Hindi ka ba nakaalam sa nangatwiran kay Abraham hinggil sa Panginoon nito dahil nagbigay sa kanya si Allāh ng paghahari? Noong nagsabi si Abraham: "Ang Panginoon ko ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan" ay nagsabi siya: "Ako ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan." Nagsabi si Abraham: "Ngunit tunay na si Allāh ay nagpaparating sa araw mula sa silangan kaya magparating ka nito mula sa kanluran." Kaya nagitla ang tumangging sumampalataya. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nakaalam ka ba, o Propeta, ng higit na kataka-taka kaysa sa kapangahasan ng maniniil na nakipagtalo kay Abraham - sumakanya ang pangangalaga - hinggil sa pagkapanginoon ni Allāh at paniniwala sa kaisahan Niya? Naganap nga sa kanya iyon dahil si Allāh ay nagbigay sa kanya ng paghahari kaya nagmalabis siya. Nilinaw sa kanya ni Abraham ang mga katangian ng Panginoon nito, na nagsasabi: "Ang Panginoon ko ay ang nagbibigay-buhay sa mga nilikha at nagbibigay-kamatayan sa mga ito." Nagsabi ang maniniil bilang pagmamatigas: "Ako ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan sa pamamagitan ng pagpatay ko sa sinumang niloloob ko at pagpapaumanhin ko sa sinumang niloloob ko." Kaya nagdala sa kanya si Abraham - sumakanya ang pangangalaga - ng isa pang katwirang higit na mabigat. Nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ang Panginoon kong sinasamba ko ay nagpaparating sa araw mula sa dakong silangan kaya magparating ka nito mula sa dakong kanluran." Kaya walang nangyari sa maniniil kundi nalito siya, kinapos siya ng katwiran, at nadaig siya dahil sa lakas ng katwiran. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga tagalabag sa katarungan para sa pagtahak sa landas Niya dahil sa kawalang-katarungan nila at pagmamalabis nila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم