Huwag kayong gumawa kay Allāh bilang hadlang sa mga panunumpa ninyo na magpakabuti kayo, mangilag kayong magkasala, at nagsasaayos kayo sa pagitan ng mga tao. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Huwag kayong gumawa sa panunumpa kay Allāh bilang katwirang pumipigil sa paggawa ng pagpapakabuti, pangingilag sa pagkakasala, at pagsasaayos sa mga tao, bagkus kapag sumumpa kayo ng pagtigil sa pagpapakabuti ay gumawa kayo ng pagpapakabuti at magbayad-sala kayo sa mga panunumpa ninyo. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo, at gaganti sa inyo sa mga iyon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم