita hanggang sa talagang maniniwala ka sa katapatan niya at pagpapayo niya ngunit ang pakay niya lamang ay mangalaga sa sarili niya at yaman niya. Nagpapasaksi siya kay Allāh - gayong siya ay sinungaling - sa nasa puso niya na pananampalataya at kabutihan samantalang siya ay matindi ang pakikipag-alitan at ang pangangaway sa mga Muslim.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم