ترجمة سورة الغاشية

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة الغاشية باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Nakarating ba sa iyo ang sanaysay ng Tagalukob?
May mga mukha sa Araw na iyon na nagpapakababa,
gumagawa, nagpapakapagal,
papasok ang mga ito sa isang Apoy na napakainit,
na paiinumin mula sa isang bukal na pagkainit-init.
Wala silang pagkain maliban sa mula sa isang matinik na halaman,
na hindi nagpapataba at hindi nakasasapat para sa gutom.
May mga mukha sa Araw na iyon na nagiginhawahan,
na dahil sa pinagpunyagian ng mga ito ay nalulugod,
sa isang harding mataas,
na hindi sila makaririnig doon ng isang nagkakaluskus-balungos.
Doon ay may bukal na dumadaloy.
Doon ay may mga kamang iniangat,
at may mga kopang nakalagay,
at may mga almohadon na nakahanay,
at mga alpombrang ikinalat.
Kaya hindi ba sila tumitingin sa mga kamelyo kung papaanong nilikha ang mga ito?
At sa langit kung papaanong inangat ito?
At sa mga bundok kung papaanong itinirik ang mga ito?
At sa lupa kung papaanong inilatag ito?
Kaya magpaalaala ka; ikaw ay isang tagapaalaala lamang.
Hindi ka sa kanila isang tagapanaig.
Subalit ang sinumang tumalikod at tumangging sumampalataya
ay pagdurusahin siya ni Allāh ng pagdurusang pinakamalaki.
Tunay na tungo sa Amin ang pag-uwi nila.
Pagkatapos tunay na sa Amin ang pagtutuos sa kanila.
Icon