Magtiis ka sa sinasabi nila at bumanggit ka sa lingkod Naming si David na may mga lakas. Tunay na siya ay palabalik [kay Allāh].
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Magtiis ka, O Sugo, sa sinasabi ng mga tagapasinungaling na ito na hindi nagpapalugod sa iyo. Bumanggit ka sa lingkod Naming si David na may mga lakas sa pakikipagtunggali sa mga kaaway at pagtitiis sa pagtalima kay Allāh. Tunay na siya ay madalas sa panunumbalik kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob at paggawa ng kinalulugdan ni Allāh.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم