ترجمة سورة الرحمن

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة الرحمن باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Ang Napakamaawain
ay nagturo ng Qur'ān,
lumikha sa tao,
nagturo rito ng pagpapahayag.
Ang araw at ang buwan ay ayon sa pagtutuus-tuos.
At ang bituin at ang punong-kahoy ay nagpapatirapa.
At ang langit ay inangat Niya ito at inilagay Niya ang timbangan
upang hindi kayo lumabag sa timbangan.
At magpanatili kayo ng pagtitimbang ayon sa pagkamakatarungan at huwag kayong manlugi sa timbangan.
At ang lupa ay inilagay Niya para sa mga kinapal.
Narito ay bungang-kahoy at ang mga datiles na may mga saha,
at ang mga butil na may mga uhay at ang mga mabangong halaman.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Lumikha Siya sa tao mula sa luwad na gaya ng palayok,
at lumikha Siya sa jinn mula sa walang usok na liyab ng apoy.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
[Siya] ang Panginoon ng dalawang silangan at ang Panginoon ng dalawang kanluran.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Nagpaugnay Siya sa dalawang dagat habang nagtatagpo.
Sa pagitan ng dalawang ito ay may isang hadlang na hindi nilalampasan ng dalawang ito.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Lumabas mula sa dalawang ito ang mga mutya at mga koral.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Sa Kanya ang mga daong na nakataas ang mga layag sa dagat gaya ng mga bundok.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Bawat sinumang nasa ibabaw nito ay malilipol.
Mananatili naman ang mukha ng Panginoon mo, ang may pagpipitagan at pagpaparangal.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Nanghihingi sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa; bawat araw Siya ay nasa gawain.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Magtutuon Kami sa inyo, O dalawang mabigat.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
O kapisanan ng jinn at tao, kung makakaya ninyo na lumagos sa mga dako ng mga langit at lupa ay lumagos kayo; hindi kayo makalalagos malibang sa pamamagitan ng isang kapangyarihan.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Magsusugo Siya sa inyong dalawa ng dalisay na lagablab ng apoy at [lusaw na] tanso, at hindi kayo makapag-aadyaan.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Saka kapag nabiyak ang langit at ito ay naging kulay rosas gaya ng kumukulong langis.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Kaya sa araw na iyon ay hindi magtatanong, tungkol sa pagkakasala nito, sa isang tao ni isang jinn.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Makikilala ang mga salarin sa mga tatak nila, at kukunin sila sa mga buhok sa noo at mga paa.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Ito ay ang Impiyerno na nagpapasinungaling dito ang mga salarin.
Magpapaikut-ikot sila sa pagitan nito at ng nakapapasong tubig.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
At ukol sa sinumang nangamba sa katayuan sa Panginoon niya ay dalawang hardin.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
[Ang mga ito ay] may maraming sanga.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Sa dalawang ito ay may dalawang bukal na dumadaloy.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Sa dalawang ito, bawat prutas ay magkapares.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Mga nakasandal sa mga supa na ang aporo ng mga ito ay mula sa makapal na sutla at ang ani ng dalawang hardin ay naabot.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Sa mga iyon ay may mga babaing nagtatakda ng pagtingin na walang nakipagtalik sa mga ito na isang tao bago nila ni isang jinn.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Para bagang sila ay mga rubi at mga koral.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Walang iba ang ganti sa pagmamagandang-gawa kundi ang pagmamagandang-gawa.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Sa paanan ng dalawang ito ay may dalawang hardin.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Matingkad na luntian [ang dalawang ito].
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Sa dalawang ito ay may dalawang bukal na bumubuga.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Sa dalawang ito ay may prutas, mga datiles, at mga granada.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Sa mga ito ay may mga babaing mabubuti na magaganda.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
May mga dilag na pinananatili sa mga kubol.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Walang nakipagtalik sa mga ito na isang tao bago nila ni isang jinn.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Mga nakasandal sa mga almohadon na luntian at mga kutson na magaganda.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?
Napakamapagpala ang pangalan ng Panginoon mo, ang may pagpipitagan at pagpaparangal.
Icon