ترجمة سورة الشمس

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
ترجمة معاني سورة الشمس باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم .
من تأليف: مركز تفسير للدراسات القرآنية .

Sumumpa si Allāh sa araw at sumumpa Siya sa oras ng pag-angat nito matapos ng pagsikat nito sa silangan nito,
sumumpa Siya sa buwan kapag sumunod ito sa bakas niyon matapos ng paglubog niyon,
sumumpa Siya sa maghapon kapag nagbunyag ito sa nasa balat ng lupa dahil sa tanglaw nito,
sumumpa Siya sa gabi kapag bumalot ito sa balat ng lupa kaya iyon ay naging madilim,
sumumpa Siya sa langit at sumumpa Siya sa pinahusay na pagpapatayo nito,
sumumpa Siya sa lupa at sumumpa Siya sa paglatag nito upang manirahan ang mga tao sa ibabaw nito,
sumumpa si Allāh sa bawat kaluluwa at sumumpa Siya sa pagkakalikha Niya rito na nahubog,
saka nagpatalos Siya rito nang walang pagtuturo kung ano ang kasamaan upang umiwas roon at kung ano ang kabutihan upang gumawa niyon;
nagtamo nga ng hinihiling niya ang sinumang nagdalisay ng sarili nito sa pamamagitan ng paggagayak dito ng mga mabuting asal at ng paghuhubad dito ng mga masamang asal,
at nalugi nga ang sinumang naglibing ng sarili nito habang nagkukubli sa sarili sa mga pagsuway at mga kasalanan.
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa propeta nitong si Ṣāliḥ dahilan sa paglampas nito sa hangganan sa paggawa ng mga pagsuway at paggawa ng mga kasalanan
nang tumindig ang pinakamalumbay rito matapos ng pagpapakatawan ng mga kalipi niya sa kanya.
Kaya nagsabi sa kanila ang sugo ni Allāh na si Ṣāliḥ - sumakanya ang pangangalaga: "Hayaan ninyo ang dumalagang kamelyo ni Allāh at ang pag-inom nito sa araw nito kaya huwag kayong makialam dito nang may kasagwaan."
Ngunit nagpasinungaling sila sa sugo nila hinggil sa pumapatungkol sa dumalagang kamelyo at pinatay ito ng pinakamalumbay sa kanila kalakip ng pagkalugod nila sa ginawa nito kaya sila ay naging mga katambal sa kasalanan. Kaya nagtaklob si Allāh sa kanila ng parusa Niya, at nagpasawi Siya sa kanila sa pamamagitan ng hiyaw dahilan sa mga pagkakasala nila. Pinagpantay-pantay Niya sila sa kaparusahan na ipinangsawi Niya sa kanila.
Gumawa si Allāh sa kanila ng parusa na nagpasawi sa kanila nang hindi nangangamba - kaluwalhatian sa Kanya - sa mga resulta nito.
Icon