Hindi malulugod sa iyo ang mga Hudyo ni ang mga Kristiyano hanggang sa sumunod ka sa kapaniwalaan nila. Sabihin mo: "Tunay na ang patnubay ni Allāh ay ang patnubay ni Allāh." Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, walang ukol sa iyo mula kay Allāh na isang katangkilik ni isang mapag-adya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kinakausap ni Allāh ang Propeta Niya, na nagtuturo, nagbibigay-babala, at nagsasabi sa kanya: "Hindi malulugod sa iyo ang mga Hudyo ni ang mga Kristiyano hanggang sa iwan mo ang Islām at sumunod ka sa anumang mayroon sila. Talagang kung nangyari ito sa iyo o sa isa sa mga tagasunod mo matapos na may dumating sa iyo na katotohanang maliwanag, hindi ka makatatagpo mula kay Allāh ng pag-aadya o tulong." Ito ay bahagi ng paglilinaw sa panganib ng pag-iwan sa katotohanan at pag-alinsunod sa mga alagad ng kabulaanan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم