ترجمة سورة النّاس

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
ترجمة معاني سورة النّاس باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم .
من تأليف: مركز تفسير للدراسات القرآنية .

Sabihin mo, O sugo: "Nagpapasanggalang ako sa Panginoon ng mga tao at nagpapakalinga ako sa Kanya,
na Hari ng mga tao, na gumagawa Siya sa kanila ng anumang niloloob Niya, na walang hari para sa kanila na iba pa sa Kanya,
na sinasamba nila ayon sa karapatan, na walang sinasamba para sa kanila ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya,
laban sa kasamaan ng demonyo na nagpupukol ng bulong niya sa tao kapag nalingat ito sa pag-alaala kay Allāh at nagpapahuli naman palayo rito kapag nakaalaala ito kay Allāh,
na nagpupukol ng bulong niya sa mga puso ng mga tao,
na siya ay nagiging kabilang sa mga tao at nagiging kabilang sa mga jinn."
Icon