[Sinabi]: "O David, tunay na Kami ay gumawa sa iyo bilang isang kahalili sa lupa, kaya humatol ka sa pagitan ng mga tao ayon sa katotohanan at huwag kang sumunod sa pithaya para magpaligaw ito sa iyo palayo sa landas ni Allāh." Tunay na ang mga naliligaw palayo sa landas ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi dahil nakalimot sila sa pagtutuos.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
[Sinabi]: "O David, tunay na Kami ay gumawa sa iyo bilang isang kahalili sa lupa. Nagpapatupad ka ng mga kahatulan at mga usapang pangmundo at pangkabilang-buhay. Kaya humusga ka sa pagitan ng mga tao ayon sa katarungan at huwag kang sumunod sa pithaya sa paghahatol mo sa mga tao sa pamamagitan ng pagkiling mo sa isa sa magkaalitan dahil sa pagkakamag-anak o pagkakaibigan o pagkiling mo palayo sa kanya dahil sa pagkamuhi sapagkat magpapaligaw sa iyo ang pithaya palayo sa landasing tuwid." Tunay na ang mga naliligaw palayo sa landasing tuwid ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang malakas dahilan sa pagkalimot nila sa Araw ng Pagtutuos yayamang kung sakaling dati silang umaalaala sa Kanya at nangangamba sa Kanya ay talaga sanang hindi sila kumiling sa mga pithaya nila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم