ترجمة معاني سورة التكوير
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
Kapag ang araw ay pinagsanib ang katawan nito at naglaho ang tanglaw nito,
kapag ang mga tala ay nagbagsakan at pinawi ang tanglaw nito,
kapag ang mga bundok ay pagagalawin mula sa lugar ng mga ito,
kapag ang mga babaing kamelyong buntis na kamelyo, na pinakamamahalin sa mga ari-arian nila, ay pinabayaan dahil sa pag-iwan ng may-ari ng mga ito sa mga ito,
kapag ang mga mailap na hayop ay kinalap kasama sa sangkatauhan sa nag-iisang larangan,
kapag ang mga dagat ay pinagningas hanggang sa maging apoy,
kapag ang mga kaluluwa ay ipapareha sa nakatutulad nito kaya ipapareha ang masamang-loob sa masamang-loob at ang mapangilaging magkasala sa mapangilaging magkasala,
kapag ang batang babaing inilibing samantalang ito ay buhay pa ay tatanungin ni Allāh
"Dahil sa aling krimen pinatay ka ng pumatay sa iyo?"
kapag ang mga pahina ng mga gawain ng mga tao ay inilatag upang magbasa ang bawat isa ng pahina ng mga gawain niya,
kapag ang langit ay inalis kung paanong inaalis ang balat sa tupa,
kapag ang Apoy ay pinagningas,
at kapag ang Paraiso ay inilapit sa mga tagapangilag magkasala;
Kapag nangyari iyon ay malalaman ng bawat kaluluwa ang inihain nito na mga gawa para sa Araw na iyon.
Sumumpa si Allāh sa mga bituing nakakubli bago ng paglitaw ng mga ito sa gabi.
na umiinog sa mga orbita ng mga ito na nalilingid sa sandali ng paglitaw ng umaga tulad ng mga antilope na pumapasok sa mga lungga nito
sumumpa Siya sa simula ng gabi kapag dumating ito at sa katapusan nito kapag lumisan ito,
sumumpa Siya sa madaling-araw kapag lumitaw ang liwanag nito;
tunay na ang Qur’ān na pinababa kay Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ay talagang pananalita ni Allāh na ipinaabot ng isang anghel na mapagkakatiwalaan, si Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga, na ipinagkatiwala ito ni Allāh sa kanya;
na nagmamay-ari ng lakas, na may kalagayang dakila sa ganang sa Panginoon ng Trono - kaluwalhatian sa Kanya,
tumatalima sa kanya ang mga naninirahan sa langit, na pinagkakatiwalaan sa ipinaaabot niya na kasi.
Si Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ang kumakasama sa inyo na nakakikilala kayo sa pang-unawa niya, pagkamapagkakatiwalaan niya, at katapatan niya ay hindi isang nabaliw gaya ng inaangkin ninyo bilang paninirang-puri.
Talaga ngang nakakita ang kasamahan ninyo kay Anghel Gabriel sa anyo nito na nilikha ito sa abot-tanaw ng langit na maliwanag.
At ang kasamahan ninyo ay hindi maramot sa inyo na nagmamaramot na magpaabot sa inyo ng ipinag-utos sa kanya na ipaabot sa inyo at hindi kumukuha ng upa gaya ng kinukuha ng mga manghuhula.
Ang Qur’ān na ito ay hindi mula sa pananalita ng isang demonyong itinaboy mula sa awa ni Allāh.
Kaya sa aling daan tatahak kayo para sa pagkakaila na ito ay mula kay Allāh matapos ng mga katwirang ito?
Walang iba ang Qur'ān kundi isang pagpapaalaala at isang pangaral para sa jinn at tao,
para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid sa daan ng katotohanan,
at hindi kayo magloloob ng pagpapakatuwid ni ng iba pa rito maliban na lumuob si Allāh niyon, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito.