ﰡ
Ha. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanata Al-Baqarah.
Ang Qur'ān na ito ay isang pagbababa mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Maalam,
isang Aklat na nilinaw ang mga talata nito nang pinakalubos sa paglilinaw at pinakaganap dito at ginawang isang Qur’ān na Arabe para sa mga taong umaalam dahil sila ay ang mga makikinabang sa mga kahulugan nito at anumang narito na kapatnubayan tungo sa katotohanan,
bilang isang tagabalita ng nakagagalak sa mga mananampalataya hinggil sa inihanda ni Allāh para sa kanila na ganting masagana, at bilang isang tagapagpangamba sa mga tagatangging sumampalataya laban sa masakit na pagdurusang dulot ni Allāh; ngunit umayaw ang karamihan sa kanila roon, kaya sila ay hindi dumidinig sa anumang naritong patnubay ayon sa pagdinig ng pagtanggap.
Nagsabi sila: "Ang mga puso namin ay natatakpan ng mga pambalot kaya hindi nakapag-uunawa ng ipinaaanyaya mo sa amin, sa mga tainga namin ay may pagkabingi kaya hindi nakaririnig, at sa pagitan namin at pagitan mo ay may isang takip kaya walang nakararating sa amin na anuman mula sa sinasabi mo. Kaya gumawa ka sa pamamaraan mo; tunay na kami ay mga tagagawa sa pamamaraan namin. Hindi kami susunod sa iyo."
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagmamatigas na ito: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Nagsiwalat sa akin si Allāh na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay nag-iisang sinasamba lamang, si Allāh, kaya tumahak kayo sa daang nagpaparating sa Kanya at humiling kayo mula sa Kanya ng kapatawaran sa mga pagkakasala ninyo." Kasawian at pagdurusa ay ukol sa mga tagatambal, na mga sumasamba sa iba pa kay Allāh o nagtatambal kasama sa Kanya ng isa man,
na mga hindi nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila samantalang sila sa Kabilang-buhay - at anumang naroon na kaginhawahang mananatili at pagdurusang masakit - sila ay mga tagatangging sumampalataya.
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila ay isang gantimpalang mamamalagi, hindi mapuputol, ang Paraiso.
Sabihin mo, O Sugo, habang nanunumbat sa mga tagatangging sumampalataya: "Bakit kayo ay tumatangging sumampalataya kay Allāh na lumikha ng lupa sa dalawang araw: araw ng Linggo at araw ng Lunes, at gumagawa sa Kanya ng mga kaparis na sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya? Iyon ay ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila."
Naglagay Siya rito ng mga bundok na matitibay mula sa ibabaw nito, na nagpapatag sa mga ito upang hindi yumanig ang mga ito. Nagtakda Siya rito ng mga makakain ng mga tao at mga hayop sa apat na araw bilang paglulubos sa dalawang araw na nauna: araw ng Martes at araw ng Miyerkules, nang magkapantay para sa sinumang nagnais na magtanong tungkol dito.
Pagkatapos ay nagsadya Siya - kaluwalhatian sa Kanya - sa paglikha ng langit habang ito sa araw na iyon ay usok pa at nagsabi Siya rito at sa lupa: "Magpaakay kayo sa utos Ko bilang mga nagkukusang-loob o mga napipilitan: walang paglihis para sa inyong dalawa palayo roon." Nagsabi silang dalawa: "Pupunta kami na mga tumatalima sapagkat walang pagnanais para sa amin higit sa pagnanais Mo, O Panginoon namin."
Pagkadaka ay lumubos si Allāh sa paglikha sa mga langit sa dalawang araw: araw ng Huwebes at araw ng Biyernes. Sa pamamagitan ng dalawang araw na ito nalubos ang paglikha sa mga langit at lupa sa anim na araw. Kumasi si Allāh sa bawat langit ng itinatakda Niya rito at ipinag-uutos Niya rito na pagtalima at pagsamba. Gumayak Siya sa langit na pinakamababa ng mga bituin at nangalaga Siya ng langit sa pamamagitan ng mga ito laban sa panakaw na pakikinig ng mga demonyo. Ang nabanggit na iyon sa kabuuan niyon ay ang pagtatakda [Niya], ang Makapangyarihan na walang nakagagapi na isa man, ang Maalam sa mga nilikha Niya.
Kaya kung umayaw ang mga ito sa pananampalataya sa dinala mo ay sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nagpangamba ako sa inyo ng isang pagdurusang babagsak sa inyo tulad ng pagdurusang bumagsak sa `Ād na mga kababayan ni Hūd, at sa Thamūd na mga kababayan ni Ṣāliḥ noong nagpasinungaling sila sa dalawang ito
nang dumating sa kanila ang mga sugo sa kanila, na sinusundan ang ilan sa mga iyon ng iba pa na may dalang nag-iisang paanyaya, na nag-uutos sa kanila na huwag silang sumamba maliban kay Allāh - tanging sa Kanya." Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila: "Kung sakaling niloob ng Panginoon namin ang magpababa ng mga anghel sa amin ay talaga sanang nagpababa Siya sa kanila; kaya tunay na kami ay mga tagatangging sumampalataya sa ipinasugo sa inyo dahil kayo ay mga taong tulad namin."
Tungkol sa `Ād na mga kababayan ni Hūd, kalakip ng kawalang-pananampalataya nila kay Allāh ay nagpakamalaki sila sa lupain ayon sa hindi karapatan, lumabag sila sa katarungan sa nakapaligid sa kanila, at nagsabi sila habang sila ay nadadaya ng lakas nila: "Sino ang higit na matindi kaysa sa amin sa lakas?" Walang isang higit na matindi sa kanila sa lakas ayon sa pagkakahaka-haka nila kaya tumugon si Allāh sa kanila: "Kaya ba hindi nakaaalam ang mga ito at nakasasaksi na si Allāh na lumikha sa kanila at naglagak sa kanila ng lakas na ikinalabis-labis nila ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Sila dati ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh na dinala ni Hūd - sumakanya ang pangangalaga."
Kaya nagpadala Kami sa kanila ng isang hanging may tunog na nakababagabag sa mga araw na malas sa kanila dahil sa dulot nitong pagdurusa upang magpalasap Kami sa kanila ng pagdurusang dulot ng pagkaaba at pagkahamak para sa kanila sa buhay na pangmundo. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay na naghihintay sa kanila ay higit na matindi sa pang-aaba sa kanila habang sila ay hindi nakatatagpo ng mag-aadya sa kanila sa pamamagitan ng pagsagip sa kanila mula sa pagdurusa.
Tungkol sa Thamūd na mga kababayan ni Ṣāliḥ, nagpatnubay nga Kami sa kanila sa pamamagitan ng paglilinaw sa kanila ng daan ng katotohanan ngunit minagaling nila ang pagligaw higit sa kapatnubayan tungo sa katotohanan kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusang mang-aaba dahilan sa dati nilang kinakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
Nagpaligtas Kami sa mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya habang sila noon ay nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Nagpaligtas Kami sa kanila mula sa pagdurusang dumapo sa mga kababayan nila.
Sa Araw na magtitipon si Allāh sa mga kaaway Niya patungo sa Impiyerno, itutulak ng mga bantay ang una sa kanila sa huli sa kanila; hindi sila makakakaya ng pagtakas mula sa Apoy
hanggang sa kapag dumating sila sa Apoy na pinag-akayan sa kanila at nagkaila sila sa dati nilang nalalaman sa Mundo, sasaksi laban sa kanila ang mga pandinig nila, ang mga paningin nila, at mga balat nila sa dati nilang ginagawa sa Mundo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya sa mga balat nila: "Bakit kayo sumaksi laban sa amin sa dati naming ginagawa sa Mundo?" Magsasabi ang mga balat bilang sagot sa mga may-ari ng mga ito: "Nagpabigkas sa amin si Allāh na nagpabigkas sa bawat bagay. Siya ay lumikha sa inyo sa unang pagkakataon noong kayo dati ay nasa Mundo, at tungo sa Kanya - tanging sa Kanya - ay panunumbalikin kayo sa Kabilang-buhay para sa pagtutuos at pagganti.
Hindi kayo noon nagkukubli nang gumagawa kayo ng mga pagsuway upang hindi sumaksi laban sa inyo ang mga pandinig ninyo, ni ang mga paningin ninyo, ni ang mga balat ninyo dahil kayo ay hindi naniniwala sa pagtutuos ni sa parusa ni sa gantimpala matapos ng kamatayan, subalit nagpalagay kayo na si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - ay hindi nakaaalam sa marami sa ginagawa ninyo bagkus naikukubli sa Kanya kaya nalinlang kayo.
Yaong pagpapalagay ninyong masagwa na ipinagpalagay ninyo sa Panginoon ninyo ay nagpasawi sa inyo kaya kayo dahilan doon ay naging kabilang sa mga lugi na nagpalugi sa Mundo at Kabilang-buhay."
Kaya kung makatitiis itong mga sumaksi laban sa kanila ang pandinig nila, ang mga paningin nila, at ang mga balat nila, ang Apoy ay isang pananatilihan para sa kanila at isang kanlungang kakanlungan nila. Kung hihiling sila ng pag-aalis ng pagdurusa at ng kaluguran ni Allāh sa kanila, hindi sila mga magtatamo ng kaluguran Niya ni mga papasok sa Paraiso magpakailanman.
Naglaan Kami para sa mga tagatangging sumampalataya na ito ng mga kapisan kabilang sa mga demonyo na didikit sa kanila. Magpapaganda ang mga ito para sa kanila ng mga gawain nila sa Mundo at magpapaganda ang mga ito para sa kanila ng nasa hinaharap nila kabilang sa nauukol sa Kabilang-buhay. Kaya naman magpapalimot ang mga ito sa kanila sa pagsasaalaala niyon at paggawa para roon. Kakailanganin sa kanila ang pagdurusa sa kabuuan ng mga kalipunang nagdaan na noong bago pa nila kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila noon ay mga lugi yayamang nagpalugi sila sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon dahil sa pagpasok nila sa Apoy.
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya habang mga nagtatagubilinan sa pagitan nila noong nawalang-kakayahan sila sa pagharap sa katwiran sa pamamagitan ng katwiran: "Huwag kayong makinig sa Qur’an na ito na binibigkas sa inyo ni Muḥammad at huwag kayong magpaakay sa nilalaman nito. Sumigaw kayo at magtaas kayo ng mga tinig ninyo sa sandali ng pagbigkas niya nito, nang sa gayon sa pamamagitan niyon ay manalo kayo sa kanya at itigil niya ang pagbigkas niyan at ang pag-aanyaya tungo riyan para makapagpahinga kayo riyan.
Kaya talagang magpapalasap nga Kami sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo niya ng isang pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon, at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pinakamasagwa sa dati nilang ginagawa na shirk at mga pagsuway bilang parusa sa kanila dahil doon.
Ang ganting nabanggit na iyon ay ang ganti sa mga kaaway ni Allāh na mga tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga sugo Niya – ang Apoy. Ukol sa kanila roon ay kawalang-hanggan na hindi mapuputol magpakailanman bilang ganti sa pagkakaila nila sa mga tanda ni Allāh at kawalan ng pananampalataya nila sa mga ito sa kabila ng kaliwanagan ng mga ito at lakas ng katwiran ng mga ito.
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo Niya: "Panginoon namin, magpakita Ka sa amin ng dalawang nagpaligaw sa amin kabilang sa jinn at tao - si Satanas na nagsakalakaran ng kawalang-pananampalataya at pag-aanyaya tungo rito at ang anak ni Adan na nagsakalakaran ng pagpapadanak ng mga dugo - maglalagay kami sa kanilang dalawa ng Apoy sa ilalim ng mga paa namin upang silang dalawa ay maging kabilang sa mga pinakamababa na sila ay ang pinakamatindi sa mga maninirahan sa Apoy sa pagdurusa."
Tunay na ang mga nagsabi: "Ang Panginoon namin ay si Allāh; walang Panginoon para sa amin na iba pa sa Kanya," at nagpakatuwid sa pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay magsisibabaan sa kanila ang mga anghel sa sandali ng paghihingalo nila, na mga magsasabi sa kanila: "Huwag kayong mangamba sa kamatayan ni sa anuman matapos nito, huwag kayong malungkot sa anuman naiwanan ninyo sa Mundo, at magalak kayo sa Paraiso na sa inyo noon ay ipinangangako sa Mundo dahil sa pananampalataya ninyo kay Allāh at gawa ninyong maayos.
Kami ay mga katangkilik ninyo sa buhay sa Mundo sapagkat kami nga noon ay nagtatama sa inyo at nangangalaga sa inyo at kami ay mga katangkilik ninyo sa Kabilang-buhay sapagkat ang pagtangkilik namin sa inyo ay nagpapatuloy. Ukol sa inyo sa Paraiso ang ninanasa ng mga sarili ninyo kabilang sa mga masarap at mga ninanasa, at ukol sa inyo roon ang lahat ng hinihiling ninyo kabilang sa ninanasa ninyo,
bilang isang panustos na inilaan para sa pagpapanauhin sa inyo mula isang Panginoong Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Walang isang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at paggawa ayon sa batas Niya, gumawa ng gawang maayos na nagpapalugod sa Panginoon niya, at nagsabi: "Tunay na ako ay kabilang sa mga sumusuko na mga nagpapaakay kay Allāh." Ang sinumang gumawa niyon sa kabuuan niyon, siya ay pinakamaganda sa mga tao sa sinasabi.
Hindi nagkakapantay ang paggawa ng mga magandang gawa at mga pagtalima na nagpapalugod kay Allāh, at ni ang paggawa ng mga masagwang gawa at mga pagsuway na nagpapainis sa Kanya. Itulak mo sa pamamagitan ng katangiang siyang higit na maganda ang paggawa ng masagwa ng gumawa ng masagwa sa iyo kabilang sa mga tao, at biglang [siya na] ang sa pagitan mo at sa pagitan niya ay may pagkamuhi - kapag nagtulak ka sa paggawa niya ng masagwa sa pamamagitan ng paggawa ng maganda - ay [magiging] para bang siya ay isang kamag-anak na magiliw.
Walang itinutuon sa katangiang kapuri-puring ito kundi ang mga nagtiis sa pananakit at dinaranas nilang kasagwaan mula sa mga tao, at walang itinutuon doon kundi ang isang may kapalarang dakila dahil sa taglay niyon na maraming kabutihan at masaganang pakinabang.
Kung nanulsol sa iyo ang demonyo sa alinmang oras ng isang kasamaan ay magpasanggalang ka kay Allāh at dumulog ka sa Kanya. Tunay na Siya ay ang Madinigin sa anumang sinasabi mo, Maalam sa kalagayan mo.
Kabilang sa mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kadakilaan Niya at paniniwala sa kaisahan Niya ay ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa, O mga tao, sa araw at huwag kayong magpatirapa sa buwan. Magpatirapa kayo kay Allāh - tanging sa Kanya - na lumikha sa mga ito, kung nangyaring kayo ay sumasamba sa Kanya nang totohanan.
Ngunit kung nagmalaki sila, umayaw sila, at hindi sila nagpatirapa kay Allāh, ang Tagalikha, ang mga anghel naman na mga nasa malapit kay Allāh ay nagluluwalhati sa Kanya at nagpupuri sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - sa gabi at maghapon nang magkakasama habang ang mga iyon ay hindi nagsasawa sa pagsamba sa Kanya.
Kabilang sa mga tanda Niya na nagpapatunay sa kadakilaan Niya at paniniwala sa kaisahan Niya, at sa kakayahan Niya sa pagbubuhay na muli ay na ikaw ay nakakikita na ang lupa ay walang halaman ngunit kapag nagpababa sa ibabaw nito ng tubig ng ulan ay kumikilos ito dahilan sa paglago ng nakatago rito na mga binhi at umaangat. Tunay na ang nagbigay-buhay sa lupang patay sa pamamagitan ng halaman ay talagang tagabigay-buhay sa mga patay at tagabuhay sa kanila para sa pagtutuos at pagganti. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagbibigay-buhay sa lupa matapos ng kamatayan nito ni sa pagbibigay-buhay sa mga patay at pagbubuhay sa kanila mula sa mga libingan nila.
Tunay na ang mga kumikiling kaugnay sa mga tanda ni Allāh palayo sa katumpakan sa pamamagitan ng pagkakaila sa mga ito, pagpapasinungaling sa mga ito, at paglihis ng kahulugan ng mga ito ay hindi naikukubli ang kalagayan nila sa Kanya sapagkat Siya ay nakaaalam sa kanila. Kaya ba ang sinumang itatapon sa Apoy ay higit na mainam o ang sinumang darating sa Araw ng Pagbangon nang ligtas mula sa pagdurusa? Gawin ninyo, O mga tao, ang niloob ninyo na kabutihan at kasamaan sapagkat nilinaw na sa inyo ang kabutihan at ang kasamaan. Tunay na si Allāh sa ginagawa ninyo kabilang sa dalawang ito ay Nakakikita: walang naikukubli sa Kanya na anuman kabilang sa mga gawa ninyo.
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa Qur'ān noong dumating ito sa kanila mula sa ganang kay Allāh ay talagang mga pagdurusahin sa Araw ng Pagbangon. Tunay na ito ay talagang isang Aklat na makapangyarihan, matatag, na hindi nakakaya ng isang tagalihis ng kahulugan na maglihis ng kahulugan nito ni ng isang tagapalit na magpalit nito.
Hindi pumupunta rito ang kabulaanan mula sa harapan nito ni mula sa likuran nito sa pamamagitan ng pagbabawas o pagdaragdag o pagpapalit o paglilihis ng kahulugan. [Ito ay] isang pagbababa mula sa Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pagbabatas Niya; Pinapupurihan sa bawat kalagayan.
Walang sinasabi sa iyo, O Sugo, na pagpapasinungaling malibang sinabi na sa mga sugo noong wala ka pa kaya magtiis ka sapagkat tunay na ang Panginoon mo ay talagang may pagpapatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya at may parusang nakasasakit para sa sinumang nagpumilit sa mga pagkakasala niya at hindi nagbalik-loob.
Kung sakaling nagpababa Kami sa Qur'ān na ito sa hindi wika ng mga Arabe ay talaga sanang nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila: "Bakit kaya hindi nilinaw ang mga talata nito upang makaintindi tayo sa mga ito? Ang Qur'ān ba ay di-Arabe at ang nagdala nito ay isang Arabe?" Sabihin mo, o Sugo, sa mga ito: "Ang Qur'ān - para sa mga sumampalataya kay Allāh at nagpatotoo sa mga sugo Niya - ay isang kapatnubayan laban sa pagkaligaw at isang lunas sa nasa mga dibdib na kamangmangan at anumang sumusunod dito." Ang mga hindi sumasampalataya kay Allāh, sa mga tainga nila ay may pagkabingi, at ito sa kanila ay pagkabulag: hindi nila naiintindihan ito. Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay gaya ng tinatawag mula sa isang pook na malayo, kaya paano para sa kanila na makarinig sa tinig ng tagatawag?
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan, ngunit nagkakaiba-iba hinggil doon sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya roon at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya roon. Kung hindi dahil sa isang pangako mula kay Allāh na magpapasya sa pagitan ng mga tao sa Araw ng Pagbangon hinggil sa ipinagkaiba-iba nila ay talaga sanang humatol sa pagitan ng mga nagkakaiba-iba hinggil sa Torah kaya nilinaw ang nagtototoo at ang nagbubulaan, at pinarangalan Niya ang nagtototoo at hinamak Niya ang nagbubulaan. Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya ay talagang nasa isang pagdududa sa lagay ng Qur'ān, na nag-aalinlangan.
Ang sinumang gumawa ng gawang maayos, ang pakinabang sa gawa niyang maayos ay mauuwi sa kanya sapagkat si Allāh ay hindi napakikinabang ng gawang maayos ng isa man. Ang sinumang gumawa ng gawang masagwa, ang pinsala niyon ay manunumbalik sa kanya sapagkat si Allāh ay hindi napipinsala ng isang pagsuway ng isa man kabilang sa mga nilikha Niya. Gaganti Siya sa bawat isa ng naging karapat-dapat dito. Ang Panginoon mo, O Sugo, ay hindi palalabag sa katarungan sa mga alipin Niya sapagkat hindi Siya magbabawas sa kanila ng isang magandang gawa at hindi Siya magdaragdag sa kanila ng isang masagwang gawa.
Sa kay Allāh - tanging sa Kanya - iniugnay ang kaalaman sa Huling Sandali sapagkat Siya - tanging Siya - ay nakaaalam kung kailan magaganap ito sapagkat walang nakaaalam niyon na iba pa sa Kanya. Walang lumalabas na anumang mga bunga mula sa mga sisidlan ng mga ito na nangangalaga sa mga ito at walang nagbubuntis na anumang babae ni nagsisilang malibang nasa kaalaman Niya. Walang nakalulusot mula roon na anuman. Sa Araw na mananawagan si Allāh sa mga tagatambal na dating sumasamba kasama sa Kanya sa mga diyus-diyusan, bilang panunumbat sa kanila sa pagsamba nila sa mga iyon: "Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong hinahaka-haka na sila ay mga katambal?" Magsasabi ang mga tagatambal: "Umaamin kami sa harapan Mo na walang isa sa amin na sumasaksi sa ngayon na mayroon Kang katambal."
Naglaho sa kanila ang dati nilang dinadalanginan na mga diyus-diyusan. Natiyak nila na walang matatakasan para sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh at walang maiiwasan.
Hindi nagsasawa ang tao sa paghiling ng kalusugan, yaman, anak, at iba pa roon kabilang sa mga biyaya. Kung may tumama sa kanya na karalitaan o karamdaman o tulad niyon, siya ay madalas mawalan ng pag-asa at masiraan ng loob sa awa ni Allāh.
Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya mula sa Amin ng isang kalusugan, isang pagkayaman, at isang kagalingan matapos ng isang pagsubok at isang karamdaman ay talagang magsasabi nga siya: "Ito ay ukol sa akin dahil ako ay nababagay rito at karapat-dapat. Hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay sasapit. Talagang kung ipagpapalagay man na ang Huling Sandali ay sasapit, tunay na ukol sa akin sa ganang kay Allāh ang pagkayaman at ang yaman sapagkat kung paanong nagbiyaya Siya sa akin sa Mundo dahil sa pagkakarapat-dapat ko roon magbibiyaya rin Siya sa akin sa Kabilang-buhay. Talagang magpapabatid nga Kami sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh ng ginawa nilang kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at talagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng isang pagdurusang labis sa katindihan.
Kapag nagbiyaya si Allāh sa tao ng biyaya ng kalusugan, kagalingan, at tulad nito ay nalilingat ito sa pag-alaala sa Kanya at pagtalima sa Kanya, at nagtatalikod ng sarili nito dala ng pagpapakamalaki. Kapag may sumaling dito na isang karamdaman, karalitaan, at tulad niyan, ito ay may panalanging marami kay Allāh, na nagrereklamo ito sa Kanya sa anumang sumaling dito upang alisin Niya rito. Ito ay hindi nagpapasalamat sa Panginoon nito kapag nagbiyaya Siya rito at hindi nagtitiis sa pagsubok kapag sinubok Niya ito.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatambal na tagapasinungaling na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung nangyaring ang Qur’an na ito ay mula sa ganang kay Allāh, pagkatapos ay tumanggi kayong sumampalataya at nagpasinungaling kayo rito, magiging papaano ang kalagayan ninyo? Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang siya na nasa isang pagmamatigas sa katotohanan sa kabila ng paglitaw nito at kaliwanagan ng katwiran nito at lakas nito?"
Magpapakita Kami sa mga tagatangging sumampalataya ng Quraysh ng mga tanda Namin sa mga abot-tanaw ng lupa na sasakupin para sa mga Muslim at magpapakita kami sa kanila ng mga tanda Namin sa mga sarili nila sa pamamagitan ng pagsakop sa Makkah hanggang sa lumiwanag para sa kanila sa pamamagitan ng nag-aalis ng pagdududa, na ang Qur'ān na ito ay ang katotohanang walang pag-aalangan hinggil dito. Hindi ba nakasapat sa mga tagatambal na ang Qur'ān ay totoo dahil sa pagsaksi ni Allāh na ito ay mula sa ganang Kanya? Sino pa ang pinakadakila sa pagsasaksi kaysa kay Allāh? Kung sakaling nangyaring nagnanais sila ng katotohanan ay talaga sanang nagkasya sila sa pagsasaksi ng Panginoon nila.
Pansinin, tunay na ang mga tagatambal ay nasa isang pagdududa sa pakikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon dahil sa pagkakaila nila sa pagbubuhay na muli sapagkat sila ay hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay. Dahil doon, hindi sila naghahanda para roon sa pamamagitan ng gawang maayos. Pansinin, tunay na si Allāh sa bawat bagay ay nakasasaklaw sa kaalaman at kakayahan.