ترجمة سورة البروج

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة البروج باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Sumpa man sa langit na may mga konstelasyon,
sumpa man sa Araw na ipinangako,
sumpa man sa isang taga saksi at sa isang sinasaksihan
isinumpa ang mga kasamahan sa bambang
na [may] apoy na may mga panggatong,
noong sila sa tabi nito ay mga nakaupo
at habang sila, sa ginagawa nila sa mga mananampalataya, ay mga saksi.
At wala silang ipinaghinanakit sa mga ito maliban na sumampalataya ang mga ito kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Kapuri-puri,
na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Si Allāh, sa bawat bagay, ay Saksi.
Tunay na ang mga umusig sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya, pagkatapos hindi sila nagbalik-loob, ay ukol sa kanila ang pagdurusa sa Impiyerno at ukol sa kanila ang pagdurusa ng pagsusunog.
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Iyon ay ang pagkatamong malaki.
Tunay na ang daluhong ng Panginoon mo ay talagang matindi.
Tunay na Siya ay nagpapasimula at nagpapanauli.
At Siya ay ang Mapagpatawad, ang Mapagmahal,
ang May trono, ang Maluwalhati,
palagawa ng anumang ninanais Niya.
Nakarating ba sa iyo ang sanaysay hinggil sa mga kawal
ni Paraon at ng Thamūd?
Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang pagpapasinungaling,
samantalang si Allāh, mula sa likuran nila, ay nakasasaklaw.
Bagkus ito ay isang Qur’ān na maluwalhati,
na nasa isang Tablerong Pinag-iingatan.
Icon