ترجمة سورة الحجر

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة الحجر باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Alif. Lām. Rā'. Ang mga ito ay mga talata ng Aklat at isang Qur’ān na malinaw.
Marahil iibigin ng mga tumangging sumampalataya kung sakaling sila ay naging mga Muslim.
Hayaan mo silang kumain at magtamasa, at libangin sila ng [tagal ng] pag-asa sapagkat malalaman nila.
Hindi Kami nagpahamak sa anumang pamayanan malibang mayroon itong isang pagtatakdang nalalaman.
Hindi nauunahan ng anumang kalipunan ang taning nito at hindi sila nakapagpapahuli.
Nagsabi sila: "O ibinaba sa kanya ang paalaala, tunay na ikaw ay talagang isang baliw.
Bakit nga ba hindi ka nagdadala sa amin ng mga anghel kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat?"
Hindi Kami nagpapababa ng mga anghel malibang ayon sa katotohanan; at hindi sila, samakatuwid, mga aantalain.
Tunay na Kami ay nagpababa sa Paalaala, at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat.
Talaga ngang nagsugo Kami bago nang wala ka pa sa mga kapisanan ng mga sinauna.
Walang dumarating sa kanila na isang sugo malibang sila noon sa kanya ay nangungutya.
Gayon Kami nagpapasok nito sa mga puso ng mga salarin.
Hindi sila sumasampalataya rito samantalang lumipas na ang kalakaran sa mga sinauna.
Kung sakaling nagbukas Kami sa kanila ng isang pinto mula sa langit ay nanatili sila roon na umaakyat,
talaga sanang nagsabi sila: "Nilango lamang ang mga paningin namin, bagkus kami ay mga taong nagaway."
Talaga ngang naglagay Kami sa langit ng mga pulutong ng bituin.
Nag-ingat Kami rito laban sa bawat demonyong kasumpa-sumpa,
maliban sa sinumang nakanakaw ng pakadinig kaya nagpasunod Siya rito ng isang bulalakaw na malinaw.
Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matibay na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat bagay na balanse.
Gumawa Kami para sa inyo rito ng mga kabuhayan at sa sinumang hindi kayo sa kanya mga tagapagtustos.
Walang anumang bagay kundi nasa Amin ang mga lagakan nito, at hindi Kami nagpapababa nito kundi ayon sa sukat na nalalaman.
Nagsugo Kami ng mga hangin bilang mga tagapagpasemilya at nagpababa Kami mula sa langit ng tubig kaya nagpainom Kami sa inyo nito gayong kayo para rito ay hindi mga tagapag-imbak.
Tunay na Kami ay talagang mismong nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Kami ay ang Tagapagpamana.
Talaga ngang nakaalam Kami sa mga nauuna kabilang sa inyo at talaga ngang nakaalam Kami sa mga nahuhuli.
Tunay na ang Panginoon mo ay magtitipon sa kanila. Tunay na Siya ay Marunong, Maalam.
Talaga ngang lumikha Kami sa tao mula sa kumakalansing na tuyong luwad mula sa itim na putik na nabulok.
Ang jinn ay nilikha Namin ito bago pa man mula sa apoy ng nakapapasong hangin.
[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: "Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa kumakalansing na tuyong luwad mula sa itim na putik na nabulok."
Kaya nang nagawa Ko ito at nakaihip Ako rito mula sa kaluluwa Ko: "Yumukod kayo sa kanya bilang mga nakapatirapa."
Kaya nagpatirapa ang mga anghel sa kalahatan nila nang magkakasama,
maliban si Satanas; tumanggi siya na maging kasama ng mga tagapagpatirapa.
Nagsabi Siya: "O Satanas, ano ang mayroon sa iyo na hindi ka maging kasama sa mga tagapagpatirapa."
Nagsabi ito: "Hindi nangyaring ukol sa akin na magpatirapa sa isang mortal na nilikha Mo mula sa kumakalansing na tuyong luwad mula sa itim na putik na nabulok."
Nagsabi Siya: "Kaya lumabas ka mula riyan sapagkat tunay na ikaw ay pinagtabuyan,
at tunay na sumaiyo ang sumpa hanggang sa Araw ng Paggagantimpala."
Nagsabi ito: "Panginoon ko, kaya magpaantala Ka sa akin hanggang sa Araw na bubuhayin sila."
Nagsabi Siya: "Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga inaantala.
Hanggang sa Araw ng panahong nalalaman."
Nagsabi ito: "Panginoon ko, dahil nanlisya Ka sa akin, talagang mang-aakit nga ako sa kanila sa lupa at talagang manlilisya nga ako sa kanila nang magkakasama,
maliban sa mga lingkod Mo na kabilang sa kanila ang mga itinangi."
Nagsabi Siya: "Ito ay isang landasin sa Akin na tuwid.
Tunay na ang mga lingkod Ko ay walang ukol sa iyo na kapamahalaanan laban sa kanila, maliban sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga nalilisya.
Tunay na ang Impiyerno ay talagang ang tipanan nila nang magkakasama.
Taglay nito ay pitong pinto; para sa bawat pinto, mula sa kanila ay may isang bahaging itinalaga."
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal.
[Sasabihin:] "Pumasok kayo sa mga ito sa kapayapaan habang mga natitiwasay."
Magtatanggal Kami sa anumang nasa mga dibdib nila na anumang hinanakit bilang magkakapatid habang nasa mga trono samantalang mga nagkakaharapan.
Walang sasaling sa kanila roon na isang pagkapagal at hindi sila mula roon mga mapalalabas.
Magbalita ka sa mga lingkod Ko na Ako mismo ay ang Mapagpatawad, ang Maawain,
at na ang pagdurusa mula sa Akin ay ang pagdurusang masakit.
Magbalita ka sa kanila tungkol sa mga panauhin ni Abraham.
Noong pumasok sila sa kanya at nagsabi sila: "Kapayapaan" ay nagsabi naman siya: "Tunay na kami sa inyo ay mga nababagabag."
Nagsabi sila: "Huwag kang mabagabag; tunay na kami ay magbabalita ng nakalulugod sa iyo hinggil sa isang batang lalaking maalam."
Nagsabi siya: "Nagbalita ba kayo ng nakalulugod sa akin sa kabila na sumaling sa akin ang kagulangan? Kaya hinggil sa ano ang ibabalita ninyo na nakalulugod sa akin?"
Nagsabi sila: "Nagbalita kami ng nakalulugod sa iyo hinggil sa katotohanan kaya huwag kang maging kabilang sa mga nawawalan ng pag-asa."
Nagsabi siya: "At sino ang nawawalan ng pag-asa sa awa ng Panginoon niya maliban sa mga naliligaw?"
Nagsabi siya: "Kaya ano ang pakay ninyo, O mga isinugo?"
Nagsabi sila: "Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin,
maliban sa mag-anak ni Lot; tunay na kami ay mga magliligtas sa kanila nang sama-sama,
maliban sa maybahay niya. [Sinabi ni Allāh:] "Itinakda Namin: Tunay na siya ay talagang kabilang sa mga magpapaiwan."
Kaya noong dumating sa mag-anak ni Lot ang mga isinugo,
nagsabi siya: "Tunay na kayo ay mga taong hindi kilala."
Nagsabi sila: "Bagkus ay dumating kami sa iyo dala ang bagay na sila noon hinggil dito ay nag-aalinlangan.
Pumunta kami sa iyo dala ang katotohanan at tunay na kami ay talagang mga tapat.
Kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi. Sumunod ka sa mga likuran nila at walang lilingon kabilang sa inyo na isa man. Humayo kayo sa kung saan kayo uutusan."
Ipinaabot Namin sa kanya ang bagay na iyon: na ang pinag-ugatan ng mga ito ay puputulin kinaumagahan.
Dumating ang mga naninirahan sa lungsod na nagagalak.
Nagsabi siya: "Ang mga ito ay mga panauhin ko kaya huwag ninyo akong ipahiya.
Mangilag kayong magkasala kay Allāh at huwag ninyo akong dustain."
Nagsabi sila: "Hindi ba sinaway ka na namin laban sa mga nilalang?"
Nagsabi siya: "Ang mga ito ay mga babaing anak ko, kung kayo ay mga magsasagawa [ng kasal]."
Sumpa man sa buhay mo, tunay na sila ay talagang nasa kalanguan nila habang nag-aapuhap sila.
Kaya dinaklot sila ng sigaw sa pagsikat [ng araw].
Kaya ginawa Namin ang itaas nito na naging ibaba nito. Nagpaulan Kami sa kanila ng mga batong yari sa nanigas na luwad.
Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda ukol sa mga tagapaghinuha.
Tunay na ito ay talagang nasa isang landas na nananatili.
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda ukol sa mga mananampalataya.
Tunay na noon ang mga naninirahan sa kasukalan ay talagang mga tagalabag sa katarungan.
Kaya naghiganti Kami sa kanila. Tunay na ang dalawang [lungsod na] ito ay talagang nasa isang daanang malinaw.
Talaga ngang nagpasinungaling ang mga mamamayan ng Batuhan sa mga isinugo.
Nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda Namin ngunit sila noon sa mga ito ay mga tagaayaw.
Sila noon ay lumililok mula sa mga bundok ng mga bahay bilang mga matiwasay.
Kaya dinaklot sila ng sigaw kinaumagahan.
Kaya walang nagawa para sa kanila ang anumang nakakamit nila noon.
Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan. Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating kaya magpalampas ka nang pagpapalampas na marilag.
Tunay na ang Panginoon mo ay ang Palalikha, ang Maalam.
Talaga ngang nagbigay Kami sa iyo ng pitong inuulit-ulit at Dakilang Qur’ān.
Huwag ka ngang magpatagal ng mga mata mo sa anumang ipinatamasa Namin kabilang sa ilang uri mula sa kanila, huwag kang malungkot sa kanila, at magmababang-loob ka sa mga mananampalataya.
Sabihin mo: "Tunay na ako mismo ay ang tagapagbabalang malinaw,"
gaya ng nagpapababa Kami sa mga nagkahati-hati,
na mga nagturing sa Qur’ān bilang mga baha-bahagi.
Kaya sumpa man sa Panginoon mo, talaga ngang magtatanong Kami sa kanila nang sama-sama
tungkol sa anumang ginagawa nila noon.
Kaya maglantad ka sa ipinag-uutos sa iyo at umayaw ka sa mga tagapagtambal.
Tunay na Kami ay nakasapat sa iyo sa mga tagapangutya
na gumagawa kasama kay Allāh ng iba pang diyos, ngunit malalaman nila.
Talaga ngang nalalaman Naming ikaw ay napaninikipan ng dibdib mo dahil sa sinasabi nila.
Kaya magluwalhati ka kasabay ng papuri sa Panginoon mo at maging kabilang ka sa mga tagapagpatirapa.
Sambahin mo ang Panginoon mo hanggang sa pumunta sa iyo ang tiyak [na kamatayan].
Icon