[Ito ay] isang pinagpalang Aklat na ibinaba Namin sa iyo upang magmuni-muni sila sa mga talata nito at upang magsaalaala ang mga may isip.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tunay na ang Qur'ān na ito ay isang aklat na ibinaba Namin sa iyo, na marami ang kabutihan at kapakinabangan upang magmuni-muni ang mga tao sa mga talata nito, upang mag-isip-isip sila sa mga kahulugan nito, at upang mapangaralan sa pamamagitan nito ang mga may pag-iisip na matimbang na nagliliwanag.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم