ترجمة سورة القيامة

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
ترجمة معاني سورة القيامة باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم .
من تأليف: مركز تفسير للدراسات القرآنية .

Sumumpa si Allāh sa Araw ng Pagbangon, sa Araw na babangon ang mga tao para sa Panginoon ng mga nilalang.
Sumumpa Siya sa kaluluwang kaaya-aya na naninisi sa sarili sa pagkukulang sa mga gawang maayos at sa paggawa ng mga masagwa. Sumumpa Siya sa dalawang bagay na ito na talagang bubuhay nga Siya sa mga tao para sa pagtutuos at pagganti.
Nagpapalagay ba ang tao na hindi Kami kakalap sa mga buto niya matapos ng kamatayan niya para sa pagbubuhay?
Oo; nakakakaya Kami, kalakip ng pagkalap doon, sa pagsasauli sa mga dulo ng mga daliri niya sa paglikhang kapantay ng gaya ng dati.
Bagkus nagnanais ang tao sa pagkakaila niya sa pagbubuhay na magpatuloy sa kasamaang-loob niya sa hinaharap nang walang tagaudlot.
Nagtatanong siya tungkol sa Araw ng Pagbangon sa paraang nagtuturing na imposible: "Kailan magaganap ito?"
Kaya kapag nalito ang paningin at nagulat ito kapag nakikita nito ang dati niyang pinasisinungalingan,
at nawala ang tanglaw ng buwan,
at ipinagsama ang mga katawan ng araw at buwan;
magsasabi ang taong masamang-loob sa Araw na iyon: "Saan ang pagtakas?"
Walang pagtakas sa Araw na iyon, walang kanlungan na kakanlong doon ang masamang-loob, at walang pagpapasanggalangan na magpapasanggalang siya roon.
Tungo sa Panginoon mo, O Sugo, sa Araw na iyon ang panunumbalikan at ang kahahantungan para sa pagtutuos at pagganti.
Magpapabatid sa tao sa Araw na iyon hinggil sa ipinauna niya na mga gawain niya at ipinahuli niya kabilang sa mga ito.
Bagkus ang tao ay tagasaksi laban sa sarili niya yayamang sasaksi laban sa kanya ang mga bahagi ng katawan niya sa anumang nakamit niyang kasalanan.
Kahit pa man nagdala siya ng mga ipandadahilan na makikipagtalo siya para sa sarili niya na siya ay hindi nakagawa ng isang kasagwaan na hindi ito nakinabang.
Huwag kang magpagalaw, O Sugo, ng dila mo kasabay ng Qur'ān habang nagdadali-dali na baka makawala ito mula sa iyo.
Tunay na nasa Amin na magtipon nito para sa iyo sa dibdib mo at magpatatag sa pagpapabigkas nito sa dila mo.
Kaya kapag nagsimula si Anghel Gabriel sa pagbigkas nito sa iyo ay manahimik ka sa pagbigkas niya at makinig ka.
Pagkatapos ay tunay na nasa Amin ang pagpapaliwanag nito sa iyo.
Aba’y hindi! Ang usapin ay hindi gaya ng inangkin ninyo na kaimposiblehan ng pagbubuhay [na muli] sapagkat kayo ay nakaaalam na ang Nakakakaya sa paglikha sa inyo sa pasimula ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagbibigay-buhay sa inyo matapos ng kamatayan ninyo subalit ang dahilan sa pagpapasinungaling ninyo sa pagbubuhay ay ang pagkaibig ninyo sa buhay na pangmundo na mabilis ang pagwawakas,
at ang pagsasaisang-tabi ninyo sa buhay na pangkabilang-buhay na ang daan doon ay ang pagsasagawa sa ipinag-utos sa inyo ni Allāh na mga pagtalima, at ang pagsasaisang-tabi ninyo sa sinaway Niya sa inyo na mga ipinagbabawal.
Ang mga mukha ng mga alagad ng pananampalataya at kaligayahan, sa Araw na iyon, ay marikit na mayroong liwanag,
nakatingin tungo sa Panginoon nila, na nagtatamasa niyon.
At mga mukha ng mga alagad ng kawalang-pananampalataya at kalumbayan, sa Araw na iyon, na nakasimangot.
Tumitiyak sila na may bababa sa kanila na isang parusang sukdulan at isang pagdurusang masakit.
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuguniguni ng mga tagatambal na sila, kapag namatay sila, ay hindi pagdurusahin sapagkat kapag dumating ang kaluluwa ng isa sa kanila sa pinakamataas na bahagi ng dibdib niya,
magsasabi ang ilan sa mga tao: "Sino ang maglulunas dito nang sa gayon siya ay pagagalingin?"
Tumiyak ang sinumang nasa agaw-buhay sa sandaling ito na ito ay ang pakikipaghiwalay sa Mundo dahil sa kamatayan.
At matitipon ang mga kasawian sa sandali ng pagtatapos ng Mundo at pagsisimula ng Kabilang-buhay.
Kapag nangyari iyon, aakayin ang patay tungo sa Panginoon nito.
Ngunit hindi nagpatotoo ang tagatangging sumampalataya sa dinala ng sugo niya at hindi siya nagdasal kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya,
bagkus nagpasinungaling siya sa dinala sa kanya ng sugo niya at umayaw siya.
Pagkatapos ay pumunta ang tagatangging sumampalataya na ito sa mag-anak niya, na nagpapalalo sa paglakad dala ng pagmamalaki.
Nagbanta si Allāh sa tagatangging sumampalataya na ang pagdurusa niya ay tumabi na sa kanya at nalapit na mula sa kanya.
Pagkatapos ay inulit Niya ang pangungusap para sa pagbibigay-diin sapagkat nagsabi Siya: "Pagkatapos ay kasawian sa iyo at saka kasawian sa iyo!"
Nagpapalagay ba ang tao na si Allāh ay mag-iiwan sa kanya na pinababayaan nang hindi nag-aatang sa kanya ng isang batas?
Hindi ba ang taong ito noon isang araw ay isang patak mula sa punlay na ibinububo sa sinapupunan?
Pagkatapos siya matapos niyon ay naging isang kimpal ng dugong namuo. Pagkatapos ay lumikha sa kanya si Allāh at gumawa sa paglikha sa kanya na buo.
Saka gumawa Siya mula sa uri niya ng magkauri: ang lalaki at ang babae.
Hindi ba ang lumikha sa tao mula sa isang patak at isang malalinta ay Nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa muli sa mga patay para sa pagtutuos at pagganti? Oo; tunay na Siya talagang nakakakaya.
Icon