ترجمة سورة الإنفطار

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة الإنفطار باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Kapag ang langit ay nabitak,
at kapag ang mga tala ay naisabog,
at kapag ang mga dagat ay isinambulat,
at kapag ang mga libingan ay hinalukay;
malalaman ng isang kaluluwa ang ipinauna niya at ipinahuli niya.
O tao, ano ang nakadaya sa iyo hinggil sa Panginoon mo, ang Mapagbigay,
na lumikha sa iyo, saka humubog sa iyo, saka nagpaangkop sa iyo?
Sa alinmang anyo na niloob Niya ay bumuo Siya sa iyo.
Aba’y hindi! Bagkus nagpapasinungaling kayo sa Paggantimpala.
At tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat,
na mararangal na mga tagasulat.
Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo.
Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa Kaginhawahan.
At tunay na ang mga masamang-loob ay talagang nasa Impiyerno.
Papasok sila roon sa Araw ng Paggantimpala.
At sila palayo roon ay hindi mga makaliliban.
At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Paggantimpala?
Pagkatapos ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Paggantimpala?
[Iyon ay] sa Araw na hindi makapagdudulot ang isang kaluluwa sa isang kaluluwa ng anuman; at ang pag-uutos sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh.
Icon