ترجمة معاني سورة الإسراء باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج)
مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام
ﰡ
آية رقم 1
Napakamaluwalhati Niya na nagdala sa lingkod Niya, isang gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah] patungo sa Masjid Al-Aqsa [sa Herusalem], na pinagpala Namin ang palibot nito upang magpakita Kami sa kanya ng ilan sa mga tanda Namin. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.
آية رقم 2
Nagbigay Kami kay Moises ng aklat at ginawa Namin ito na isang patnubay para sa mga anak ni Israel, [na nag-uutos:] "Huwag kayong gumawa ng iba pa sa Akin bilang isang pinananaligan."
آية رقم 3
Mga supling ng mga dinala Namin kasama ni Noe, tunay na siya ay isang lingkod na mapagpasalamat.
آية رقم 4
Nagsiwalat Kami sa mga anak ni Israel sa Kasulatan: "Talagang manggugulo nga kayo sa lupa nang dalawang ulit at talagang magmamataas nga kayo nang pagmamataas na malaki."
آية رقم 5
Kaya kapag dumating ang pangako ng una sa dalawa ay magpapadala Kami sa inyo ng mga lingkod para sa Amin na mga may lakas na matindi at maghalughog sila sa kaloob-looban ng mga tahanan. Ito ay isang pangakong gagawin.
آية رقم 6
Pagkatapos ay magpapanumbalik Kami sa inyo ng pananaig sa kanila. Mag-aayuda Kami sa inyo ng mga yaman at mga anak. Gagawin Namin kayong higit na marami sa tao.
آية رقم 7
Kung nagmagandang-gawa kayo ay nagmagandang-gawa kayo para sa mga sarili ninyo at kung nagmasagwang-gawa kayo ay para sa mga ito. Kaya kapag dumating ang pangako ng huli upang magpasagwa sila sa mga mukha ninyo, upang pumasok sila sa Masjid kung paanong pumasok sila sa unang pagkakataon, at upang magwasak sila sa anumang nangibabaw sila ayon sa pagwasak [na lubos].
آية رقم 8
Marahil ang Panginoon ninyo ay maawa sa inyo. Kung babalik kayo ay babalik Kami. Gumawa Kami sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang isang kulungan.
آية رقم 9
Tunay na ang Qur’ān na ito ay nagpapatnubay kung anuman ang pinakaangkop at nagbabalita ng nakagagalak sa mga mananampalataya na gumagawa ng mga maayos, na ukol sa kanila ay isang pabuyang malaki,
آية رقم 10
at na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay naglaan Kami para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
آية رقم 11
Nanalangin ang tao ng masagwa gaya ng pagdalangin niya sa Kanya ng mabuti. Laging ang tao ay mapagmadali.
آية رقم 12
At ginawa Namin ang gabi at maghapon bilang dalawang tanda. Pumawi Kami sa tanda ng gabi at ginawa Namin ang tanda ng maghapon na nakapagpapakita upang makapaghanap kayo ng kabutihang-loob mula sa Panginoon ninyo at upang makaalam kayo sa bilang ng mga taon at pagtutuos. Ang bawat bagay ay niliwanag Namin ng anumang pagpapaliwanag.
آية رقم 13
Sa bawat tao ay nagdikit Kami ng gawain niya sa leeg niya at magpapalabas Kami para sa kanya sa Araw ng Pagbangon ng isang talaang matatagpuan niyang nakabuklat.
آية رقم 14
Basahin mo ang talaan mo; nakasapat ang sarili mo ngayong araw laban sa iyo bilang isang mapagtuos.
آية رقم 15
Ang sinumang napatnubayan ay napatnubayan lamang para sa sarili niya at ang sinumang naligaw ay naligaw lamang laban dito. Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba. Hindi Kami magpaparusa hanggang sa magpadala Kami ng isang sugo.
آية رقم 16
Kapag nagnais Kami na magpahamak ng isang pamayanan ay mag-uutos Kami sa mga nakaririwasa roon ngunit magpapakasuwail sila roon kaya magiging karapat-dapat doon ang hatol at wawasakin Namin iyon ng anumang pagwasak.
آية رقم 17
Kay rami ng nilipol Namin kabilang sa mga salinlahi mula ng matapos ni Noe. Nakasapat ang Panginoon mo sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang isang Tagabatid na Nakakikita.
آية رقم 18
Ang sinumang nagnanais ng panandalian ay magpapadali Kami para sa kanya rito ng loloobin Namin para sa kaninumang nanaisin Namin. Pagkatapos ay magtatalaga Kami para sa kanya ng Impiyerno na papasukin niya bilang isang pinupulaang pinalalayas.
آية رقم 19
Ang sinumang nagnais ng Kabilang-buhay at nagpunyagi ukol doon ng pagpupunyagi niyon habang siya ay isang mananampalataya, ang pagpupunyagi ng mga iyon ay pahahalagahan.
آية رقم 20
Sa bawat isa ay magpapalawig - sa mga ito at mga iyan - ng bigay ng Panginoon mo. Hindi nangyaring ang bigay ng Panginoon mo ay mapipigilan.
آية رقم 21
Tingnan mo kung papaano Kaming nagtangi sa iba sa kanila higit sa iba. Talagang ang Kabilang-buhay ay higit na malaki sa mga antas at higit na malaki sa pagkakatangi.
آية رقم 22
Huwag kang gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa sapagkat mauuwi kang isang pinupulaang itinatatwa.
آية رقم 23
Nag-utos ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba maliban sa Kanya at ng pagmamagandang-gawa sa mga magulang. Kung aabutan nga sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang mangusap sa kanilang dalawa ng nakasusuya at huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal.
آية رقم 24
At ibaba mo para sa kanila ang pakpak ng kababaang-loob bahagi ng pagkaawa at magsabi ka: "Panginoon ko, kaawaan Mo sila yayamang nag-alaga silang dalawa sa akin noong bata pa [ako]."
آية رقم 25
Ang Panginoon ninyo ay higit na nakaaalam sa anumang nasa mga sarili ninyo. Kung kayo ay magiging mga maayos, tunay na Siya sa mga nanunumbalik ay laging Mapagpatawad.
آية رقم 26
Magbigay ka sa may pagkakamag-anak ng karapatan nito, sa dukha, at sa kinapos sa daan. Huwag kang magwaldas ng anumang pagwawaldas.
آية رقم 27
Tunay na ang mga tagapagwaldas ay laging mga kapatid ng demonyo. Ang demonyo sa Panginoon niya ay laging mapagtangging magpasalamat.
آية رقم 28
Kung aayaw ka nga sa kanila sa pagmimithi ng awa mula sa Panginoon mo na inaasahan mo ay magsabi ka sa kanila ng isang pananalitang pinadali.
آية رقم 29
At huwag mong gawin ang kamay mo na nakagapos sa leeg mo at huwag kang mag-abot nito nang buong pag-abot sapagkat mauuwi kang isang sinisising nasaid.
آية رقم 30
Tunay na ang Panginoon mo ay nagpapaluwag ng panustos sa kaninumang niloloob Niya at nagpapagipit. Tunay na Siya sa mga lingkod Niya ay laging Tagabatid, Nakakikita.
آية رقم 31
Huwag ninyong patayin ang mga anak ninyo dala ng takot sa paghihirap; Kami ay magtutustos sa kanila at sa inyo. Tunay na ang pagpatay sa kanila ay laging isang pagkakamaling malaki.
آية رقم 32
Huwag kayong lumapit sa pangangalunya; tunay na ito ay laging isang mahalay at kay sagwa bilang landas.
آية رقم 33
Huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan. Ang sinumang napatay nang nalalabag sa katarungan ay nagtalaga nga Kami para sa katangkilik nito ng kapangyarihan ngunit huwag itong magmalabis kaugnay sa pagpatay. Tunay na siya ay laging maiaadya.
آية رقم 34
Huwag kayong lumapit sa yaman ng ulila malibang ayon sa pinakamaganda, hanggang sa umabot siya sa kagulangan niya. Tumupad kayo sa tipan; tunay na ang tipan ay laging pananagutan.
آية رقم 35
Magpakalubus-lubos kayo sa pagtatakal kapag magtatakal kayo at tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa kauuwian.
آية رقم 36
Huwag kang tumalunton sa anumang wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na ang pandinig, ang paningin, at ang puso, ang bawat isa sa mga iyon ay matatanong.
آية رقم 37
Huwag kang maglakad sa lupa nang may kapalaluan; tunay na ikaw ay hindi mo mapupunit ang lupa at hindi aabot sa mga bundok sa katangkaran.
آية رقم 38
Lahat ng iyon, ang masagwa niyon sa ganang Panginoon mo ay laging kinasusuklaman.
آية رقم 39
Iyon ay kabilang sa ikinasi sa iyo ng Panginoon mo na karunungan. Huwag kang gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa sapagkat matatapon ka sa Impiyerno bilang isang sinisising pinalalayas.
آية رقم 40
Kaya ba humirang sa inyo ang Panginoon ninyo sa [pagkakaroon ng] mga anak na lalaki at gumawa Siya sa mga anghel bilang mga babae? Tunay na kayo ay talagang nagsasabi ng isang pananalitang sukdulan!
آية رقم 41
Talaga ngang puspusang naglinaw Kami sa Qur’ān na ito upang makapag-alaala sila ngunit walang naidadagdag ito sa kanila kundi pagkalayo.
____________________
Talaga ngang nagsari-sari Kami sa Qur’ān na ito [ng nilalaman] upang makapag-alaala sila ngunit walang naidadagdag ito sa kanila kundi pag-ayaw.
____________________
Talaga ngang nagsari-sari Kami sa Qur’ān na ito [ng nilalaman] upang makapag-alaala sila ngunit walang naidadagdag ito sa kanila kundi pag-ayaw.
آية رقم 42
Sabihin mo: "Kung sakaling nangyaring kasama sa Kanya ay may mga diyos gaya ng sinasabi nila, samakatuwid, talaga sanang naghangad sila tungo sa May trono ng isang landas."
آية رقم 43
ﮋﮌﮍﮎﮏﮐ
ﮑ
Napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya para sa sinasabi nila ayon sa kataasang malaki!
آية رقم 44
Nagluluwalhati sa Kanya ang pitong langit, ang lupa, at ang sinumang nasa mga ito. Walang anumang bagay malibang nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Kanya ngunit hindi ninyo nauunawaan ang pagluluwalhati nila. Tunay na Siya ay laging Matimpiin, Mapagpatawad.
آية رقم 45
Kapag bumigkas ka ng Qur’ān ay naglalagay Kami sa pagitan mo at ng mga hindi sumampalataya sa Kabilang-buhay ng isang tabing na nakatakip.
آية رقم 46
At naglagay Kami sa mga puso nila ng mga panakip sa pag-unawa nila nito at sa mga tainga nila naman ng pagkabingi. Kapag bumanggit ka sa Panginoon mo - tanging sa Kanya - sa Qur’ān ay bumabaling sila sa mga likuran nila dahil sa pag-ayaw.
آية رقم 47
Kami ay higit na nakaaalam sa pinakikinggan nila noong nakikinig sila sa iyo at noong sila ay natatapatan noong nagsasabi ang mga tagalabag sa katarungan: "Wala kayong sinusunod maliban sa isang lalaking nagaway."
آية رقم 48
Tingnan mo kung papaano silang naglahad para sa iyo ng mga paghahalimbawa kaya naligaw sila at hindi sila nakakaya sa isang daan.
آية رقم 49
Nagsabi sila: "Kapag kami ba ay naging mga buto at durug-durog, tunay na kami ba ay talagang mga bubuhaying muli bilang bagong nilikha?"
آية رقم 50
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖ
ﭗ
Sabihin mo: "Maging bato kayo o bakal
آية رقم 51
o nilikhang kabilang sa dinadakila sa mga dibdib ninyo," at magsasabi sila: "Sino ang magpapanumbalik sa amin?" Sabihin mo: "Ang lumalang sa inyo sa unang pagkakataon," at ipaiiling-iling nila sa iyo ang mga ulo nila at magsasabi sila: "Kailan iyon?" Sabihin mo: "Marahil ito ay maging malapit na:
آية رقم 52
sa araw na tatawag Siya sa inyo kaya tutugon naman kayo kalakip ng pagpupuri sa Kanya at mag-aakala kayong hindi kayo nanatili malibang sa kaunting [sandali]."
آية رقم 53
Sabihin mo sa mga lingkod Ko na sabihin nila ang siyang higit na maganda. Tunay na ang demonyo ay nagpapasigalot sa pagitan nila. Tunay na ang demonyo, para sa tao, ay laging isang kaaway na malinaw.
آية رقم 54
Ang Panginoon ninyo ay higit na nakaaalam sa inyo. Kung loloobin Niya ay kaaawaan Niya kayo, o kung loloobin Niya ay pagdurusahin Niya kayo. Hindi Kami nagsugo sa iyo sa kanila bilang isang katiwala.
آية رقم 55
Ang Panginoon mo ay higit na nakaaalam sa sinumang nasa mga langit at mga lupa. Talaga ngang nagtangi Kami sa iba sa mga propeta higit sa iba pa, at nagbigay Kami kay David ng Salmo.
آية رقم 56
Sabihin mo: "Dumalangin kayo sa mga inaakala ninyo [na mga diyos] bukod pa sa Kanya sapagkat hindi sila nakakakaya sa pagpawi ng pinsala palayo sa inyo ni ng paglilipat."
آية رقم 57
Yaong mga dinadalanginan nila ay naghahangad tungo sa Panginoon nila ng pampalapit, kung alin sa kanila ang pinakamalapit, umaasa sa awa Niya, at nangangamba sa pagdurusa mula sa Kanya. Tunay na ang parusa ng Panginoon mo ay laging pinanghihilakbutan.
آية رقم 58
Walang anumang pamayanan malibang Kami ay maglilipol nito bago ng Araw ng Pagbangon o magpaparusa roon ng isang pagdurusang matindi. Laging iyon sa talaan ay nakatitik.
آية رقم 59
Walang pumigil sa Amin na magsugo Kami ng mga tanda malibang nagpasinungaling sa mga ito ang mga sinauna. Nagbigay Kami sa [lipi ng] Thamūd ng dumalagang kamelyo bilang isang [himalang] nakikita ngunit lumabag sila sa katarungan dito. Hindi Kami nagsusugo ng mga tanda kundi bilang isang pagpapangamba.
آية رقم 60
[Banggitin] noong nagsabi Kami sa iyo: "Tunay na ang Panginoon mo ay sumaklaw sa mga tao." Hindi Kami gumawa sa pangitaing ipinakita Namin sa iyo malibang bilang isang pagsubok para sa mga tao at sa isinumpang punong-kahoy [na nasaad] sa Qur’ān. Nagpapangamba Kami sa kanila ngunit walang idinadagdag ito sa kanila kundi isang pagmamalabis na malaki.
آية رقم 61
[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan," at nagpatirapa naman sila maliban kay Iblis na nagsabi: "Magpapatirapa ba ako para sa kanya na nilikha Mo lang mula sa putik?"
آية رقم 62
Nagsabi ito: "Nakita Mo naman ba itong pinarangalan Mo higit sa akin? Talagang kung aantalain Mo ako hanggang sa Araw ng Pagbangon ay talagang mananaig nga ako sa mga supling niya maliban sa kakaunti."
آية رقم 63
Nagsabi Siya: "Umalis ka at saka ang sinumang sumunod sa iyo kabilang sa kanila, sapagkat tunay na ang Impiyerno ay ang gantimpala sa inyo bilang isang gantimpalang pinasagana.
آية رقم 64
Manulsol ka sa sinumang makakaya mo kabilang sa kanila sa pamamagitan ng tinig mo. Sumigaw ka sa kanila sa pamamagitan ng nangangabayong hukbo mo at naglalakad na hukbo mo. Makilahok ka sa kanila sa mga yaman at mga anak. Mangako ka sa kanila." Walang ipinangangako sa kanila ang demonyo kundi pagkalinlang.
آية رقم 65
Tunay na ang mga lingkod Ko ay hindi ka magkakaroon sa kanila ng kapamahalaanan. Nakasapat na ang Panginoon mo bilang Katiwala.
آية رقم 66
Ang Panginoon mo ay ang nagpapausad para sa inyo ng mga daong sa dagat upang maghanap kayo ng kabutihang-loob Niya. Tunay na Siya sa inyo ay laging Maaawain.
آية رقم 67
Kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan sa dagat ay nawawala ang mga dinadalanginan ninyo maliban sa Kanya ngunit nang nagligtas Siya sa inyo papunta sa kalupaan ay umaayaw kayo. Laging ang tao ay mapagtangging magpasalamat.
آية رقم 68
Kaya natiwasay ba kayo na baka magpalamon Siya sa inyo sa gilid ng katihan o baka magpadala Siya sa inyo ng isang unos ng mga bato, pagkatapos ay hindi kayo nakatatagpo para sa inyo ng katiwala?
آية رقم 69
O natiwasay ba kayo na baka magpanumbalik Siya sa inyo roon [sa dagat] sa ibang pagkakataon at magsugo Siya sa inyo ng isang buhawing mula sa hangin at lumunod Siya sa inyo dahil tumanggi kayong sumampalataya, pagkatapos ay hindi kayo makatagpo para sa inyo laban sa Amin ng isang tagaganti?
آية رقم 70
Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi.
آية رقم 71
[Banggitin mo] ang araw na tatawag Kami sa bawat [pangkat ng] mga tao sa pamamagitan ng pinuno nila. Kaya ang mga bibigyan ng talaan nila sa kanang kamay nila, ang mga iyon ay magbabasa ng talaan nila at hindi sila lalabagin sa katarungan ni katiting man.
آية رقم 72
Ang sinumang dito [sa Mundo] ay bulag [ang puso], siya sa Kabilang-buhay ay bulag at higit na ligaw sa landasin.
آية رقم 73
Tunay na halos sila ay talagang tutukso sa iyo palayo sa ikinasi Namin sa iyo upang gumawa-gawa ka laban sa Amin ng iba pa rito [sa ikinasi]; at kung gayon ay talaga sanang gumawa sila sa iyo bilang isang matalik na kaibigan.
آية رقم 74
Kung hindi dahil na nagpatatag Kami sa iyo, talaga ngang halos ikaw ay sumandal sa kanila nang bahagyang kaunti.
آية رقم 75
Samakatuwid [kung nangyari], talaga sanang nagpalasap Kami sa iyo ng ibayong [pagdurusa] sa buhay at ibayong [pagdurusa] sa pagkamatay. Pagkatapos ay hindi ka makatatagpo para sa iyo laban sa Amin ng isang mapag-adya.
آية رقم 76
Tunay na halos sila ay talagang nakasusulsol sa iyo [na lumisan] mula sa lupain [ng Makkah] upang magpalabas sila sa iyo mula rito; at kung gayon ay hindi sila mananatili pagkaraan mo maliban sa kaunting [panahon].
آية رقم 77
[Gayon] ang kalakaran sa isinugo Namin na nauna sa iyo kabilang sa mga sugo Namin. Hindi ka makatatagpo para sa kalakaran Namin ng isang pagpapabago.
آية رقم 78
Panatilihin mo ang pagdarasal mula sa paglilis [sa rurok] ng araw hanggang sa pagdilim ng gabi at ang [pagbigkas ng] Qur’ān sa madaling-araw. Tunay na ang [pagbigkas ng] Qur’ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel].
آية رقم 79
Mula sa gabi ay magdasal ka sa gabi roon bilang isang karagdagang dasal para sa iyo; marahil buhayin ka ng Panginoon mo sa isang katayuang pinapupurihan.
آية رقم 80
Sabihin mo: "Panginoon ko, magpapasok Ka sa akin sa pinapasukan ng katapatan, magpalabas Ka sa akin sa nilalabasan ng katapatan, at gumawa Ka para sa akin mula sa nasa Iyo ng isang kapamahalaang mapag-adya."
آية رقم 81
Sabihin mo: "Dumating ang katotohanan at naparam ang kabulaanan. Tunay na ang kabulaanan ay laging napaparam."
آية رقم 82
Nagpapababa Kami mula sa Qur’ān ng isang pagpapagaling at isang awa para sa mga mananampalataya, at walang naidadagdag ito sa mga tagalabag sa katarungan kundi isang pagkalugi.
آية رقم 83
Kapag nagbiyaya Kami sa tao ay umaayaw siya at naglalayo ng sarili niya. Kapag sumaling sa kanya ang kasamaan, siya ay walang-pag-asa.
آية رقم 84
Sabihin mo: "Bawat isa ay gumagawa ayon sa pamamaraan niya, ngunit ang Panginoon ninyo ay higit na nakaaalam sa sinumang siya ay higit na napapatnubayan sa landas."
آية رقم 85
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa kaluluwa. Sabihin mo: "Ang kaluluwa ay kabilang sa nauukol sa Panginoon ko at hindi kayo binigyan ng kaalaman kundi kakaunti."
آية رقم 86
Talagang kung niloob Namin ay talaga sanang mag-aalis nga Kami ng ikinasi Namin sa iyo, pagkatapos ay hindi ka makatatagpo para sa iyo kaugnay rito laban sa Amin ng isang katiwala,
آية رقم 87
maliban bilang awa mula sa Panginoon mo. Tunay na ang kagandahang-loob Niya laging sa iyo ay malaki.
آية رقم 88
Sabihin mo: "Talagang kung nagkaisa ang tao at ang jinn na gumawa ng tulad ng Qur’ān na ito ay hindi sila makagagawa ng tulad nito at kahit pa man ang iba sa kanila ay katulong ng iba pa."
آية رقم 89
Talaga ngang nagsari-sari Kami para sa mga tao sa Qur’ān na ito ng bawat paghahalimbawa ngunit tumanggi [sa anuman] ang higit na marami sa mga tao maliban sa pagkawalang-pananampalataya.
آية رقم 90
Nagsabi sila: "Hindi kami maniniwala sa iyo hanggang sa magpabulwak ka para sa amin mula sa lupa ng isang batis;
آية رقم 91
o mangyaring mayroon kang isang hardin ng datiles at ubas, at saka magpabulwak ka ng mga ilog sa gitna ng mga ito nang [masaganang] pagpapabulwak;
آية رقم 92
o magpabagsak ka ng langit, gaya ng pinagsasabi mo sa amin bilang tipak-tipak o magdala ka kay Allāh at sa mga anghel nang harapan;
آية رقم 93
o mangyaring mayroon kang isang bahay na yari sa ginto o umakyat ka sa langit at hindi kami maniniwala sa pag-akyat mo hanggang sa magpababa ka sa amin ng isang aklat na babasahin namin." Sabihin mo: "Napakamaluwalhati ng Panginoon ko; walang iba ako kundi isang mortal na sugo."
آية رقم 94
Walang pumigil sa mga tao na maniwala sila, noong dumating sa kanila ang patnubay, kundi na nagsabi sila: "Nagpadala ba si Allāh ng isang mortal na sugo?"
آية رقم 95
Sabihin mo: "Kung sakaling sa lupa ay may mga Anghel na naglalakad na mga napapanatag ay talaga sanang nagpababa Kami sa kanila mula sa langit ng isang Anghel na sugo."
آية رقم 96
Sabihin mo: "Nakasapat si Allāh bilang saksi sa pagitan ko at ninyo. Tunay na Siya, laging sa mga lingkod Niya, ay Mapagbatid, Nakakikita."
آية رقم 97
Ang sinumang pinapatnubayan ni Allāh, siya ay ang napapatnubayan; ngunit ang sinumang pinaliligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para sa kanila ng mga katangkilik bukod pa sa Kanya. Magtitipon Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon [na kinakaladkad] sa mga mukha nila na mga bulag, mga pipi, at mga bingi. Ang kanlungan nila ay Impiyerno, na sa tuwing nanghihina ay nagdaragdag Kami sa kanila ng liyab.
آية رقم 98
Iyon ay ganti sa kanila dahil sila ay tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin at nagsabi sila: "Kapag kami ba ay naging mga buto at pira-piraso, tunay na kami ba ay talagang bubuhaying muli bilang nilikhang bago?"
آية رقم 99
Hindi ba nila nakita na si Allāh na lumikha sa mga langit at lupa ay nakakakaya sa paglikha ng tulad nila. Gumawa Siya para sa kanila ng isang taning na walang pag-aalinlangan hinggil dito ngunit tumanggi [sa anuman] ang mga tagalabag sa katarungan maliban sa pagkawalang-pananampalataya.
آية رقم 100
Sabihin mo: "Kung sakaling kayo ay nagmamay-ari ng mga imbakan ng awa ng Panginoon ko, kung gayon talaga sanang nagkait kayo dala ng takot sa paggugol." Laging ang tao ay gahaman.
آية رقم 101
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng siyam na tandang malinaw, kaya magtanong ka sa mga angkan ni Israel noong dumating siya sa kanila at nagsabi naman sa kanya si Paraon: "Tunay na ako ay nagpapalagay sa iyo, O Moises, na nagaway."
آية رقم 102
Nagsabi siya: "Talaga ngang nalaman mong walang nagpababa sa mga ito kundi ang Panginoon ng mga langit at lupa bilang mga katunayan. Tunay na ako ay talagang nakatitiyak na ikaw, O Paraon, ay napaririwara."
آية رقم 103
Kaya nagnais siyang manulsol sa kanila paalis sa lupain, kaya nilunod Namin siya at sinumang kasabay niya nang magkasama.
آية رقم 104
Nagsabi Kami matapos niya sa mga angkan ni Israel: "Tumahan kayo sa lupain at kapag dumating ang pangako ng Kabilang-buhay, magdadala Kami sa inyo nang magkahalo."
آية رقم 105
Kalakip ng katotohanan nagbaba Kami nito at kalakip ng katotohanan bumaba ito. Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang isang tagapagbalita ng nakalulugod at isang tagapagbabala.
آية رقم 106
Isang Qur’ān na nagbaha-bahagi Kami nito upang bigkasin mo ito sa mga tao sa mga yugto at nagpababa Kami nito nang [unti-unting] pagpapababa.
آية رقم 107
Sabihin mo: "Sumampalataya kayo sa [Qur’ān na] ito o huwag kayong sumampalataya." Tunay na ang mga binigyan ng kaalaman bago nito, kapag binibigkas ito sa kanila, ay nagsusubsob [sila] ng mga mukha, na mga nakapatirapa
آية رقم 108
at nagsasabi: "Napakamaluwalhati ng Panginoon namin; tunay na laging ang pangako ng Panginoon namin ay talagang magagawa."
آية رقم 109
ﮃﮄﮅﮆﮇﮈ
ﮉ
Nagsusubsob sila ng mga mukha habang umiiyak at nakadaragdag ito sa kanila ng kataimtiman.
آية رقم 110
Sabihin mo: "Dumalangin kayo kay Allāh o dumalangin kayo sa Napakamaawain; sa alin man kayo dumadalangin, taglay Niya ang mga pangalang pinakamagaganda. Huwag kang magpaingay sa dasal mo at huwag kang bumulong nito. Maghangad ka sa pagitan niyon ng isang [katamtamang] landas."
آية رقم 111
Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na hindi gumawa ng anak, hindi nangyaring mayroon Siyang katambal sa paghahari Niya, at hindi nangyaring mayroon Siyang katangkilik dahil sa kaabahan. Dumakila ka sa Kanya nang [lubos na] pagdakila.
تقدم القراءة