ﰡ
Napakadakila at dumami ang kabutihan ng nagpababa sa Qur'ān - bilang isang tagapaghiwalay sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan - sa Lingkod Niya at Sugo Niyang si Muḥammad - ang pagpapala at ang pangangalaga ay sumakanya - upang ito ay maging isang sugo sa dalawang pangunahing nilikha, ang tao at ang jinn, bilang pagpapangamba sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh,
na ukol sa Kanya - tanging sa Kanya - ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa, hindi gumawa ng anak, at hindi nagkaroon ng katambal sa paghahari Niya. Lumikha Siya sa lahat ng mga bagay at nagtakda Siya sa paglikha sa mga ito alinsunod sa hinihiling ng kaalaman Niya at karunungan Niya ayon sa isang pagtatakda, na lahat ay alinsunod sa naaangkop.
Gumawa ang mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh ng mga sinasambang hindi lumilikha ng anumang maliit o malaki samantalang sila ay nililikha sapagkat lumikha sa kanila si Allāh mula sa kawalan. Hindi sila nakakakaya sa pagtulak ng pinsala palayo sa mga sarili nila ni sa paghatak sa pakinabang para sa mga ito. Hindi sila nakakakaya sa pagbibigay-kamatayan sa isang buhay ni sa pagbibigay-buhay sa isang patay. Hindi sila nakakakaya sa pagbubuhay na muli sa mga patay mula sa mga libingan ng mga ito.
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya: "Walang iba ang Qur'ān na ito kundi isang kasinungalingang nilikha-likha ni Muḥammad at iniugnay niya ito bilang isang paninirang-puri kay Allāh. May tumulong sa kanya sa paglikha-likha nito na mga ibang tao." Ngunit gumawa-gawa ang mga tagatangging sumampalataya na ito ng isang pananalitang bulaan sapagkat ang Qur'ān ay Salita ni Allāh. Hindi maaaring makagawa ang tao ni ang jinn ng tulad nito.
Nagsabi ang mga tagapagpasinungaling na ito sa Qur'ān: "Ang Qur'ān ay mga pag-uusap ng mga sinauna at anumang isinatitik nila na mga kabulaanan. Nangopya ng mga ito si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sapagkat ang mga ito ay binabasa sa kanya sa simula ng maghapon at sa wakas nito.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling na ito: "Nagbaba ng Qur'ān si Allāh na nakaaalam sa bawat bagay sa mga langit at lupa. Hindi ito nilikha-likha gaya ng inakala ninyo." Pagkatapos ay nagsabi siya habang nagpapaibig sa kanila sa pagbabalik-loob: "Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila."
Nagsabi ang mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling sa Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ano ang mayroon dito sa nag-aangking siya ay sugo mula sa ganang kay Allāh, na kumakain ng pagkain kung paanong kumakain ang iba pa sa kanya na mga tao, at naglalakad sa mga palengke sa paghahanap ng kabuhayan? Bakit nga kaya hindi nagbaba si Allāh kasama sa kanya ng isang anghel na magiging kapisan niya habang nagpapatotoo sa kanya at umaalalay sa kanya?
O magbababa sa kanya ng isang kayamanan mula sa langit, o magkakaroon siya ng isang hardin na kakain siya mula sa mga bunga niyon kaya magpapasapat ito para maglakad pa siya sa mga palengke at maghanap ng panustos?" Nagsabi ang mga tagalabag sa katarungan: "Hindi kayo sumusunod, o mga mananampalataya, sa isang sugo. Sumusunod lamang kayo sa isang lalaking napanaigan ang pag-iisip niya dahilan sa panggagaway."
Tumingin ka, O Sugo, talagang magtataka ka sa kanila kung papaanong naglarawan sila sa iyo ng mga paglalarawang bulaan. Nagsabi silang manggagaway ka. Nagsabi silang nagaway ka. Nagsabi silang baliw ka. Naligaw sila dahilan doon palayo sa katotohanan sapagkat hindi sila nakakakaya sa pagtahak sa isang daan para sa kapatnubayan at hindi sila nakakakaya [na magkaroon] ng isang landas sa pagtuligsa sa katapatan mo at pagkamapagkakatiwalaan mo.
Napakamapagpala Siya na kung niloob Niya ay gumawa Siya para sa iyo ng higit na mabuti kaysa sa iminungkahi nila sa iyo sa pamamagitan ng paggawa para sa iyo sa Mundo ng mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito. Ang mga punong-kahoy ng mga ito ay kakainan mo ng mga bunga ng mga ito. Gagawa Siya para sa iyo ng mga palasyong titirahan mo habang pinagiginhawa.
Hindi namutawi mula sa kanila ang namutawing mga salita dala ng paghahangad sa katotohanan at paghahanap ng patotoo, bagkus ang resulta ay na sila ay nagpasinungaling sa Araw ng Pagbangon. Naghanda Kami para sa sinumang nagpasinungaling sa Araw ng Pagbangon ng sukdulang apoy na matindi ang paglagablab.
Kapag nakatingin ang Apoy sa mga tagatangging sumampalataya habang sila ay inihahatid sa kanya mula sa isang pook na malayo, makaririnig sila para rito ng pagngingitngit at pagsinghal,at nakakagambalang tinig dahil sa tindi ng galit sa kanila
Kapag itinapon ang mga tagatangging sumampalataya na ito sa Impiyerno sa isang pook na masikip mula roon habang nakaugnay ang mga kamay nila sa mga leeg nila sa pamamagitan ng mga tanikala ay mananawagan sila laban sa mga sarili nila ng pagkapahamak sa pag-asang makawala mula roon.
Huwag kayong manawagan, o mga tagatangging sumampalataya, ngayong Araw ng pagkapahamak na nag-iisa; manawagan kayo ng pagkapahamak na marami, subalit hindi sasagot sa inyo sa hinihiling ninyo, bagkus mananatili kayo sa pagdurusang masakit bilang mga mamamalagi [roon].
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang nabanggit na iyon ba na pagdurusang inilarawan sa inyo ay higit na mabuti o ang hardin ng kawalang-hanggan na namamalagi ang ginhawa niyon at hindi napuputol magpakailanman?" Ito ang ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag sa pagkakasala kabilang sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, na ukol sa kanila ay isang gantimpala at isang balikang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon.
Ukol sa kanila sa harding ito ang anumang niloloob nila na ginhawa. Laging iyon kay Allāh ay isang pangakong hinihingi sa Kanya ng mga lingkod Niyang mga tagapangilag sa pagkakasala. Ang pangako ni Allāh ay nagkakatotoo sapagkat Siya ay hindi sumisira sa naipangako.
[Banggitin] ang Araw na titipunin ni Allāh ang mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling at titipunin Niya ang sinasamba nila bukod pa sa kay Allāh kaya magsasabi Siya sa mga sinasamba bilang paninisi sa mga tagasamba nila: "Kayo ba ay nagpaligaw sa mga lingkod Ko sa pamamagitan ng pag-uutos ninyo sa kanila na sumamba sila sa inyo o sila ay naligaw dahil sa pagkukusa ng mga sarili nila?"
Nagsabi ang mga sinasamba: "Nagpawalang-kapintasan Ka, Panginoon namin, para magkaroon Ka ng katambal! Hindi naaangkop sa amin na gumawa Kami bukod pa sa Iyo ng mga tagatangkilik na tatangkilikin namin kaya papaano kaming mag-aanyaya sa mga lingkod Mo na sumamba sila sa amin bukod pa sa Iyo? Subalit pinagtamasa Mo ang mga tagapagtambal na ito ng mga minamasarap sa Mundo at pinagtamasa Mo ang mga magulang nila noong wala pa sila bilang pagpapain sa kanila hanggang sa nakalimutan nila ang paalaala Mo kaya sumamba sila sa iba pa sa Iyo. Sila noon ay mga taong napahamak dahilan sa kalumbayan nila."
Magpapasinungaling nga sa inyo, o mga tagapagtambal, ang mga sinamba ninyo bukod pa kay Allāh kaugnay sa pinagsasabi ninyo hinggil sa kanila. Hindi kayo makakakaya ng pagtulak sa pagdurusa palayo sa mga sarili ninyo ni ng pag-aadya sa mga ito dahil sa kawalang-kakayahan ninyo. Ang sinumang lalabag sa katarungan kabilang sa inyo, O mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pagtatambal kay Allāh ay magpapatikim Kami sa kanya ng isang pagdurusang mabigat tulad ng ipinatikim Namin sa nabanggit.
Hindi Kami nagpadala sa una sa iyo, o Sugo, ng anumang mga isinugo malibang bilang mga tao, na sila noon ay kumakain ng pagkain at lumalakad sa mga palengke. Ikaw ay hindi isang pasimula sa mga sugo kaugnay roon. Gumawa Kami sa ilan sa inyo, o mga tao, para sa iba pa bilang isang pagsusulit sa pagkayaman at karalitaan, at sa kalusugan at karamdaman dahilan sa pagkakaiba-ibang ito. Makatitiis ba kayo sa isinubok sa inyo para gumantimpala si Allāh sa pagtitiis ninyo? Laging ang Panginoon mo ay Nakakikita sa sinumang nagtitiis, sinumang hindi nagtitiis, sinumang tumatalima sa Kanya, at sinumang sumusuway sa Kanya.
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya na hindi umaasa sa pakikipagkita sa Amin at hindi natatakot sa pagdurusang dulot Namin: "Bakit nga kaya hindi nagbaba si Allāh sa amin ng mga anghel para magpabatid sa amin tungkol sa katapatan ni Muḥammad o makasaksi kami sa Panginoon namin sa mata para magpabatid Siya sa amin niyon?" Talaga ngang bumigat ang pagmamalaki sa mga sarili ng mga ito hanggang sa pumigil ito sa kanila sa pananampalataya at lumampas sila dahil sa sabi nila sa hangganang ito sa kawalang-pananampalataya at pagpapakalabis.
Sa Araw na mapagmamasdan ng mga tagatangging sumampalataya ang mga anghel sa sandali ng kamatayan nila, sa Barzakh, sa sandali ng pagbuhay sa kanila, kapag inihatid sila para sa pagtutuos, at kapag papasok sila sa Apoy ay walang balitang nakagagalak para sa kanila sa mga kalagayang iyon, na salungat sa mga mananampalataya, at magsasabi sa kanila ang mga anghel: "Bawal, ipinagbabawal sa inyo ang nakalulugod na balita mula kay Allāh!"
Magsasadya Kami sa anumang ginawa ng mga tagatangging sumampalataya sa Mundo na gawain ng pagpapakabuti at kabutihan, at magtatalaga Kami rito sa kawalang-saysay nito at kawalan ng pakinabang nito dahilan sa kawalang-pananampalataya nila tulad ng alikabok na kumakalat-kalat, na nakikita ng nakatingin sa sinag ng araw na pumapasok sa durungawan.
Ang mga mananampalataya, na mga maninirahan sa Paraiso sa Araw na iyon, ay higit na mainam sa pinananatilihan at higit na maganda sa lugar ng pahinga sa oras ng pantanghaling pag-idlip nila sa Mundo kaysa sa mga tagatangging sumampalataya na ito. Iyon ay dahil sa pananampalataya nila kay Allāh at gawa nilang maaayos.
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na nagkakabiyak-biyak ang langit sa mga puting ulap na manipis at pabababain ang mga anghel sa lupa ng Tipunan sa maraming pagpapababa dahil sa dami nila.
Ang paghahari na paghaharing totoo na napagtibay sa Araw ng Pagbangon ay ukol sa Pinakamaawain - kaluwalhatian sa Kanya. Ang Araw na iyon sa mga tagatangging sumampalataya ay magiging mahirap, na salungat sa mga mananampalataya sapagkat iyon ay madali sa kanila.
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na dahilan sa pagtigil sa pagsunod sa Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - kakagat ang tagalabag sa katarungan sa mga kamay niya dahil sa tindi ng pagsisisi, na nagsasabi: "O kung sana ako ay sumunod sa Sugo sa inihatid niya mula sa ganang Panginoon niya at tumahak kasama sa kanya sa daan patungo sa kaligtasan.
Magsasabi siya dahil sa tindi ng panghihinayang habang dumadalangin ng kapighatian laban sa sarili niya: O kapighatian sa akin! Kung sana ako ay hindi gumawa sa tagatangging sumampalataya na si Polano bilang isang kaibigan.
Talaga ngang nagpaligaw sa akin itong kaibigang tagatangging sumampalataya palayo sa pag-alaala sa Qur'ān matapos na umaabot ito sa akin sa pamamaraan ng Sugo. Laging ang demonyo sa tao ay madalas magkanulo." Kapag may bumabang mga ligalig sa tao ay nagtatatwa ang demonyo sa kanya.
Nagsabi ang Sugo sa araw na iyon habang dumaraing sa kalagayan ng mga kababayan niya: "O Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko na pinagpadalhan Mo sa akin ay nag-iwan sa Qur’ān na ito at umayaw rito."
Gaya ng dinanas mo, O Sugo, mula sa mga kababayan mo na pananakit at pagbalakid sa landas mo, nagtalaga Kami para sa bawat propeta kabilang sa mga propeta noong wala ka pa ng kaaway kabilang sa mga salarin ng mga kababayan niya. Nakasapat ang Panginoon mo bilang isang tagapagpatnubay na nagpapatnubay tungo sa katotohanan, at nakasapat Siya bilang isang mapag-adyang nag-aadya sa iyo laban sa kaaway mo.
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh: "Bakit nga kaya hindi ibinaba sa Sugo itong Qur’ān nang iisang ulit at hindi na sana ibinababa sa kanya nang magkahiwa-hiwalay?" Gayon nga: magkahiwa-hiwalay, para sa pagpapatatag sa puso mo, O Sugo, sa pamamagitan ng pagbaba nito nang isang ulit matapos ng isang ulit. Nagbaba Kami nito nang paunti-unti para sa pagpapadali sa pag-intindi nito at pagsasaulo nito.
Walang inihahatid sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal na isang paghahalintulad na kabilang sa iminumungkahi nila malibang nagdala Kami sa iyo ng totoong sagot na pinagtibay at nagdala Kami sa iyo ng isang higit na maganda sa paglilinaw.
Ang mga aakayin sa Araw ng Pagbangon habang mga kinakaladkad [na nakasubsob] sa mga mukha nila patungo sa Impiyerno, ang mga iyon ay higit na masama sa lugar dahil ang lugar nila ay Impiyerno at higit na malayo sa daan sa katotohanan dahil ang daan nila ay ang daan ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw.
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah at nagtalaga Kami kasama sa kanya ng kapatid niyang si Aaron bilang isang sugo upang sa kanya ay maging isang tagatulong.
Kaya nagsabi Kami sa kanilang dalawa: "Pumunta kayong dalawa kay Paraon at sa mga tao niyang nagpasinungaling sa mga tanda Namin." Kaya sumunod silang dalawa sa utos Namin. Pumunta silang dalawa sa kanila at nag-anyaya silang dalawa sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya nagpahamak Kami sa kanila nang isang pagpapahamak na matindi.
Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo sa pamamagitan ng pagpapasinungaling nila kay Noe - sumakanya ang pangangalaga, ay ipinahamak Namin sa pamamagitan ng paglunod sa dagat. Ginawa Namin ang pagpahamak sa kanila bilang isang katunayan sa kakayahan Namin sa paglipol sa mga tagalabag sa katarungan. Naghanda Kami para sa mga tagalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon ng isang pagdurusang nakasasakit.
Nagpahamak Kami sa `Ād na mga kababayan ni Hūd at Thamūd na mga kababayan ni Ṣāliḥ. Nagpahamak Kami sa mga kasama ng balon. Nagpahamak Kami sa maraming kalipunan sa pagitan ng tatlong ito.
Sa bawat isa sa mga ipinahamak na ito ay naglarawan Kami ng pagpahamak sa mga kalipunang nauna at ng mga kadahilanan nito upang mapangaralan sila. Sa bawat isa ay nagpahamak Kami nang matinding pagpapahamak dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagmamatigas nila.
Talaga ngang pumunta ang mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kababayan mo - sa pagpunta nila sa Sirya - sa pamayanan ng mga kababayan ni Lot, na pinaulanan ng mga bato bilang parusa para roon dahil sa paggawa ng mahalay, upang magsaalang-alang sila. Kaya nabulagan ba sila sa pamayanang iyon para hindi nila dati nasasaksihan iyon? Hindi, bagkus sila dati ay hindi umaasa sa pagbubuhay na muli, na tutuusin sila matapos niyon.
Kapag humarap sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagpasinungaling na ito ay nanunuya sila sa iyo habang nagsasabi sa paraan ng pangungutya at pagtutol: "Ito ba ang ipinadala ni Allāh bilang isang sugo sa atin?
Talaga ngang muntik na siyang nagpalihis sa atin palayo sa pagsamba sa mga diyos natin. Kung hindi dahil nagtiis tayo sa pagsamba sa mga ito ay talaga sanang nagpalihis siya sa atin palayo sa mga ito sa pamamagitan ng mga katwiran niya at mga patotoo niya." Malalaman nila kapag napagmamasdan na nila ang pagdurusa sa mga libingan nila at sa Araw ng Pagbangon kung sino ang higit na ligaw sa daan, sila ba o siya? Malalaman nila kung alin sa kanila ang higit na ligaw.
Nakita mo ba, O Sugo, ang gumawa, mula sa pithaya niya, ng diyos at tumalima rito? Kaya ikaw ba sa kanya ay magiging isang mapag-ingat, na magpapanumbalik ka sa kanya sa pananampalataya at pipigil ka sa kanya sa kawalang-pananampalataya?
Bagkus nag-aakala ka ba, O Sugo, na ang higit na marami sa inaanyayahan mo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa Kanya ay dumidinig ng pagdinig ng pagtanggap o umuunawa sa mga katwiran at mga patotoo? Walang iba sila kundi tulad ng mga hayupan sa pagdinig, pag-unawa, at pag-intindi, bagkus sila ay higit na ligaw sa daan kaysa sa mga hayupan.
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, sa mga bakas ng paglikha ni Allāh nang inilatag Niya ang anino sa mukha ng lupa? Kung sakaling niloob Niya na gawin itong nakatigil na hindi gumagalaw ay talaga sanang ginawa Niya ito na ganoon. Pagkatapos ay ginawa ang araw bilang isang katunayan dito, na humahaba sa pamamagitan ng araw at umiikli.
Pagkatapos ay humawak Kami sa anino habang nag-uunti-unti ito sa pagkabawas nang dahan-dahan sa kaunting paghawak alinsunod sa pagtaas ng araw.
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng gabi sa katayuan ng kasuutan na nagtatakip sa inyo at nagtatakip sa mga bagay. Siya ay ang gumawa para sa inyo ng pagtulog bilang pahinga, na namamahinga kayo sa pamamagitan niyon mula sa mga pinagkakaabalahan ninyo. Siya ay ang gumawa para sa inyo ng maghapon bilang oras na lumilisan kayo rito patungo sa mga gawain ninyo.
Siya ang nagpadala ng mga hangin bilang tagabalita ng nakagagalak hinggil sa pagbaba ng ulan na mula sa awa Niya sa mga lingkod Niya. Nagbaba mula sa langit ng tubig na dalisay na ipinandadalisay
upang magbigay-buhay Kami sa pamamagitan ng tubig na iyon na bumababa sa isang lupaing tigang na walang halaman doon, sa pamamagitan ng pagpapatubo roon ng mga uri ng halaman at ng pagpapakalat ng mga luntian doon; at upang magpainom Kami ng tubig na iyon sa kabilang sa nilikha Namin na maraming hayupan at tao.
Talaga ngang nagpalinaw Kami at nagsarisari Kami sa Qur'ān ng mga katwiran at mga patotoo upang magsaalang-alang sila sa mga ito sa pagitan nila upang mapaalalahanan sila ngunit tumutol ang higit na marami sa mga tao [sa anuman] maliban sa kawalang-pasasalamat.
Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagpadala Kami sa bawat pamayanan ng isang sugong magbababala sa kanila at magpapangamba sa kanila sa parusa ni Allah, subalit Kami ay hindi nagnais niyon. Nagpadala lamang Kami kay Muḥammad - ang pagpapala at ang pangangalaga ay sumakanya - bilang isang sugo sa lahat ng mga tao.
Kaya huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya sa hinihiling nila sa iyo na paglalangis sa kanila at inihahain nilang mga mungkahi. Makibaka ka sa kanila sa pamamagitan nitong Qur'ān na pinabababa sa iyo ayon sa pakikibakang sukdulan sa pamamagitan ng pagtitiis sa pananakit nila at pagtitimpi sa mga hirap sa pag-aanyaya sa kanila kay Allāh.
Si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - ay ang nagpadikit sa dalawang dagat: itong isa ay naiinom na matamis at itong isa pa ay maalat na mapait. Naglagay Siya sa pagitan ng dalawang ito ng isang pangharang at isang pantakip na tumatakip na pumipigil sa dalawang ito sa paghahaluan.
Siya ang lumikha mula sa mga punlay ng lalaki at babae ng isang tao. Ang lumikha sa tao ay nagpaluwal ng ugnayan ng pagkakamag-anak at ugnayan sa pag-aasawa. Laging ang Panginoon mo, O Sugo, ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. Bahagi ng kakayahan Niya ang paglikha sa tao mula sa mga punlay ng lalaki at babae.
Sumasamba ang mga tagatangging sumampalataya bukod pa kay Allāh sa mga diyus-diyusang hindi nakapagpapakinabang sa kanila kung tumalima man sila sa mga ito at hindi nakapipinsala sa kanila kung sumuway man sila. Laging ang tagatangging sumampalataya ay isang tagasunod para sa demonyo sa ikinaiinis ni Allāh - kaluwalhatian sa Kanya.
Hindi Kami nagsugo sa iyo, O Sugo, kundi bilang isang tagapagbalita ng nakagagalak sa sinumang tumalima kay Allāh sa pamamagitan ng pananampalataya at gawang maayos at isang tagapagbabala sa sinumang sumuway sa Kanya sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagsuway.
Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako nanghihingi sa inyo para sa pagpapaabot ng pasugo ng anumang pabuya – maliban sa sinumang lumuob kabilang sa inyo na gumawa ng isang daan patungo sa kaluguran ni Allāh sa pamamagitan ng paggugol. [Kung gayon ay] gumugol siya."
Manalig ka, O Sugo, sa lahat ng mga nauukol sa iyo kay Allāh, ang Buhay, ang Nananatili, na hindi namamatay magpakailanman, at pakasakdalin mo Siya habang nagbubunyi sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya. Nakasapat Siya sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang isang nakababatid: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
[Siya] ang lumikha sa mga langit at lumikha sa lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos ay pumaitaas Siya at umangat Siya sa Trono ayon sa kataasang naaangkop sa pagpipitagan sa Kanya. Siya ang Napakamaawain, kaya humiling ka, O Sugo, sa Kanya bilang isang nakababatid. Siya ay si Allāh na nakaaalam sa bawat bagay: walang naikukubli sa Kanya na anuman.
Kapag sinabi sa mga tagatangging sumampalataya: "Magpatirapa kayo sa Napakamaawain," nagsasabi sila: "Hindi kami magpapatirapa sa Napakamaawain. Ano ang Napakamaawain? Hindi kami nakakikilala sa Kanya at hindi Kami kumikilala sa Kanya. Magpapatirapa ba kami sa ipinag-uutos mo sa amin na pagpapatirapaan samantalang kami ay hindi nakakikilala sa Kanya?" Nakadagdag sa kanila ang pag-uutos sa kanila na pagpapatirapa kay Allāh ng pagkalayo sa pananampalataya sa Kanya.
Napakamapagpala ang gumawa sa langit ng mga kumpulan ng mga bituin at mga planeta, gumawa sa langit ng isang araw na nagsisinag ng liwanag, at gumawa roon ng isang buwang nagbibigay-liwanag sa pamamagitan ng pinatatalbog nito mula sa tanglaw ng araw.
Si Allāh ay ang gumawa sa gabi at maghapon na nagsusunuran: sumusunod ang isa sa dalawa sa iba pa at pumapalit, para sa sinumang nagnais na magsaalang-alang sa mga tanda ni Allāh para mapatnubayan o nagnais ng pagpapasalamat kay Allāh dahil sa mga biyaya Niya.
Ang mga lingkod ng Napakamaawain na mga mananampalataya ay ang mga naglalakad sa lupa sa paggalang bilang mga tagapagpakumbaba at kapag kumausap sa kanila ang mga mangmang ay hindi sila tumutumbas sa mga ito ng katulad nito, bagkus nagsasabi sila sa kanila ng nakabubuti; hindi sila nagpapakamangmang sa mga ito;
[Sila] ang mga nagpapagabi para sa Panginoon nila habang mga nakapatirapa sa mga noo nila at mga nakatayo sa mga paa nila habang nagdarasal kay Allāh.
[Sila] ang mga nagsasabi sa panalangin nila sa Panginoon nila: "Panginoon namin, magpalayo Ka sa amin ng pagdurusa sa Impiyerno; tunay na ang pagdurusa sa Impiyerno ay laging palagiang nakadikit sa sinumang namatay na isang tagatangging sumampalataya.
Tunay na sumagwa iyon bilang isang lugar ng pagtigil para sa sinumang titigil doon at sumagwa ito bilang isang pinananatilihan para sa sinumang mananatili roon."
[Sila] ang mga kapag nagkaloob ng mga salapi nila ay hindi sila humahantong sa pagkakaloob nila ng mga iyon sa hangganan ng pagwawaldas, hindi sila nagtitipid sa pagkakaloob ng mga iyon sa mga kinakailangan ang paggugol kabilang ang mga sarili nila o ang iba pa sa mga ito, at laging ang paggugol nila na nasa pagitan ng pagwawaldas at pagmamaramot ay makatarungang katamtaman.
[Sila] ang mga hindi dumadalangin kasama kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - sa iba pang sinasamba, hindi pumapatay ng taong nagbawal si Allāh sa pagpatay niyon malibang ayon sa pinahintulutan ni Allāh gaya ng pagpatay sa pumatay o murtadd o nakapag-asawang nangalunya, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa ng mga malaking kasalanan na ito ay makatatagpo siya sa Araw ng Pagbangon ng kaparusahan sa anumang nagawa niyang kasalanan:
pag-iibayuhin sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagkabuhay at mamalagi siya roon na hinahamak,
Subalit ang sinumang nagbalik-loob kay Allāh, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos ay nagpapatunay sa katapatan ng pagbabalik-loob niya sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng magandang gawa ang ginawa nilang mga gawang masagwa. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Ang sinumang nagbalik-loob kay Allāh at nagpatotoo sa katapatan ng pagbabalik-loob niya sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagtalima at pag-iwan ng mga pagsuway, tunay na ang pagbabalik-loob niya ay isang tanggap na pagbabalik-loob.
[Sila] ang mga hindi dumadalo sa kabulaanan gaya ng mga lugar ng mga pagsuway at mga libangang ipinagbabawal. Kapag naparaan sila sa kabalbalan na imbi na mga salita at mga gawa ay dumaraan sila nang pagdaan na tumatawid habang mga nagpaparangal sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paglalayo sa mga ito sa pakikihalubilo roon.
[Sila] ang mga kapag pinaalalahanan ng mga tanda ni Allāh na naririnig at nasasaksihan ay hindi sila nabingi sa mga tainga nila sa mga tandang naririnig at hindi sila nabulag sa mga tandang nasasaksihan.
[Sila] ang mga nagsasabi sa panalangin nila sa Panginoon nila: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin mula sa mga asawa namin at mga anak namin ng magiging galak ng mata para sa amin dahil sa pangingilag nito sa pagkakasala at pananatili nito sa katotohanan, at gumawa Ka sa amin para sa mga tagapangilag sa pagkasasala bilang mga tagapanguna sa katotohanan na tinutularan."
Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay gagantihan ng mga Silid na mataas sa Firdaws na Pinakamataas ng Paraiso dahilan sa pagtitiis nila sa pagtalima kay Allāh, gagawaran doon ng mga anghel ng pagbati at kapayapaan, at maliligtas doon mula sa mga kasiraan.
bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Gumanda iyon bilang isang lugar ng pagtigil at isang lugar ng pananatili na pananatilihan nila.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatangging sumampalataya na nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila: "Hindi pumapansin sa inyo ang Panginoon ko dahil sa isang kapakinabangang nauuwi sa Kanya mula sa pagtalima ninyo. Kung hindi dahil mayroon Siyang mga lingkod na dumadalangin sa Kanya ng panalangin ng pagsamba at panalangin ng paghingi ay talaga sanang hindi Siya pumansin sa inyo. Ngunit nagpasinungaling kayo sa Sugo sa inihatid niya sa inyo mula sa Panginoon ninyo kaya ang ganti sa pagpapasinungaling ay magiging kumakapit sa inyo."