ترجمة سورة التين

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة التين باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Sumpa man sa igos at sa oliba,
sumpa man sa bundok ng Sinai,
sumpa man sa matiwasay na bayang ito;
talaga ngang lumikha Kami sa tao sa pinakamaganda sa paghuhubog.
Pagkatapos ay nagpabalik Kami sa kanya sa pinakamababa sa mga mababa,
maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sapagkat ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil.
Kaya ano ang nagpapasinungaling sa iyo, matapos nito, sa Paggantimpala?
Hindi ba si Allāh ay ang pinakahukom ng mga hukom?
Icon