ﰋ
ترجمة معاني سورة الشرح
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
Talaga ngang nagpaluwag si Allāh para sa iyo ng dibdib mo kaya nagpaibig Siya sa iyo ng pagtanggap ng kasi.
Nagtanggal Kami sa iyo ng kasalanan,
na nagpapagod sa iyo hanggang sa halos bumali ito sa likod mo.
Nagpataas Kami para sa iyo ng pagbanggit sa iyo sapagkat ikaw ay naging binabanggit sa adhān at iqāmah at sa iba pa sa mga ito.
Kaya tunay na kasama sa katindihan at kagipitan ay kagaanan at kaluwagan.
Tunay na kasama sa katindihan at kagipitan ay kagaanan at kaluwagan. Kapag nalaman mo iyon ay huwag ngang magpahilakbot sa iyo ang pananakit ng mga kababayan mo at huwag ngang bumalakid ito sa iyo sa pagdalangin kay Allāh.
Kaya kapag nakatapos ka sa mga gawain mo at nagbigay-wakas sa mga ito ay magsipag ka sa pagsamba sa Panginoon mo,
at maglagay ka ng pagmimithi mo at paglalayon mo kay Allāh - tanging sa Kanya.