ترجمة سورة النحل

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
ترجمة معاني سورة النحل باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم .
من تأليف: مركز تفسير للدراسات القرآنية .

Nalalapit ang inihusga ni Allāh na pagdurusa ninyo, O mga tagatangging sumampalataya, kaya huwag ninyong hilingin ang pagmamadali rito bago ng panahon nito. Nagpawalang-kaugnayan si Allāh at pagkataas-taas Niya sa anumang ginagawa na mga katambal para sa Kanya ng mga tagapagtambal.
Nagpapababa si Allāh ng mga anghel sa pagkasiwalat ng paghuhusga Niya sa sinumang niloloob Niya mula sa mga sugo Niya, [na nag-uutos na:] "Magpangamba kayo, O mga sugo, sa mga tao laban sa pagtatambal sa Akin sapagkat walang sinasamba ayon sa karapatan malibang Ako kaya mangilag kayong magkasala sa Akin, O mga tao, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-utos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko."
Lumikha si Allāh ng mga langit at lumikha Siya ng lupa nang walang naunang pagkakatulad ayon sa katotohanan sapagkat hindi Siya lumikha sa mga ito ayon sa kabulaanan. Bagkus lumikha Siya sa mga ito upang ipampatunay sa kadakilaan Niya. Nagpawalang-kaugnayan Siya sa pagtatambal nila sa Kanya ng iba pa sa Kanya.
Lumikha Siya sa tao mula sa patak na hamak. Lumago itong isang nilikha matapos ng isang paglikha, at walang anu-ano ito ay matindi ang pakikipagtalo ayon sa kabulaanan upang pawiin sa pamamagitan nito ang katotohanan, malinaw sa pakikipagtalo niya rito.
Ang mga hayupan gaya ng mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ay nilikha Niya para sa mga kapakanan ninyo, O mga tao. Kabilang sa mga kapakanang ito ang init dahil sa mga lana ng mga ito at mga balahibo ng mga ito. May mga kapakanang iba pa sa mga gatas ng mga ito, mga balat ng mga ito, at likod ng mga ito. Mula sa mga ito ay kumakain kayo.
Ukol sa inyo sa mga ito ay gayak kapag ipinapasok ninyo sa gabi at kapag inilalabas ninyo ang mga ito sa pastulan sa umaga.
Nagdadala ang mga hayupang ito na nilikha Namin para sa inyo ng mga dala-dalahan ninyong mabigat sa mga paglalakbay ninyo tungo sa isang bayang hindi kayo makararating doon malibang may isang mabigat na hirap sa mga sarili ninyo. Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay talagang Mahabagin, Maawain sa inyo yayamang nagpalingkod siya para sa inyo ng mga hayupang ito.
Nilikha ni Allāh para sa inyo ang mga kabayo, ang mga mola, at ang mga asno upang sakyan ninyo ang mga ito at ipapasan ninyo sa mga ito ang mga dala-dalahan ninyo at upang maging kagandahan para sa inyo na ipinapampaganda ninyo sa mga tao. Lumilikha Siya ng mga hindi ninyo nalalaman kabilang sa anumang ninais Niya ang paglikha niyon.
Nasa kay Allāh ang paglilinaw sa landasing tuwid na nagpapaabot sa kaluguran Niya; ang Islām. Kabilang sa mga daan ay ang mga daan ng demonyo na nakakiling palayo sa katotohanan. Ang bawat daang hindi ang daan ng Islām, ito ay nakakiling. Kung sakaling niloob ni Allāh na magtuon sa inyo nang lahatan sa pananampalataya, talaga sanang nagtuon Siya sa inyo roon nang lahatan.
Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang nagpababa para sa inyo ng tubig mula sa mga ulap. Ukol sa inyo mula sa tubig na iyon ay inuming iniinom ninyo at iniinom ng mga hayupan. Mula roon ay ang anumang nangyayaring pagtubo ng halamang, doon ay nagpapastol kayo ng mga alaga ninyo.
Nagpapatubo si Allāh para sa inyo sa pamamagitan ng tubig na iyon ng mga pananim na kumakain kayo mula sa mga ito. Nagpapatubo Siya para sa inyo sa pamamagitan niyon ng mga oliba, mga datiles, at mga ubas. Nagpapatubo Siya para sa inyo ng lahat ng mga bunga. Tunay na sa tubig na iyon at anumang namumutawi buhat doon ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong nag-iisip-isip sa paglikha Niya kaya nakapagpapatunay sila sa pamamagitan nito sa kadakilaan Niya - napakamaluwalhati Niya.
Pinasunud-sunuran ni Allāh para sa inyo ang gabi upang tumahan kayo rito at mamahinga kayo, at ang maghapon upang magkamit kayo rito ng ikabubuhay ninyo. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang araw at ginawa Niya itong tanglaw. Ang buwan ay ginawa Niyang liwanag. Ang mga bituin ay mga pinasunud-sunuran para sa inyo ayon sa utos Niyang pang-itinakda. Sa pamamagitan ng mga ito ay napapatnubayan kayo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan at nalalaman ninyo ang mga oras at iba pa roon. Tunay na sa pagpapasilbi niyon, lahat ng iyon ay talagang may mga katunayang maliwanag para sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong nagpapagana sa mga pang-unawa nila sapagkat sila ay ang nakatatalos sa kasanhian mula roon.
Pinagsilbi Niya para sa inyo ang anumang nilalang Niya - napakamaluwalhati Niya - sa lupa na kabilang sa nagkakaiba-iba ang mga kulay nito gaya ng mga metal, mga hayop, mga halaman, at mga pananim. Tunay na sa nabanggit na iyon na paglikha at pagpapasilbi ay talagang may katunayang hayag sa kakayahan ni Allāh - napakamaluwalhati Niya - para sa mga taong nagsasaalang-alang dito at nakatatalos na si Allāh ay nakakakaya at tagapagbiyaya.
Siya ay ang nagpasunud-sunuran sa dagat ,kaya nagpatatag Siya sa inyo rito mula sa pagsakay at paghahango ng nasa loob nito, upang kumain kayo mula sa mga nahuli ninyong mga isdang may malambot na sariwang laman, humango kayo mula rito ng mga palamuting isinusuot ninyo at isinusuot ng mga kababaihan ninyo gaya ng perlas– at nakikita mo ang mga daong habang mga bumubungkal sa mga alon ng dagat, at sumasakay kayo sa daong na ito upang maghanap kayo mula sa kabutihang-loob ni Allah na nakakamit mula sa kita ng kalakalan, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa anumang biyayang [ipinagkaloob Niya] sa inyo, at itangi ninyo Siya sa pagsamba.
Naglapat Siya sa lupa ng mga bundok na nagpapatatag dito upang hindi yumanig ito kasama ninyo at kumiling. Nagpadaloy Siya ng mga ilog upang uminom kayo mula sa mga ito at magpatubig kayo sa mga hayupan ninyo at mga pananim ninyo. Gumawa Siya ng mga daang tatahakin ninyo kaya makararating kayo sa mga pakay ninyo nang hindi naliligaw.
Naglagay Siya para sa inyo sa lupa ng mga palatandaang nakalitaw na napapatnubayan kayo sa pamamagitan ng mga ito sa paglalakbay sa maghapon. Naglagay Siya para sa inyo ng mga bituin sa langit sa pag-asang mapatnubayan kayo sa pamamagitan ng mga ito sa gabi.
Kaya ang sinumang lumilikha ba ng mga bagay na ito at iba pa sa mga ito ay gaya ng sinumang hindi lumilikha ng isang bagay? Kaya hindi ba kayo mag-aalaala sa kadakilaan ni Allāh na lumikha sa bawat bagay ni magbukod-tangi sa kanya sa pagsamba at hindi magtambal sa Kanya ng anumang hindi lumikha ng isang bagay?
Kung magtatangka kayo, O mga tao, ng pagbilang sa maraming biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa inyo at ng pagtatakda sa mga ito ay hindi ninyo ito makakaya iyon ay dahil sa dami ng mga ito at pagkasari-sari ng mga ito. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpatawad yayamang hindi Siya nagparusa sa inyo dahil sa pagkalingat sa pagpapasalamat dahil sa mga ito, Maawain yayamang hindi Siya pumutol sa mga ito sa inyo dahil sa mga pagsuway at pagkukulang sa pagpapasalamat sa Kanya.
Si Allāh ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ninyo, O mga lingkod, sa mga gawa ninyo, at nakaaalam sa anumang inihahayag ninyo sa mga ito. Walang naikukubli sa kanya na anuman sa mga ito. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
Ang mga sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh ay hindi lumilikha ng anuman kahit pa man kakaunti. Ang mga sumasamba sa mga ito bukod pa kay Allāh ay ang mga yumayari sa mga ito kaya papaanong sumasamba sila sa iba bukod pa kay Allāh na niyayari nila na mga rebulto sa pamamagitan ng mga kamay nila?
Sa kabila na ang mga tagasamba ng mga ito ay yumari sa mga ito sa pamamagitan ng mga kamay nila kaya ang mga ito ay mga gawang-bagay na walang buhay sa mga ito ni kaalaman, ang mga ito rin ay hindi nakaaalam kung kailan bubuhayin ang mga ito kasama ng mga tagasamba sa mga ito sa Araw ng Pagbangon upang itapon ang mga ito kasama nila sa Apoy ng Impiyerno.
Ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay sinasambang nag-iisang walang katambal sa Kanya. Siya ay si Allāh. Ang mga hindi sumasampalataya sa pagbubuhay para sa pagganti, ang mga puso nila ay mga tumatanggi sa kaisahan ni Allāh dahil sa kawalan ng pangamba ng mga ito sapagkat ang mga ito ay hindi naniniwala sa pagtutuos ni sa parusa habang sila ay mga nagmamalaki: hindi tumatanggap ng katotohanan ni nagpapasailalim dito.
Sa totoo, tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim nilang mga gawain at nakaaalam sa anumang inihahayag nilang mga gawain. Walang naikukubli sa Kanya na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga iyon. Tunay na Siya - napakamaluwalhati Niya - ay hindi umiibig sa mga nagmamalaki sa paglayo sa pagsamba sa Kanya at sa pagpapasailalim sa Kanya, bagkus namumuhi Siya sa kanila nang pinakamatinding pagkamuhi.
Kapag sinabi sa mga nagkakailang ito sa kaisahan ng Tagapaglikha at nagpapasinungaling sa pagkabuhay: "Ano ang ibinaba ni Allāh kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" ay magsasabi sila: "Hindi Siya nagbaba rito ng anuman. Nagdala lamang ito mula sa sarili nito ng mga kuwento ng mga sinauna at mga kasinungalingan nila."
Upang ang kauuwian nila ay ang magbuhat sila ng mga kasalanan nila nang walang bawas at magbuhat sila ng bahagi ng mga kasalanan ng mga pinaligaw nila palayo sa Islām dala ng kamangmangan at paggaya. Kaya anong tindi ang kapangitan ng bubuhatin nilang mga kasalanan at mga kasalanan ng mga tagasunod nila!
Talaga ngang nagdala ang mga tagatangging sumampalataya ng mga pakana para sa mga sugo nila kaya iginuho ni Allāh ang mga gusali nila mula sa mga saligan ng mga ito kaya bumagsak sa kanila ang mga bubong nito mula sa ibabaw nila. Dumating sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi nila inaasahan sapagkat sila noon ay umaasa na ang mga gusali nila ay mangangalaga sa kanila ngunit ipinahamak sila sa pamamagitan ng mga ito.
Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay mang-aaba si Allāh sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa, manghahamak Siya sa kanila sa pamamagitan nito, at magsasabi Siya sa kanila: "Nasaan na ang mga katambal sa Akin na kayo noon ay nagtatambal kasama sa Akin sa pagsamba at kayo noon ay nangangaway ng mga propeta Ko at mga mananampalataya dahilan sa kanila?" Magsasabi ang mga nakaalam na mga makapanginoon: "Tunay na ang kaabahan at ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay babagsak sa mga tagatangging sumampalataya,
Na mga kukunin ng Anghel ng Kamatayan at mga katulong nitong mga anghel ang mga kaluluwa nila habang sila ay mga nasasangkot sa paglabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh." Kaya magpapaakay sila habang mga sumusuko sa bumaba sa kanila na kamatayan. Ikakaila nila ang anumang taglay nila noon na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway dala ng pag-aakala mula sa kanila na ang pagkakaila ay magpapakinabang sa kanila kaya sasabihin sa kanila: "Nagsinungaling kayo. Kayo nga noon ay mga tagatangging sumampalataya na gumagawa ng mga pagsuway. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa ninyo noon sa Mundo. Walang naikukubli sa Kanya na anuman kabilang doon. Gaganti siya sa inyo dahil doon."
Sasabihin sa kanila: "Pumasok kayo ayon sa mga gawa ninyo sa mga pinto ng Impiyerno bilang mga mamamalagi roon magpakailanman, at talagang kay sagwa ito bilang isang tuluyan para sa mga mapagmalaki palayo sa pananampalataya kay Allāh at sa pagsamba sa Kanya - tanging sa Kanya."
Sasabihin sa mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya: "Ano ang ibinaba ng Panginoon ninyo sa Propeta ninyong si Muḥammad - ang pagpapala at ang pangangalaga ay sumakanya?" Sasagot sila: "Nagbaba si Allāh sa kanya ng isang kabutihang dakila." Ukol sa mga gumawa ng maganda sa pagsamba kay Allāh at gumawa ng maganda sa pakikitungo sa nilikha Niya sa buhay sa Mundong ito ay isang gantimpalang maganda, na kabilang dito ang pag-aadya at ang luwag ng panustos. Ang anumang inihanda ni Allāh para sa kanila na gantimpala sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti kaysa sa minadali Niya para sa kanila sa Mundo. Talagang kay inam bilang tahanan ng mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ang tahanan sa Kabilang-buhay.
Mga hardin ng pananatili at pamamalagi na papasukin nila, na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga puno ng mga ito, ukol sa kanila sa mga harding ito ang anumang ninanasa ng mga sarili nila na pagkain, inumin, at iba pa sa mga ito. Katumbas sa pagganting ito na igaganti ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa Kalipunan ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - gaganti Siya sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga kalipunang nauna.
Silang mga kukunin ng Anghel ng Kamatayan at mga katulong nitong mga anghel ang mga kaluluwa nila sa sandali ng kadalisayan ng mga puso nila mula sa kawalang-pananampalataya, kakausapin sila ng mga anghel sa pamamagitan ng pagsabi ng mga ito: "Kapayapaan ay sumainyo. Naligtas kayo mula sa bawat kasiraan. Pumasok kayo sa Paraiso dahil sa ginagawa ninyo noon sa Mundo na paniniwalang tumpak at gawang maayos."
Wala bang hinihintay ang mga tagapagtambal na mga tagapagpasinungaling na ito malibang ang pagdating sa kanila ng Anghel ng Kamatayan at ang mga tagatulong nito na mga anghel para kumuha ng mga kaluluwa nila at humambalos ng mga mukha nila at mga likod nila, o pumunta sa kanila ang utos ni Allāh na pagpuksa sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa sa Mundo? Tulad ng gawaing ito na ginagawa ng mga tagapagtambal sa Makkah ang ginawa ng mga tagapagtambal na nauna sa kanila kaya nagpahamak sa mga iyon si Allāh. Hindi lumabag si Allāh sa katarungan sa kanila nang ipinahamak Niya sila subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya kay Allāh.
Kaya bumaba sa kanila ang mga kaparusahan sa gawain nilang ginagawa nila noon. Pumaligid sa kanila ang pagdurusang tinutuya nila noon kapag pinaalalahanan sila niyon.
Nagsabi ang mga nagtambal kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya sa pagsamba nila: "Kung sakaling niloob ni Allāh na sumamba kami sa Kanya - tanging sa Kanya - at hindi kami magtambal sa Kanya ay hindi kami sumamba sa isa mang iba pa sa Kanya, hindi kami at hindi ang mga ninuno namin; at kung sakaling niloob Niya na hindi kami magbawal ng anuman ay hindi kami nagbawal niyon." Katumbas ng tulad ng bulaang katwirang ito ay nagsabi ang mga naunang tagatangging sumampalataya. Kaya walang kailangan sa mga sugo kundi ang pagpapaabot na maliwanag ng ipinag-utos sa kanila na ipaabot, at naipaabot naman nila. Wala nang katwiran para sa mga tagatangging sumampalataya sa pagdadahilan sa pagtatakda matapos na naglagay si Allāh sa kanila ng kalooban at pagpipili at nagpadala Siya sa kanila ng mga sugo Niya.
Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat naunang kalipunan ng isang sugong nag-uutos sa kalipunan nito na sumamba kay Allāh - tanging sa Kanya - at tumigil sa pagsamba sa iba pa sa Kanya gaya ng mga rebulto, mga demonyo, at iba pa sa mga ito. Kaya kabilang sa kanila ay itinuon ni Allāh kaya sumampalataya sa Kanya at sumunod sa dinala ng Sugo Niya, at kabilang sa kanila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sumuway sa Sugo Niya kaya hindi Niya itinuon at naging obligado roon ang kaligawan. Kaya maglakbay kayo sa lupa upang makita ninyo sa pamamagitan ng mga mata ninyo kung naging papaano ang kinahantungan ng mga tagapagpasinungaling matapos na may bumaba sa kanilang pagdurusa at kapahamakan.
Kung nagsisikap ka, O Sugo, ayon sa nakakaya mong pag-anyaya mo sa mga ito, nagsisigagig ka sa kapatnubayan nila, at gumagawa ka ng mga kaparaanan niyon, tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa kapatnubayan sa sinumang ipinaliligaw Niya. Walang ukol sa kanila bukod pa kay Allāh na isa mang mag-aadya sa kanila sa pamamagitan ng pagtutulak ng pagdurusa palayo sa kanila.
Sumumpa ang mga tagapagpasinungaling na ito, kaugnay sa pagbubuhay muli habang mga nagpapalabis sa pagsumpa nila, habang mga nagpupunyagi rito na mga nagbibigay-diin dito na hindi bubuhay si Allāh sa sinumang mamamatay, nang wala silang naging katwiran doon. Bagkus, bubuhay si Allāh sa bawat sinumang mamamatay, bilang isang pangakong totoo sa Kanya, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam na si Allāh ay bubuhay sa mga patay kaya ikinakaila nila ang pagbubuhay.
Bubuhay sa kanila si Allāh nang sama-sama sa Araw ng Pagbangon upang liwanagin Niya sa kanila ang katotohanan ng bagay na sila noon ay nagkakaiba-iba hinggil doon gaya ng paniniwala sa kaisahan Niya, pagbubuhay muli, at pagkapropeta, at upang malaman ng mga tagatangging sumampalataya na sila noon ay mga sinungaling sa pag-aangkin nila ng mga katambal kasama kay Allāh at sa pagkakaila nila sa pagbubuhay muli.
Tunay na Kami, kapag nagnais Kami ng pagbibigay-buhay sa mga patay at pagbubuhay sa kanila ay walang hadlang na nakahahadlang sa Amin doon. Nagsasabi lamang Kami sa isang bagay kapag nagnais Kami ng "Mangyari" at mangyayari ito nang walang pasubali.
Ang mga nag-iwan sa mga tahanan nila, mga mag-anak nila, at mga yaman nila bilang mga lumilikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh matapos na nagparusa sa kanila ang mga tagatangging sumampalataya at gumipit sa kanila ay talagang magpapatuloy nga Kami sa kanila sa Mundo sa isang tahanang sila roon ay magiging mga marangal. Talagang ang gantimpala sa Kabilang-buhay ay higit na dakila dahil bahagi nito ang Paraiso. Kung sakaling ang mga nagpapaiwan sa paglikas ay nakaaalam sa gantimpala ng mga lumikas, talagang hindi sila nagpaiwan doon.
Ang mga lumikas na ito alang-alang sa landas ni Allāh ay ang mga nagtiis sa pananakit ng mga kababayan nila at sa pakikipaghiwalay sa mga mag-anak nila at mga bayan nila, at nagtiis sa pagtalima kay Allāh habang sila sa Panginoon nila - tanging sa Kanya - ay sumasalig sa mga kapakanan nila kaya nagbigay sa kanila si Allāh ng dakilang ganting ito.
Hindi Kami nagsugo ng mga nauna sa iyo, O Sugo, kundi mga lalaking kabilang sa mga tao, na nagkasi Kami sa kanila sapagkat hindi Kami nagpadala ng mga sugo na mga anghel. Ito ay ang nakagawiang kalakaran Namin. Kung nangyaring kayo ay nagkakaila, magtanong kayo sa mga may kasulatang nauna. Magpapabatid sila sa inyo na ang mga sugo noon ay mga tao at hindi nangyaring sila ay mga anghel, kung nangyaring kayo ay hindi nakaaalam na sila ay mga tao.
Nagsugo Kami sa mga sugong ito kabilang sa mga tao dala ang mga patunay na maliwanag at dala ang mga kasulatang ibinaba. Nagbaba Kami sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān upang ipaliwanag mo sa mga tao ang kakailanganin dito ng pagpapaliwanag, at nang sa gayon sila ay magpagana sa mga isip nila para mapangaralan sila sa pamamagitan ng nilalaman nito.
Kaya natiwasay ba ang mga nagpanukala ng mga pakana upang sumagabal sa landas ni Allāh na baka magpalamon si Allāh sa kanila sa lupa gaya ng pagpapalamon dito kay Qārūn o dumating sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi nila inaasahan ang pagdating nito,
o dumapo sa kanila ang pagdurusa habang nasa sandali ng paggala-gala nila sa mga paglalakbay nila at pagpupunyagi nila sa mga pagtamo nila, sapagkat hindi sila mga makaaalpas ni mga makaiiwas,
o napanatag ba sila na baka ipatamo sa kanila ang pagdurusa mula kay Allāh habang nasa sandali ng pangamba nila mula roon sapagkat si Allāh ay nakakakaya sa pagpaparusa sa kanila sa bawat kalagayan. Tunay na ang Panginoon ninyo ay talagang Mahabagin, Maawain: hindi Siya nagmamadali sa kaparusahan nang sa gayon ang mga lingkod Niya ay magbabalik-loob sa Kanya.
Hindi ba tumingin ang mga tagapagpasinungaling na ito sa mga nilikha ni Allāh, na kumikiling ang anino nila sa kanan at sa kaliwa bilang pagsunod sa paggalaw ng araw at pag-inog nito sa maghapon at ng buwan sa gabi, na mga nagpapasailalim sa Panginoon ng mga ito habang mga nagpapatirapa sa Kanya ayon sa pagpapatirapang tunay habang sila ay mga hamak?
Kay Allāh - tanging sa Kanya - nagpapatirapa ang lahat ng nasa mga langit, ang lahat ng nasa lupa na hayop, at sa Kanya - tanging sa Kanya - nagpapatirapa ang mga anghel habang sila ay hindi nagmamalaki para umayaw sa pagsamba kay Allāh at sa pagtalima sa Kanya.
Sila, sa kabila ng taglay nilang pagsamba at pagtalimang palagian, ay nangangamba sa Panginoon nila na nasa itaas nila sa sarili Niya, panunupil Niya, kapamahalaan Niya, at gumagawa ng ipinag-uutos sa kanila ng Panginoon nila na pagtalima.
Nagsabi si Allāh - napakamaluwalhati Niya - sa lahat ng mga lingkod Niya: "Huwag kayong gumawa ng dalawang sinasamba. Siya ay sinasambang ayon sa karapatan na nag-iisa lamang, walang ikalawa sa Kanya at walang katambal sa Kanya, kaya sa Akin kayo mangamba at huwag kayong mangamba sa iba sa Akin."
Sa Kanya - tanging sa Kanya - ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, sa paghahari, at sa pangangasiwa. Ukol sa Kanya - tanging sa Kanya - ang pagtalima, ang pagpapasailalim, at ang pagpapakawagas nang palagian. Kaya sa iba pa kay Allāh ba kayo nangangamba? Bagkus, mangamba kayo sa Kanya - tanging sa Kanya.
Ang anumang nasa inyo, O mga tao, na biyayang panrelihiyon o pangmundo ay mula kay Allāh - napakamaluwalhati Niya - hindi mula sa iba pa sa Kanya. Pagkatapos ay kapag may dumapo sa inyo na pagsubok o karamdaman o karalitaan ay sa Kanya - tanging sa Kanya - kayo nagsusumamo sa panalangin upang pawiin sa inyo ang dumapo sa inyo. Kaya ang sinumang nagkakaloob ng mga biyaya at pumapawi sa mga kamalasan ay ang kinakailangang sambahin - tanging Siya.
Pagkatapos kapag tumugon Siya sa panalangin ninyo at naglihis Siya palayo sa inyo ng anumang pinsala, biglang may isang pangkatin kabilang sa inyo na sa Panginoon nila ay nagtatambal yayamang sumasamba sila kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya. Kaya aling kabuktutan ito!
Ang pagtatambal nila kay Allāh ay gumawa sa kanila na nagkakaila sa mga biyaya ni Allāh sa kanila, kabilang sa mga ito ang pagpapawi ng pinsala. Dahil dito, sinasabi sa kanila: "Magtamasa kayo sa taglay ninyong ginhawa hanggang sa dumating sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh na matagalan at agaran."
Nagtatalaga ang mga tagapagtambal sa mga rebulto nila - na hindi nakaaalam ng anuman dahil ang mga ito ay walang-buhay, ni nagpapakinabang, ni nakapipinsala - ng isang parte mula sa mga yaman nila na itinustos ni Allāh sa kanila, na ipinapanlapit-loob naman nila sa mga ito. Sumpa man kay Allāh, talagang tatanungin nga kayo, O mga tagapagtambal, sa Araw ng Pagbangon tungkol sa inaakala ninyo noon na ang mga rebultong ito ay mga diyos at na ang mga ito ay may bahagi mula sa mga yaman ninyo.
Nag-uugnay ang mga tagapagtambal kay Allāh ng mga babaing anak. Naniniwala silang ang mga ito ay ang mga anghel. Nag-uugnay sila sa Kanya ng pagkakaroon ng anak na babae. Pumipili sila para sa Kanya ng hindi nila naiibigan para sa mga sarili nila. Nagpawalang-kaugnayan si Allāh – napakamaluwalhati Niya – at nagpakabanal Siya sa ginagawa nila para sa Kanya. Ginagawa nila para sa kanila ang kinikilingan ng mga sarili nila na mga anak na lalaki. Kaya aling krimen ang higit na mabigat kaysa rito?
Kapag nagpabatid sa isa sa mga tagapagtambal na ito ng pagkapanganak ng isang anak na babae ay nangingitim ang mukha niya sa tindi ng pagkasuklam sa ibinalita sa kanya at napupuno ang puso niya ng bagabag at lungkot, pagkatapos ay iniuugnay niya kay Allāh ang hindi niya kinalulugdan para sa sarili niya.
Nagkukubli siya at lumiliban siya sa mga kababayan niya dahil sa sagwa ng ipinabatid sa kanya na pagkapanganak ng isang babae. Kinakausap niya ang sarili niya: "Pananatilihin ba niya ang babaing anak na ito sa kabila ng kaabahan at kahapisan o ililibing niya ito nang buhay sa alabok?" Anong pangit ang inihahatol ng mga tagapagtambal yayamang inihatol nila para sa Panginoon nila ang kinasusuklaman nila para sa mga sarili nila!
Taglay ng mga tagatangging sumampalataya na hindi naniniwala sa Kabilang-buhay ang katangian ng kasagwaan gaya ng pangangailangan sa anak, kamangmangan, at kawalang-pananampalataya; at taglay ni Allāh ang mga katangiang kapuri-puring pinakamataas gaya ng kapitaganan, kalubusan, kawalang-pangangailangan, at kaalaman. Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang Makapangyarihan sa paghahari Niyang walang nakadadaig na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya.
Kung sakaling magpaparusa si Allāh - napakamaluwalhati Niya - sa mga tao dahilan sa paglabag nila sa katarungan ay hindi sana Siya nag-iwan sa lupa ng anumang tao ni hayop na gumagapang sa mukha nito, subalit Siya ay nagpapaliban sa kanila hanggang sa isang yugtong nilimitahan sa kaalaman Niya. Kaya kapag dumating ang yugtong nilimitahang iyon sa kaalaman Niya ay hindi sila makapagpapahuli roon at hindi sila makapagpapauna, kahit pa man isang saglit na panahon.
Gumagawa sila para kay Allāh - napakamaluwalhati Niya - ng kinasusuklaman nilang iugnay sa kanila gaya ng pagkakaroon ng mga babaing anak. Bumibigkas ang mga dila nila ng kasinungalingan na ukol daw sa kanila sa ganang kay Allāh ang kalagayang pinakamaganda kung tutumpak na sila ay bubuhaying muli gaya ng sinasabi nila. Totoong tunay na ukol sa kanila ang Apoy at tunay na sila ay mga iiwan doon: hindi sila lalabas mula roon magpakailanman.
Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagpadala Kami ng mga sugo sa mga kalipunang nauna sa iyo, O Sugo, ngunit pinaganda para sa kanila ng demonyo ang mga gawa nilang pangit gaya ng shirk, kawalang-pananampalataya, at mga pagsuway sapagkat siya ay ang tagapag-adya nilang inaakala sa Araw ng Pagbangon kaya magpaadya sila sa kanya. Ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang pagdurusang nakasasakit.
Hindi nagbaba si Allāh sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān kundi upang linawin mo sa lahat ng mga tao ang nagkaiba-iba sila hinggil doon gaya ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh, pagkabuhay, at mga patakaran ng batas. Ang Qur'ān ay patnubay at awa para sa mga mananampalataya kay Allāh, sa mga sugo Niya, at sa inihatid ng Qur'ān sapagkat sila ang mga makikinabang sa katotohanan.
Si Allāh ay nagbaba mula sa dako ng langit ng ulan at bumuhay sa pamamagitan nito ng lupa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga halaman mula rito matapos na ito dati ay tigang at tuyo. Tunay na sa pagpapababa ng ulan mula sa dako ng langit at pagpapalabas ng mga halaman ng lupa sa pamamagitan niyon ay talagang may katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh ukol sa mga taong dumidinig sa salita ni Allāh at nagbubulay-bulay rito.
Tunay na para sa inyo, O mga tao, sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ay talagang may pangaral na mapangangaralan kayo dahil dito, yayamang nagpapainom Kami sa inyo ng gatas mula sa mga suso ng mga ito, na lumalabas sa pagitan ng nilalaman ng tiyan na mga dumi at ng nasa katawan na dugo, at sa kabila nito ay nagpapalabas ng gatas na dalisay, puro, masarap, na kaaya-aya para sa mga umiinom.
Para sa inyo ay may pangaral kaugnay sa itinutustos Namin sa inyo mula sa mga bunga ng mga punong-datiles at mula sa mga bunga ng mga ubas sapagkat gumagawa kayo mula rito ng isang pampalasing na nag-aalis ng isip at ito ay hindi maganda, at gumagawa kayo mula rito ng isang panustos na maganda, na pinakikinabangan ninyo tulad ng datiles, pasas, suka, at pulot. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh at pagbibiyaya Niya sa mga taong umuunawa sapagkat sila ang mga nagsasaalang-alang.
Nagpahiwatig ang Panginoon mo, O Sugo, at gumabay Siya sa bubuyog: "Gumawa ka para sa iyo ng mga bahay sa mga bundok at gumawa ka ng mga bahay sa mga punong-kahoy, at sa ipinatatayo ng mga tao at binububungan nila.
Pagkatapos ay kumain ka mula sa lahat ng ninanasa mula sa mga bunga at tumahak ka sa mga daang ipinahiwatig sa iyo ng Panginoon mo ang pagtahak sa mga iyon bilang sunud-sunuran." May lumalabas mula sa mga tiyan ng mga bubuyog na iyon na pulut-pukyutang nagkakaiba-iba ang mga kulay - mayroon ditong puti, dilaw, at iba pa - na may taglay itong lunas para sa mga tao, na ipinanggagamot nila sa mga sakit. Tunay na sa pagpapahiwatig na iyon sa mga bubuyog at sa pulut-pukyutang lumalabas mula sa mga tiyan ng mga ito ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh at pangangasiwa Niya para sa mga kapakanan ng mga taong nag-iisip-isip sapagkat sila ang mga nagsasaalang-alang.
Si Allāh ay lumikha sa inyo nang walang naunang pagkakatulad, pagkatapos ay nagbigay-kamatayan sa inyo sa sandali ng pagtatapos ng mga taning ninyo. Mayroon sa inyo na pinahahaba ang edad at umabot sa pinakamasagwa sa mga antas ng buhay, ang pag-uulyanin, kaya hindi siya nakaaalam sa mga dati niyang nalalaman ng anuman. Tunay na si Allāh ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman kabilang sa mga gawain ng mga lingkod Niya, May-kakayahan na hindi napanghihina ng anuman.
Si Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay nagtangi ng ilan sa inyo higit sa iba kaugnay sa ipinagkaloob Niya sa inyo na panustos sapagkat ginawa Niya kabilang sa inyo ang mayaman at ang maralita, at ang pinapanginoon at ang namamanginoon. Ngunit ang mga itinangi ni Allāh sa panustos ay hindi naglilipat ng ibinigay sa kanila ni Allāh sa mga alipin nila upang ang mga ito ay maging mga katambal nila sa pagkakapantay sa kanila sa pagmamay-ari. Kaya papaano silang nalulugod para kay Allāh na magkaroon ng mga katambal mula sa mga alipin Niya samantalang hindi sila nalulugod para sa mga sarili nila na magkaroon sila ng mga katambal mula sa mga alipin nila na papantay sa kanila? Kaya aling kawalang-katarungan ito at aling pagkakaila sa mga biyaya ni Allāh ang higit na mabigat kaysa rito?
Si Allāh ay gumawa para sa inyo, O mga tao, mula sa lahi ninyo ng mga asawang nakakapalagayang-loob ninyo at gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga anak ng mga anak. Tumutustos Siya sa inyo ng mga pagkaing gaya ng karne, mga butil, at mga prutas - ang kaaya-aya sa mga ito. Kaya ba sa kabulaanan mula sa mga rebulto at mga anito sumasampalataya kayo at sa maraming biyaya ni Allāh na hindi ninyo nakakayang limitahan ay tumatanggi kayong kumilala at hindi kayo nagpapasalamat sa Kanya dahil hindi kayo sumasampalataya sa Kanya - tanging sa Kanya?
Sumasamba ang mga tagapagtambal na ito sa halip kay Allāh ng mga rebultong hindi nakagagawang tumustos sa kanila ng alinmang panustos mula sa mga langit ni mula sa lupa at hindi naisasakatuparan mula sa mga iyan na makagawa niyon, dahil ang mga iyan ay mga materyal na walang buhay at walang kaalaman.
Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga wangis kabilang sa mga rebultong ito na hindi nakapagpapakinabang ni nakapipinsala sapagkat si Allāh ay walang kawangis upang tumambal sa Kanya kasama Niya sa pagsamba. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang taglay Niya na mga katangian ng kapitaganan at kalubusan, samantalang kayo ay hindi nakaaalam niyon, at nasasadlak kayo sa shirk dahil doon, at sa pag-aangkin ninyo ng pagkakatulad Niya sa mga rebulto ninyo.
Naglahad si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ng isang paghahalimbawa para sa pagtugon sa mga tagapagtambal: "May isang aliping pinagmamay-ari na walang-kakayahan sa pagsasagawa, na walang naigugugol; at isang malayang binigyan Namin mula sa taglay Namin, ng isang yamang ipinahihintulot, na nakapagsagawa siya rito ng anumang niloloob niya kaya siya ay nagkakaloob mula rito sa patago at hayag ng anumang niloloob niya; kaya naman hindi nagkakapantay ang dalawang taong ito. Kaya papaano silang nagpapantay sa pagitan ni Allāh, ang tagapagmay-ari at ang tagapagsagawa sa kaharian Niya ng anumang niloloob Niya, at ng mga rebulto ninyong walang-kakayahan? Ang pagbubunyi ay ukol kay Allāh, ang karapat-dapat sa pagbubunyi. Bagkus ang higit na marami sa mga tagapagtambal ay hindi nakaaalam sa pamumukod-tangi ni Allāh sa pagkadiyos at pagiging karapat-dapat na sambahin Siya - tanging Siya.
Naglahad si Allāh - napakamaluwalhati Niya -ng isa pang paghahalimbawa para sa pagtugon sa kanila. Ito ay paghahalimbawa sa dalawang lalaki na ang isa sa dalawa sa kanila ay pipi na hindi nakaririnig ni nakabibigkas ni nakaiintindi dahil sa pagkabingi niya at pagkapipi niya, na walang-kakayahan sa pagpapakinabang sa sarili niya at sa pagpapakinabang sa iba pa sa kanya. Siya ay isang pasaning mabigat sa sinumang nagtataguyod sa kanya at tumatangkilik sa kapakanan niya. Saanman dako magpadala ito sa kanya ay hindi siya nakagagawa ng isang kabutihan at hindi siya nagtatamo ng isang hinihiling. Pumapantay ba siya sa ganitong kalagayan sa sinumang maayos ang pandinig at ang pagbigkas, na ang pakinabang nito ay nakararating sa iba sapagkat ito ay nag-uutos sa mga tao ng katarungan habang ito ay matuwid sa sarili nito sapagkat ito ay nasa isang daang maliwanag na walang pagkalito roon ni kabaluktutan? Kaya papaanong nagpapantay kayo, O mga tagapagtambal, sa pagitan ni Allāh, na nailalarawan sa mga katangian ng kapitaganan at kalubusan, at ng mga rebulto ninyong hindi nakaririnig ni nakabibigkas ni nakapagdudulot ng pakinabang ni nakapapawi ng pinsala?
Ukol kay Allāh ang kaalaman sa anumang nakalingid sa mga langit at ang kaalaman sa anumang nakalingid sa lupa sapagkat Siya ay ang natatangi sa kaalaman niyon nang walang isa mang kasama mula sa nilikha Niya. Walang iba ang lagay ng Araw ng Pagbangon, na kabilang sa mga lingid na natatangi sa Kanya, sa bilis ng pagdating nito kapag ninais Niya kundi tulad ng isang pagpinid ng talukap ng mata at pagbukas nito, bagkus higit na mabilis kaysa roon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman. Kapag nagnais Siya ng isang bagay ay nagsasabi Siya rito ng "Mangyari" at mangyayari.
Si Allāh ay nagpalabas sa inyo, O mga tao, mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo matapos ng pagwawakas ng panahon ng pagbubuntis bilang mga batang walang natatalos na anuman, at gumawa para sa inyo ng pandinig upang ipandinig ninyo, ng mga paningin upang ipantingin ninyo, at ng mga puso upang ipang-unawa ninyo, sa pag-asang magpasalamat kayo sa ibiniyaya ni Allāh sa inyo mula sa mga iyon.
Hindi ba nagmamasid ang mga tagapagtambal sa mga ibon habang mga pinasunud-sunuran at mga naihanda sa paglipad sa hangin dahil sa ipinagkaloob sa mga ito ni Allāh na mga pakpak at kanipisan sa hangin? Ipinahiwatig Niya ang pagtiklop sa mga pakpak ng mga ito at ang pagladlad sa mga ito. Walang humahawak sa mga ito sa hangin laban sa pagkalaglag kundi si Allāh, ang Nakakakaya. Tunay na sa pagpapasunud-sunuran at paghawak na iyon ay talagang may mga katunayan para sa mga taong sumasampalataya kay Allāh dahil sila ang nakikinabang sa mga katunayan at mga isinasaalang-alang.
Si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ay gumawa para sa inyo mula sa mga bahay ninyong ipinatatayo ninyo yari sa bato at iba pa rito bilang isang tuluyan at isang kapahingahan; gumawa para sa inyo mula sa mga balat ng mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ng mga kubol at mga kulandong sa ilang tulad ng bahay sa kabayanan, na gagaan sa inyo ang pagdadala sa mga ito sa paglalakbay-lakbay ninyo mula sa isang lugar patungo sa iba pa at dadali sa inyo ang pagtukod sa mga ito sa oras ng pagtahan ninyo; at gumawa para sa inyo mula sa mga lana ng mga tupa, mga balahibo ng mga kamelyo, at mga buhok ng mga kambing ng kasangkapan para sa mga bahay ninyo, mga kasuutan, at mga panakip na tinatamasa ninyo hanggang sa isang panahong itinakda.
Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga punong-kahoy at mga gusali ng nasisilungan ninyo laban sa init; gumawa para sa inyo mula sa mga bundok ng mga lagusan, mga groto, at mga yungib na nakapagtatago kayo sa loob ng mga ito palayo sa ginaw, init, at kaaway; gumawa para sa inyo ng mga kamisa at mga damit na yari sa bulak at iba pa na nagtutulak para sa inyo ng init at lamig; at gumawa para sa inyo ng mga kalasag na nagsasanggalang sa inyo sa karahasan ng iba sa inyo sa digmaan para hindi tumagos ang sandata sa mga katawan ninyo. Gaya ng pagbiyaya ni Allāh sa inyo ng mga biyayang nauna, naglulubos Siya ng mga biyaya Niya sa inyo sa pag-asang magpaakay kayo sa Kanya - tanging sa Kanya - at hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman.
Kaya kung umayaw sila sa pananampalataya at pagpapatotoo sa inihatid mo, walang tungkulin sa iyo, O Sugo, kundi ang pagpapaabot sa ipinag-utos sa iyo ang pagpapaabot niyon ayon sa pagpapaabot na maliwanag at walang tungkulin sa iyo sa paghatid sa kanila sa kapatnubayan.
Nakakikilala ang mga tagapagtambal sa mga biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa kanila, na kabilang sa mga ito ang pagsusugo sa Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa kanila. Pagkatapos ay nagkakaila sila sa mga biyaya Niya sa pamamagitan ng hindi pagpapasalamat sa mga ito at sa pamamagitan ng pagpapasinungaling sa Sugo Niya. Ang higit na marami sa kanila ay ang mga tagapagkaila sa mga biyaya Niya - napakamaluwalhati Niya.
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na bubuhay si Allāh mula sa bawat kalipunan ng sugo nitong isinugo rito na sasaksi sa pananampalataya ng mananampalataya kabilang sa kanila at sa kawalang-pananampalataya ng tagatangging sumampalataya. Pagkatapos niyon ay hindi papayagan para sa mga tagatangging sumampalataya ang paumanhin sa dating taglay nilang kawalang-pananampalataya at hindi sila manunumbalik sa Mundo upang gumawa ng ikinalulugod ng Panginoon nila sapagkat ang Kabilang-buhay ay tahanan ng pagtutuos hindi tahanan ng paggawa.
Kapag napagmasdan ng mga tagalabag sa katarungan na mga tagapagtambal ang pagdurusa, hindi pagagaanin para sa kanila ang pagdurusa at hindi sila palulugitan sa pamamagitan ng pagpapahuli nito sa kanila, papasok sila roon bilang mga mananatili roon at mga pananatilihin.
Kapag napagmasdan ng mga tagapagtambal sa Kabilang-buhay ang mga sinamba nilang sila dati ay sumasamba sa mga iyon bukod pa kay Allāh ay magsasabi sila: "Panginoon namin, ang mga ito ay ang mga pantambal namin [sa Iyo] na kami dati ay sumasamba sa kanila bukod pa sa Iyo." Nagsabi sila niyon upang ipapasan nila sa mga ito ang mga pananagutan nila ngunit pabibigkasin ni Allāh ang mga sinamba nila at tutugon ang mga ito sa kanila: "Tunay na kayo, O mga tagapagtambal, ay talagang mga sinungaling sa pagsamba ninyo sa isang katambal kasama kay Allāh sapagkat walang kasama sa Kanya na isang katambal para sambahin."
Susuko ang mga tagapagtambal at magpapaakay sila kay Allāh - tanging sa Kanya. Maglalaho sa kanila ang dati nilang nililikha-likha gaya ng pag-aangking ang mga rebulto nila ay namamagitan para sa kanila sa ganang kay Allāh.
Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at naglihis sa iba pa sa kanila palayo sa landas ni Allāh ay dadagdagan sila ng isang pagdurusa - dahil sa kaguluhan nila, panggugulo nila, at pagpapaligaw nila sa iba pa sa kanila - higit sa pagdurusang naging karapat-dapat sila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na bubuhay Kami mula sa bawat kalipunan ng isang sugong sasaksi sa kanila dahil sa dating taglay nila na kawalang-pananampalataya o pananampalataya. Ang sugong ito ay kabilang sa lahi nila at nagsasalita ng wika nila. Naghatid Kami sa iyo, O Sugo, bilang isang saksi sa mga kalipunan sa kalahatan. Nagpapababa Kami sa iyo ng Qur'ān upang linawin mo ang nangangailangan ng paglilinaw na ipinahihintulot at ipinagbabawal, gantimpala at parusa, at iba pa roon. Nagpababa Kami niyon bilang isang kapatnubayan sa mga tao tungo sa katotohanan, isang awa para sa sinumang sumampalataya roon at gumawa ayon sa nilalaman niyon, at isang pagbabalita ng nakagagalak para sa mga mananampalataya kay Allāh sa hinihintay nilang kaalwanang mananatili.
Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa mga lingkod Niya ng katarungan sa pamamagitan ng pagganap ng tao sa mga karapatan ni Allāh at mga karapatan ng mga tao at hindi pagtangi sa isa higit sa isa sa paghahatol malibang ayon sa isang karapatang nag-oobliga sa pagtatanging iyon; nag-uutos ng pagmamagandang-gawa sa pamamagitan ng pagmamagandang-loob ng tao ng hindi kinakailangan sa kanya gaya ng paggugol sa iba nang kusang-loob at pagpapaumanhin sa lumabag sa katarungan; at nag-uutos ng pagbibigay sa mga kamag-anakan ng kinakailangan nila; sumasaway sa bawat naging pangit sa pananalita gaya ng kahalayan ng pananalita at sa gawa gaya ng pangangalunya; sumasaway sa anumang minamasama ng Batas, na lahat ng mga pagsuway; at sumasaway sa kawalang-katarungan at pagmamalaki sa mga tao. Nangangaral sa inyo si Allāh ng ipinag-utos Niya sa inyo at sinaway Niya sa inyo sa talatang ito sa pag-asang magsasaalang-alang kayo sa anumang ipinangaral Niya sa inyo.
Tumupad kayo sa bawat tipang nakipagtipan kayo kay Allāh o nakipagtipan kayo sa mga tao at huwag kayong kumalas sa mga sinumpaan matapos ng pagpapatibay sa mga ito sa pamamagitan ng panunumpa kay Allāh. Gumawa nga kayo kay Allāh na isang saksi sa inyo dahil sa pagtupad ninyo sa sinumpaan ninyo. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ginagawa ninyo: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula rito. Gaganti Siya sa inyo rito.
Huwag kayong maging mga hunghang na mga mahina ang mga isip dahil sa pagkalas sa mga tipan gaya ng isang babaing hangal na nagpagod sa pag-ikid ng lana niya o bulak niya at hinigpitan ang pagkaikid nito, pagkatapos ay kinalas niya ito at ginawa niya itong nakakalag gaya ng dati nito bago ng pagkaikid nito. Nagpagod siya sa pag-ikid nito at pagkalas nito at hindi niya natamo ang ninanais niya. Binabago ninyo ang mga sinumpaan ninyo para maging isang panlilinlang na nanlilinlang kayo sa isa't isa sa inyo sa pamamagitan nito upang ang kalipunan ninyo ay maging higit na marami at higit na malakas kaysa sa kalipunan ng mga kaaway ninyo. Nagsusulit lamang sa inyo si Allāh sa pamamagitan ng pagtupad sa mga tipan kung tutupad ba kayo sa mga ito o kakalas kayo sa mga ito? Talagang magpapaliwanag nga si Allāh para sa inyo sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati kayo ay nagkakaiba-iba hinggil dito sa Mundo kaya lilinawin Niya ang tagapagtotoo sa tagapagbulaan at ang tapat sa sinungaling.
Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa inyo na kalipunang nag-iisa, na mga nagkakasundo sa katotohanan. Subalit Siya - napakamaluwalhati Niya - ay nagpapaligaw sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng pagbigo rito sa katotohanan at sa pagtupad sa mga tipan ayon sa katarungan Niya, at nagtutuon doon sa sinumang niloloob Niya ayon sa kagandahang-loob Niya. Talagang tatanungin nga kayo sa Araw ng Pagbangon tungkol sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo.
Huwag kayong magpabago sa mga sinumpaan ninyo para maging isang panlilinlang na nanlilinlang kayo sa isa't isa sa inyo sa pamamagitan nito at sinusunod ninyo kaugnay rito ang mga pithaya ninyo kaya kumakalas kayo sa mga sinumpaan kapag niloob ninyo at tumutupad kayo sa mga iyan kapag niloob ninyo. Kaya tunay na kayo, kung ginawa ninyo iyon, ay may matitisod na mga paa ninyo palayo sa landasing tuwid matapos na ang mga ito dati ay mga matatag doon, at lalasap ng pagdurusa dahilan sa pagkaligaw ninyo palayo sa landas ni Allāh at pagpapaligaw ninyo sa iba pa sa inyo palayo roon. Ukol sa inyo ay isang pagdurusang pinag-iibayo.
Huwag ninyong ipagpalit ang tipan kay Allāh sa isang panumbas na kaunti dahil sa pagkalas ninyo sa tipan at pag-iwan ninyo sa pagtupad nito. Tunay na ang nasa ganang kay Allāh na pag-aadya at mga samsam sa digmaan sa Mundo, at ang nasa ganang Kanya na kaalwanang mamamalagi sa Kabilang-buhay ay pinakamabuti para sa inyo kaysa sa anumang natatamo ninyo na isang panumbas na kaunti dahil sa pagkalas ninyo sa tipan, kung nangyaring kayo ay nakaaalam niyon.
Ang anumang nasa ganang inyo, O mga tao, gaya ng yaman, mga sarap, at ginhawa ay nagwawakas kahit pa man ito ay marami, samantalang ang anumang nasa ganang kay Allāh na ganti ay mananatili kaya papaano kayong nagtatangi sa maglalaho higit sa mananatili? Ang mga nagtiis sa mga tipan sa kanila at hindi kumalas sa mga ito ay talagang gagantihan nga ni Allāh ng gantimpala nila katumbas sa pinakamaganda sa anumang dati nilang ginagawa na mga pagtalima. Kaya naman gagantihan Niya sila sa magandang gawa ng gantimpala sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit.
Ang sinumang gumawa ng isang gawang maayos na umaalinsunod sa Batas, maging isang lalaki man o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya kay Allāh, ay talagang magpapamuhay nga si Allāh sa kanya sa Mundo nang isang buhay na kaaya-aya dahil sa pagkalugod sa pagtatadhana ni Allāh, sa pagkakontento, at pagkakatuon sa mga pagtalima; at talagang gaganti nga si Allāh sa kanila ng gantimpala nila sa Kabilang-buhay katumbas sa pinakamaganda sa anumang dati nilang ginagawa sa Mundo na mga gawang matuwid.
Kaya kapag nagnais kang bumigkas ng Qur’ān, O mananampalataya, ay humiling ka kay Allāh na kupkupin ka laban sa mga bulong ng demonyong itinaboy palayo sa awa ni Allāh.
Tunay na ang demonyo ay walang kapangyarihan sa mga sumampalataya kay Allāh at sa Panginoon nila - tanging sa Kanya - ay sumasalig sa lahat ng mga nauukol sa kanila.
Tanging ang kapangyarihan niya ay sa pamamagitan ng mga bulong niya sa yaong mga gumagawa sa kanya bilang isang katangkilik at tumatalima sa kanya sa panlilisya niya, at yaong mga dahilan sa panlilisya niya ay naging mga tagapagtambal kay Allāh, na sumasamba kasama kay Allāh ng iba pa.
Kapag nagpawalang-bisa si Allāh ng isang talata mula sa Qur'ān sa pamamagitan ng isa pang talata - at si Allāh ay higit na nakaaalam sa pinawawalang-bisa Niya mula sa Qur'ān dahil sa isang kasanhian at Maalam sa hindi pinawalang-bisa mula rito - ay nagsasabi sila: "Ikaw, O Muḥammad, ay tanging isang sinungaling na lumilikha-likha [ng kasinungalingan] kay Allāh." Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam na ang pagwawalang-bisa ay nangyayari lamang dahil sa isang kasanhiang pandiyos na malalim.
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nagpababa sa Qur'ān na ito si Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga - mula sa ganang kay Allāh - napakamaluwalhati Niya - dala ang katotohanang walang pagkakamali rito ni pagpapalit ni paglilihis upang magpatatag siya sa mga sumampalataya kay Allāh sa pananampalataya nila sa tuwing may bumabang bago mula rito at may pinawalang-bisang ilan mula rito at upang ito ay maging isang kapatnubayan para sa kanila tungo sa katotohanan at isang balitang nakalulugod para sa mga Muslim dahil sa tatamuhin nilang gantimpalang masagana.
Kami ay nakaaalam na ang mga tagapagtambal ay nagsasabi: "Tunay na si Muḥammad ay tinuturuan lamang ng Qur'ān ng isang tao." Sila ay mga sinungaling sa pahayag nila sapagkat ang wika ng inaakala nilang iyon ay nagtuturo sa kanya ay banyaga samantalang ang Qur'ān na ito ay ibinaba sa isang dilang Arabeng maliwanag na may retorikang mataas kaya papaanong nag-aakala silang siya ay nakatanggap nito mula sa isang banyaga?"
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh na ang mga ito ay mula sa ganang Kanya - napakamaluwalhati Niya - ay hindi itutuon ni Allāh sa kapatnubayan hanggang manatili silang mga nagpupumilit doon. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit dahilan sa nasa kanila na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagpapasinungaling sa mga tanda Niya.
Si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay hindi sinungaling kaugnay sa inihatid niya mula sa Panginoon niya. Lumilikha-likha lamang ng kasinungalingan ang mga hindi nagpapatotoo sa mga tanda ni Allāh dahil sila ay hindi nangangamba sa isang pagdurusa at hindi umaasa sa isang gantimpala. Ang mga nailarawang iyon sa kawalang-pananampalataya ay ang mga sinungaling dahil ang pagsisinungaling ay kaugalian nilang nakaugalian nila.
Ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh matapos ng pagsampalataya niya, maliban sa sinumang pinilit habang ang puso naman niya ay napapanatag sa pananampalataya, at ang sinumang nagbukas ng dibdib sa kawalang-pananampalataya, laban sa kanila ay isang galit mula kay Allāh at ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan.
Ang pagtalikod na iyon sa Islām ay dahilan sa sila ay nagtangi sa natatamo nilang mga panandaliang bagay ng Mundo bilang pagtutumbas sa kawalang-pananampalataya nila higit sa Kabilang-buhay at na si Allāh ay hindi nagtutuon sa pananampalataya sa mga taong tagatangging sumampalataya, bagkus bumibigo sa kanila.
Ang mga nailarawang iyon sa pagtalikod sa pananampalataya matapos ng pagsampalataya ay ang mga; nagpinid si Allāh sa mga puso nila kaya hindi sila nakaiintindi ng mga pangaral, sa mga pandinig nila kaya hindi sila nakaririnig sa mga ito ayon sa pagdinig na napakikinabangan, at sa mga paningin nila kaya hindi sila nakakikita sa mga tandang nagpapatunay sa pananampalataya. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat sa mga kadahilanan ng kaligayahan at kalumbayan at sa inihanda ni Allāh para sa kanila na pagdurusa.
Totoong tunay na sila sa Araw ng Pagbangon ay ang mga lugi na naging lugi sa mga sarili nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila matapos ng pagsampalataya nila, na kung sakaling kumapit sila doon ay talaga sanang papasok sila sa Paraiso.
Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang Mapagpatawad, Maawain sa mga sinisiil kabilang sa mga mananampalataya na mga lumikas mula sa Makkah patungo sa Madīnah matapos pagdusahin sila ng mga tagapagtambal at usigin sila dahil sa relihiyon nila hanggang sa nakabigkas sila ng salita ng kawalang-pananampalataya samantalang ang mga puso nila naman ay napapanatag sa pananampalataya. Pagkatapos ay nakibaka sila sa landas ni Allāh upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas at ang salita ng mga tumangging sumampalataya ay maging ang pinakamababa. Nagtiis sila sa mga hirap niyon. Tunay na ang Panginoon mo - matapos ng sigalot na iyon na tumukso sa kanila at ng pagpaparusang pinagdusahan nila hanggang sa nakabigkas sila ng salita ng kawalang-pananampalataya - ay talagang Mapagpatawad sa kanila, Maawain sa kanila dahil sila ay hindi nakabigkas ng salita ng kawalang-pananampalataya malibang bilang mga napipilitan.
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na pupunta ang bawat tao na mangangatwiran para sa sarili nito nang hindi mangangatwiran para sa iba rito dahil sa bigat ng katayuan, tutumbasan ang bawat kaluluwa bilang ganti sa anumang ginawa nito na kabutihan at kasamaan, at hindi sila lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila ni sa pamamagitan ng pagdagdag sa masagwang gawa nila.
Naglahad si Allāh ng isang paghahalimbawa sa isang pamayanan - iyon ay ang Makkah - na iyon dati ay matiwasay na walang pinangangambahan ang mga naninirahan doon at matatag pa samantalang ang mga tao sa paligid niyon ay dinudukot. Dumarating doon ang panustos niyon nang kaiga-igaya at madali mula sa bawat pook ngunit nagkaila ang mga naninirahan doon sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila na mga biyaya at hindi nagpasalamat kaya ginantihan sila ni Allāh ng pagkagutom at matinding pangambang nakalitaw sa mga katawan nila bilang hilakbot at pangangayayat hanggang sa ang dalawang ito ay naging gaya ng damit [sa pagkapit] sa kanila dahilan sa dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling.
Talaga ngang may dumating sa mga naninirahan sa Makkah na isang sugong kabilang sa kanila, na nakikilala nila sa pagkamapagkakatiwalaan at katapatan. Siya ay si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaugnay sa ibinaba sa kanya ng Panginoon niya kaya bumababa sa kanila ang pagdurusa mula kay Allāh sa pamamagitan ng gutom at pangamba habang sila ay mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan nang nagtambal sila kay Allāh at nagpasinungaling sila sa Sugo Niya.
Kaya kumain kayo, O mga lingkod, mula sa itinustos sa inyo ni Allāh - napakamaluwalhati Niya - na anumang ipinahihintulot kabilang sa itinuturing na kaaya-ayang kainin. Magpasalamat kayo sa biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa inyo sa pamamagitan ng pagkilala sa mga biyayang ito kay Allāh at paggamit sa mga ito sa kaluguran Niya, kung nangyaring kayo ay sumasamba sa Kanya - tanging sa Kanya - at hindi kayo nagtatambal sa Kanya
Ipinagbawal ni Allāh sa inyo mula sa mga nakakain ang anumang namatay nang walang pagkatay na kabilang sa nakakatay, ang ibinubong dugo, ang laman ng baboy sa lahat ng mga bahagi nito, at ang anumang kinatay ng tagapagkatay nito bilang alay sa iba pa kay Allāh. Ang pagbabawal na ito ay tanging sa kalagayang makapipili. Ngunit ang sinumang pinilit ng kagipitan sa pagkain ng mga nabanggit kaya nakakain siya mula sa mga ito nang walang pagkaibig sa ipinagbabawal mismo at hindi naman siya lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, walang kasalanan sa kanya sapagkat si Allāh ay Mapagpatawad na nagpapatawad sa kanya sa kinain niya, Maawain sa kanya nang pumayag Ito sa kanya niyon sa sandali ng kagipitan.
Huwag kayong magsabi, O mga tagapagtambal, ukol sa anumang naglalarawan ang mga dila ninyo ng kasinungalingan laban kay Allāh: "Ang bagay na ito ay ipinahihintulot at ang bagay na iyan ay ipinagbabawal," sa layong lumikha-likha kayo laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pagbabawal sa hindi Niya ipinagbawal at pagpapahintulot sa hindi Niya ipinahintulot. Tunay na ang mga lumilikha-likha laban kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatamo ng hinihiling at hindi maliligtas mula sa pinangingilabutan.
Ukol sa kanila ay isang kasiyahang kaunti, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit na kahamak-hamak dahil sa pagsunod nila sa mga pithaya nila sa Mundo, at ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang pagdurusang nakasasakit.
Sa mga hudyo, lalo na, ay nagbawal Kami ng isinalaysay Namin sa iyo (gaya ng nasa Qur'ān 6:146). Hindi Kami lumabag sa kanila sa katarungan dahil sa pagbabawal niyon, subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan nang nakagawa sila ng mga kadahilanan ng parusa kaya gumanti Kami sa kanila dahil sa pagsalansang nila at nagbawal Kami sa kanila niyon bilang kaparusahan para sa kanila.
Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, sa mga gumawa ng mga masagwa dala ng kamangmangan sa kahihinatnan ng mga iyon kahit pa man nangyaring sila ay mga nananadya at pagkatapos naman ay nagbalik-loob kay Allāh matapos silang gumawa ng mga masagwa at nag-ayos ng mga gawain nila, tunay na ang Panginoon mo matapos ng pagbabalik-loob ay talagang Mapagpatawad sa mga pagkakasala nila, Maawain sa kanila.
Tunay na si Abraham noon - sumakanya ang pangangalaga - ay isang tagapagbuklod ng mga katangian ng kabutihan, na nagpapamalagi sa pagtalima sa Panginoon niya, na nakalihis palayo sa mga relihiyon sa kalahatan ng mga ito patungo sa Islām, at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga tagapagtambal kailanman.
Ito noon ay tagapagpasalamat sa mga biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya rito. Pumili rito si Allāh para sa pagkapropeta at nagpatnubay Siya rito tungo sa matuwid na relihiyon ng Islām.
Nagbigay Kami sa kanya sa Mundo ng pagkapropeta, pagbubunying maganda, at anak na maayos. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga mabuti na naghanda si Allāh para sa kanila ng mga antas na pinakamataas sa Paraiso.
Pagkatapos ay nagkasi si Allāh sa iyo, O Sugo, na sumunod ka sa kapaniwalaan ni Abraham sa Tawḥīd, pagpapawalang-kaugnayan sa mga tagapagtambal, pag-aanyaya tungo kay Allāh, at pagsasagawa sa Batas Niya bilang isang kumikiling palayo sa lahat ng mga relihiyon patungo sa relihiyong Islām. Hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga tagapagtambal kailanman gaya ng inaakala ng mga tagapagtambal, bagkus siya noon ay isang monoteista kay Allāh.
Itinalaga lamang ang pagdakila sa Sabath bilang isang tungkulin sa mga Hudyong nagkakaiba-iba hinggil dito upang ipangilin nila ito sa mga pinagkakaabalahan nila para sa pagsamba matapos na nalayo sila sa araw ng Biyernes na ipinag-utos sa kanila ang pangingilin dito. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang maghahatol sa pagitan ng mga ito sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati ay nagkakaiba-iba kaya gaganti Siya sa bawat isa ayon sa nagiging karapat-dapat sa kanya.
Mag-anyaya ka, O Sugo, tungo sa relihiyong Islām, ikaw at ang sinumang sumunod sa iyo na mga mananampalataya ayon sa hinihiling ng kalagayan ng inaanyayahan, pagkaintindi nito, at pagpapaakay nito at sa pamamagitan ng payong sumasaklaw sa pagpapaibig at pagpapangilabot. Makipagtalo ka sa kanila ayon sa paraang siyang pinakamaganda sa salita, sa isip, at sa paghuhubog sapagkat hindi kailangan sa iyo ang kapatnubayan ng mga tao. Tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot sa kanila. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na nakaaalam sa sinumang naligaw palayo sa relihiyon ng Islām. Siya ay higit na nakaaalam sa mga napatnubayan, kaya huwag masawi ang sarili mo dahil sa kanila sa panghihinayang.
Kung nagnais kayo ng pagpaparusa sa kaaway ninyo ay magparusa kayo ng tulad ng ginawa sa inyo nang walang karagdagan. Talagang kung nakapagpigil kayo sa pagpaparusa ninyo roon sa sandali ng kakayahan roon, tunay na iyon ay higit na mabuti para sa mga tagapagpigil kabilang sa inyo kaysa sa pagkamakatarungan sa pagpaparusa sa kanila.
Magtiis ka, O Sugo, sa tumatama sa iyo na pananakit nila. Walang iba ang pagtutuon sa iyo sa pagtitiis malibang sa pamamagitan ng pagtutuon ni Allāh sa iyo. Huwag kang malungkot dahil sa pag-ayaw sa iyo ng mga tagatangging sumampalataya. Huwag manikip ang dibdib mo dahilan sa isinasagawa nila na panlalansi at pakana.
Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nangilag magkasala sa pamamagitan ng pag-iwan sa mga pagsuway, at ng mga nagmamagandang-gawa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagtalima at pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya sapagkat Siya ay kasama nila sa pag-aadya at pagsuporta.
Icon