[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok, [na nag-uutos]: "Tanggapin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo nang may lakas at alalahanin ninyo ang anumang narito nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin ninyo ang tinanggap Namin sa inyo na tipang binigyang-diin, na pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Nag-angat Kami ng bundok sa ibabaw ninyo bilang pagpapangamba sa inyo at pagbabala laban sa paghinto sa paggawa ayon sa tipan habang nag-uutos sa inyo ng pagtanggap sa pinababa Namin sa inyo na Torah nang may pagsisikhay at pagsisikap, nang walang panghahamak at katamaran. Ingatan ninyo ang nilalaman nito at pagnilay-nilayan ninyo ito nang sa gayon kayo, sa pamamagitan ng pagsagawa niyon, ay mangingilag sa parusa ni Allāh - pagkataas-taas Siya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم