ترجمة معاني سورة البلد
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
Sumusumpa si Allāh sa bayang pinakababanal na siyang Makkah Mukarramah -
at ikaw, o Sugo, ay pinahihintulutan sa anumang ginagawa mo rito gaya ng pagpatay sa sinumang naging karapat-dapat sa pagpatay at pagbihag sa sinumang naging karapat-dapat sa pagbihag -
at sumumpa si Allāh sa nag-anak sa sangkatauhan at sumumpa Siya sa isinupling mula rito na anak;
talaga ngang lumikha Kami sa tao na nasa pagpapagod at paghihirap dahil sa ipinagdurusa niya na mga kasawiangpalad sa Mundo.
Nagpapalagay ba ang tao na kapag nakagawa siya ng mga pagsuway ay walang nakakakaya sa kanya na isa man at walang maghihiganti sa kanya, kahit pa man ang Panginoon niya ang lumikha sa kanya?
Magsasabi siya: "Gumugol ako ng yamang marami, na nagkapatung-patong: ang isang bahagi nito sa ibabaw ng ibang bahagi."
Nag-aakala ba itong nakikipaghambugan ng ginugugol niya na si Allāh ay hindi nakakikita sa kanya at na siya ay hindi tutuusin sa yaman niya kung mula saan niya nakamit ito at kung sa ano niya ginugol ito?
Hindi ba Kami gumawa para sa kanya ng dalawang mata na nakakikita siya sa pamamagitan ng mga ito,
isang dila, at dalawang labi na nagsasalita siya sa pamamagitan ng mga ito?
Nagpakilala Kami sa kanya sa daan ng kabutihan at daan ng kabulaanan.
Siya ay hinihiling na lumampas sa balakid na nagpapahiwalay sa kanya sa Paraiso para matawid niya ito at malampasan niya ito.
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang balakid na kailangan niyang tawirin upang pumasok siya sa Paraiso?
Ito ay pagpapalaya sa isang alipin, lalaki man o babae,
o na magpakain sa isang araw na may taggutom na dumadalang ang pagkakaroon ng pagkain,
sa isang batang nawala ang ama nito, na sa kanya rito ay may pagkakaanak
o sa isang maralitang walang anumang minamay-ari.
Pagkatapos ay naging kabilang sa mga sumampalataya kay Allāh at nagtagubilin sa isa't isa sa kanila sa pagtitiis sa mga pagtalima, paglayo sa mga pagsuway, at sa pagsubok, at nagtagubilin sa isa't isa sa kanila sa pagkaawa sa mga lingkod ni Allāh.
Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang yaon ay ang mga kasamahan ng kanan.
Ang mga tumangging sumampalataya sa tanda Naming pinababa sa Sugo Namin ay ang mga kasamahan sa kaliwa.
Sa ibabaw nila ay may Apoy na nakasara sa Araw ng Pagbangon, na pagdurusahin sila roon.