ترجمة سورة الماعون

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة الماعون باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Nakakita ka ba sa nagpapasinungaling sa Paggantimpala?
Sapagkat iyon ay ang nagsasalya sa ulila,
at hindi nanghihikayat sa pagpapakain sa dukha.
Kaya kapighatian sa mga nagdarasal,
na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapabaya,
na sila ay nagpapakitang-tao,
at nagkakait ng munting tulong.
Icon