ترجمة سورة القدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة القدر باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Tunay na Kami ay nagpababa nito sa Gabi ng Pagtatakda.
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Gabi ng Pagtatakda?
Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan.
Nagbababaan ang mga Anghel at ang Espiritu rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila dahil sa bawat utos.
Kapayapaan – ito ay hanggang sa paglitaw ng madaling-araw.
Icon